Finale (Happy Valentines Day)

5.6K 124 21
                                    

Skyler




"CHEERS!" sigaw naming apat nila Miley kasama sina Mama at Tita Sara.

Nandito kami ngayon sa bahay mismo namin para mag celebrate ng Valentines Day. Dapat nga ay lalabas kami pero mas pinili ni Mama na dito na lang dahil gusto niyang siya ang magluluto ng kakainin namin ngayong dinner.

Syempre dahil hilig ko rin ang pagluto kaya naman tinulungan ko na lang din si Mama. Ako na nga ang nagsimula at tinapos niya lang ang pagluluto dahil inasikaso niya pa yung business namin. Kahit si Tita ay busy din kaya pumayag na sa bahay nalang mag celebrate.

Pumayag na lang din kami ni Miley dahil ang importante naman daw ay yung kasama mo yung taong mahal mo sa araw na ito.

"Anak ang swerte natin sa mag-inang 'to, bukod sa masarap magmahal, napakasarap pa magluto." sabi ni Tita Sara.

"Swerte din naman kami sa inyo Sara. Masarap kaya kayong mag-alaga." sabi ni Mama.

"Uhm tama ka diyan Ma at tsaka ang sarap nilang pasiyahin kasi kapag ngumingiti at tumatawa sila, gumagaan ang loob ko." sabi ko.

"Alam mo Laura, nagmana talaga 'tong anak mo sayo." sabi ni Tita.

"Aba dapat lang hahaha" natatawang sagot ni Mama.

"Maganda na Mabait pa, nagmana po talaga sa inyo Tita." sabi naman ni Miley at ngumiti.

"At dahil diyan kelan ang kasal niyo anak?" biglang sabi ni Mama.

Bigla namang napaubo si Tita at Miley na ikinahagikgik namin pareho ni Mama.

"Ma, wag mo binibigla sina Miley at Tita." natatawa ko pang sabi.

"I'm just kidding." nakangiting ani ni Mama. "Mga bata pa kayo, i-enjoy niyo muna ang mga bagay-bagay sa mundo, balang araw darating din kayo diyan. Pero sa ngayon pag-aaral muna okay?" biglang seryoso ni Mama.

"Of course Ma." sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Sky, gusto ko lang malaman mo na masaya ako na ikaw ang napiling mahalin ni Miley. Ikaw ng bahala sa pirinsesa ko ah? Ingatan mo siya." Hinawakan pa ni Tita ang mga kamay ko pagkasabi nun.

"Opo Tita, iingatan ko po siya at mamahalin ng lubos." nakangiti kong sabi.

"Ikaw din Miley, dapat ingatan niyo ang isa't-isa." sabi naman ni Tita kay Miley.

"Yes, Ma. Kahit napakakulit niyan mahal na mahal ko yan." sagot naman ni Miley.

Napailing-iling na lang ako habang nangingiti.

"Sana Miley ay hindi ka mapagod sa kakulitan ng isang 'to." sabi naman ni Mama.

"Ma, minsan lang kaya ako magkulit, mas madalas malambing ako di ba?" tanong ko kay Miley.

"Oo na lang Tita." natatawang sagot ni Miley.

"Baby?" angal ko pero pinagtawanan lang nila ako.

"Anyway guys, Happy Valentines Day again. Maaari na ba naming masolo ang isa't-isa?" sabi bigla ni Mama.

"Yes na Yes Ma." mabilis kong sagot.

"Aba, may pinagmanahan talaga... gustong-gusto mo rin masolo ang anak ko ah." Pinaningkitan pa ako ng mata ni Tita pero napakamot naman ako sa ulo. Huli ako dun ah.

Nakarinig naman kami ng tawa mula kay Mama at Miley.

"Biro lang hija, sige na... Kayo din baka may pupuntahan pa kayo." sabi bigla ni Tita.

"Thank you Ma, Thank you Tita. Happy Valentines." ani ko at nag beso sa kanilang dalawa.

"Happy Valentines again Ma, Happy Velentines din Tita." ani naman ni Miley and nagbeso din.

Girl CrushWhere stories live. Discover now