Chapter 23 - Boracay Day 1

6K 168 1
                                    

Skyler




DAHIL vacation time, naisipan naming magkakaibigan na pumunta ng Boracay.
Mabuti na lang talaga at magkakasundo kami pagdating sa mga ganitong bagay.

Para narin kay Bria dahil sa wakas nagising narin ang kaibigan ko. Isang linggo na siyang hiwalay kay Paul. At in fairness sa kaibigan ko parang wala lang talaga sa kanya ang nangyari.

At sa ex-boyfriend niya? Wala kaming balita as in parang nawala siyang parang bula.

"Lapad ng ngiti natin huh?" Pang-aasar ko kay Bria.

Nakangiti kasi ito habang pinagmamasdan sina Kiana at Miley na busy makipag-usap sa mga FO para kunin ang room number namin.

"Not now Sky. Halika na nga tulungan nalang natin si Thom at Brix sa mga gamit natin.

"Wushu iniiba ang usapan." pangungulit ko.

"Isa Sky? Isusumbong kita kay Miley?" Sabay smirk niya ng matahimik ako.

"Tsk! Daya!" sabi ko na lang at hinila na lang siya para mapuntahan sina Thom at Brix.

Mukhang naisahan na naman ako ni Bria this time.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa kanya.

"Sa wakas nanalo na naman ako sayo. Tsk si Miley lang pala magagamit ko para manalo sa'yo." pang-aasar naman niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ngayon lang 'to 'no" sabi ko pa.

Minsan kasi nahuli niya akong ninanakawan ng halik si Miley habang natutulog.

Nakakahiya kay Miley pag nalaman niya di ba? Baka sabihin niya grabe kung pagnasaan ko siya. Baka mamaya niyan di na ako sagutin.















HABANG nag-aayos ng gamit namin si Miley ay nakatulala lang ako sa kanya.
Alam mo yung feeling na kahit wala naman siya ginagawa sayo ay nag eenjoy ka na titigan lang siya?

Yung mapapangiti ka na lang bigla habang pinapanood siya?

"Skyler?" Tawag sa'kin ni Miley. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin.

Grabe lang? Para akong nahipnotismo ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"Are you okay? Kanina pa kita kinakausap. Pero nakatulala ka lang sa'kin." Sabay smirk niya.

Bigla akong nahiya kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Kagat labi na lang akong pasikreto na kinakastigo ang sarili ko.

Bakit kasi kelangan ko magpahuli sa kanya na patay na patay ako sa ganda niyang taglay?

Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Miley sa mukha ko at hinarap sa kanya.

Sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Kanina pa kita tinatanong kung nagugutom ka na ba? Pero mukhang sa ibang bagay ka ata gutom." nagpapalit-palit ang tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko habang sinasabi yun.

Lumabas na naman ang pagkapilya ni Miley.

Ako ba ang hinahamon niya?

"Nagugutom na nga ako, gutom na gutom." Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya at tila hahalikan siya.

Pero nung napansin kong napapikit na siya ay bigla akong napangiti na ikinadilat ng mata niya.

"Sino ngayon ang gutom?" sabay pakawala ko ng malakas na tawa dahil namumula na naman siya ngayon.

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon