Chapter 46 - Laura & Sara

3.4K 126 18
                                    

Miley




PARE-PAREHO kaming nakahinga nila Bria at Kiana ng magpa-alam si Tita Laura para kausapin ang doctor.

"Paano nalaman ni Tita yung about sa amin ni Kiana?" tarantang tanong ni Kiana pagkalabas na pagkalabas ni Tita.

"Babe, chill okay?" si Kiana.

"Paano? What if sabihin ni Tita sa parents ko'to? Malalagot ako." si Bria.

"I don't think naman na gagawin ni Tita yun, at tsaka nakita mo yung reaction ni Tita? Parang wala lang sa kanya or okay lang sa kanya." sabat ko.

"Tama si Miley, kaya wag mo na muna alalahanin yung about sa parents mo okay? Hanggat okay ang lahat, chill lang muna tayo." si Kiana.

"Pero ang iniisip ko, sa tingin niyo may alam kaya si Tita about sa amin ni Skyler? I mean ako ang dahilan kung bakit..." napatingin ako sa natutulog na si Skyler. " I mean kasalanan ko kung bakit siya nandiyan." Malungkot kong sabi.

"Miles wala kang kasalanan okay? Ilang beses ba naming sasabihin sayo yan?" Si Kiana.

"Just tell us the truth, yan lang Miley. Hayaan mong tulungan ka namin, para narin kay Skyler." sabi ni Bria.

Sa sobrang seryosohan ng usapan namin ay hindi namin namalayan ang pagpasok nila Thomas.

"Huli na naman ba kami sa balita?" biglang sulpot ni Thomas, kasama si Brix at Sabine.

"Sabine." tawag ko sa kanya ng makita ito.

Ngumiti ito sa akin.

"At ganun invisible lang talaga kami ni Brix?" si Thomas.

"Oh come on Thom, stop being so dramatic, baka mamaya tinorture niyo si Sabine." sabi ko at hinila palapit sa akin ni Sab.

"Oy grabe ka hindi ah, ni hindi ko nga makausap yung dalawa.. Aba! Simula ng nakasama ko sila, hindi parin sila nag-iimikan." tukoy ni Thom kay Brix at Sabine.

"Nga pala ipapasa ko na lang mga PowerPoint na nakuha namin para mapag-aralan niyong tatlo dahil may exam tayo next week." sabi sa amin ni Thomas.

"Wala pa ba kayong balak pumasok bukas?" tanong ni Brix.

"Basta ko hihintayin kong magising si Skyler." sabi ko.

"Kami din." sagot ni Bria.

"Gusto mo samahan kitang magbantay kay Sky?" alok ni Sabine.

"Thanks Sab pero wag na, magpahinga ka na lang and gusto ko wag ka lumiban sa klase, si Thom na bahala sayo." sabi ko.

Tumango na lang si Sabine bilang sagot.

"Curious talaga ako kung anong meron." sabi bigla ni Kiana.

"Sasabihin ko rin ang lahat pag gising ni Skyler para isang paliwanagan na lang." Sagot ko.

"Sana lang magising na siya." sabi naman ni Bria.

































































AYAW ko mang iwan si Skyler sa hospital ay kailangan dahil naipangako ko kay Tita Laura na dadalhin ko siya kay Mama.

Hindi ko naman akalain na agad-agad pala ang gusto ni Tita.

Pero mas okay na ngang ngayon kami pumunta dahil baka pag sa susunod na araw pa ay hindi na niya madatnan si Mama, lagi kasing umaalis 'to.

Pinag masdan ko si Tita Laura na tahimik lang na nakatingin sa bintana ng sasakyan...

Girl CrushWhere stories live. Discover now