*Nobela ni Feeling Author*

4.1K 99 30
                                    

Basahin niyo man o hindi itong nobela ko wala akong pake, basta thank you lol

KYAAAAAAAAA NATAPOS DIN FINALLY! Grabe 75 Chapters, nakaya ko yun? Naiiyak ako di ko kasi talaga akalain na magugustuhan ng iba yung story ko. I mean hindi naman seryosohan 'to eh, kung ano lang talaga pumasok sa utak ko ay isinusulat ko lang.

Salamat sa mga readers na makukulit na namimilit sa akin laging mag update, alam niyo na kung sino kayo hahaha dahil sa inyo kaya ginaganahan akong mag update. At sa mga silent reader talaga na kahit walang likes at comment okay lang yan, hindi ko kayo pipilitin... naiintindihan ko kayo kasi ganyan din ako. Silent reader forevs hahaha cheers to that! Lol

Anyways love you guys and thank you ulit sana di kayo magsawa sa walang kwentang story ko hahaha sana basahin niyo rin yung iba kong story. Promote ko lang dito, pano naman kasi ito ang may pinakamaraming nagbabasa lol

Nga pala facts about the story gusto niyo?

Share ko lang kahit hindi niyo tinatanong wala akong pake sasabihin ko parin lol

1st - Dapat series talaga ito, nahahati siya sa dalawa. Kwento ni Skyler at Miley (Skyley) at Bria at Kiana (Briana). Kaso tinamad ako kaya pinag-isa ko na lang. Yung kay Thomas at Ariana wala talaga sila sa umpisa, naisingit lang sila nung pinagsama ko na yung story. Kahit si Brix and Sabine ay naisingit ko na lang din lol. Si Max na ex ni Kiana ay wala naman talaga pero si Paul na ex ni Bria ay kasama na talaga.

2nd - Sa original plot ng story ay kay Kiana talaga dapat maiinlove si Sky, kaya lang hindi siya gusto ni Kiana. Ang mangyayari ay ipapakilala ni Kiana si Miley kay Sky at itong si Miley ay hindi sinasadyang mahulog kay Sky (kasi nga di ba magkababata sila?) Kaya magaan ang loob nila sa isa't-isa.

Nang maging close na sa isa't-isa si Skyler at Miley at kung kelan nagkakamabutihan na yung dalawa saka maiisip ni Kiana kung ano ang nawala sa kanya pati narin kung ano yung nararamdaman niya para kay Sky. Dahil hindi naman umaamin si Miley sa nararamdaman niya dahil nga hindi niya parin malaman kung ano ba talaga ang tawag sa kanyang nararamdaman o talaga bang paghanga lang ba iyon, nang ikwento ni Kiana na parang nahuhulog na siya kay Sky ay nagparaya na lang si Miley.

Para kay Sky naman nang malaman niyang nahuhulog na sa kanya si Kiana ay natuwa siya sa nalaman, nag date sila pero may iba siyang hinahanap. Si Miley syempre.

Doon nahinto ang lahat. Binago ko ang plot sa isang iglap. Naisip ko bigla na ayaw kong maging magkaribal si Kiana at Miley, kasi sa kwentong ito, sobrang close talaga nilang mag best friend. Ayokong sirain yung friendship nila ng dahil lang sa love, ako kasi yung tipo ng tao na pinapahalagahan ang friendship. Ganun din sa friendship ni Sky at Bria, ayokong maging jowa ni Bria ang ex ni Sky. Kaya ang ginawa ko, BINAGO ANG LAHAT! Sa kwento kasi ni Bria at Kiana pareho talaga silang heart broken, si Bria kay Paul tapos si Kiana kay Sky. Naging comfort nila ang isa't-isa hanggang sa mahulog sila sa isa't-isa.

Oh ano sa tingin niyo? Anong mas okay? Don't worry gagawa na lang ulit ako ng story na ganito yung plot pero hindi mag best friend yung dalawa, friends-friends, yung tipong close minsan tapos minsan di magkakilala, para naman hindi sayang ang friendship LOL

3rd - Nasa kalagitnaan ako ng Girl Crush ng maisip kong baguhin na naman ang plot. Dahil sa sobrang closeness ni Sky at Bria ay sila na lang at ganun din kay Miley at Kiana. Pero naisip ko na kapag ginawa ko yun, babaguhin ko na naman ang lahat, pati yung mga flashbacks na ginawa ko sa story ay mababago kaya thank god at tinamad talaga ako. Sorry naman bored ako eh, kaya kung ano-ano naiisip. Pero siempre kahit naisip ko yun, naisip ko lang talaga lol dahil hindi ko naman na talaga babaguhin, end game kaya si Skyler and Miley and ganun din si Bria and Kiana. Sa mga shippers nila kaway-kaway hahahaha Panalo tayo! :)

Yun lang, mahaba ba? Nobela nga di ba? Lol salamat sa time hahaha at dito nagtatapos ang lahat.

Nga pala pahabol lang, sorry kung minsan hindi ako nakakapag reply sa ibang comments at ganun din sa mga nag memessage. Oo totoo ang bali-balita, suplada at masungit ako lol pero mabait po ako sabi nila hahaha

Nah seryoso guys, introvert kasi ako hahaha minsan nasa mood makipag-usap, minsan naman talaga dedma lang. Sorry ganun talaga, in short wala akong kwenta kausap hahaha

Sige na nga bye na.

Mahal ko kayo guys CIAO~


- missperidoe

Girl CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon