Chapter 65 - Happy New Year

3.3K 111 18
                                    

Miley



Mabilis na lumipas ang araw sa amin dito sa Amanpulo pero na-enjoy naman namin. Halos lahat ng activities na pwedeng gawin ay ginawa namin.

Namasyal din kami at nagpakasawa sa pagkuha ng mga pictures ng isa't-isa.

Syempre dinamihan ko ang picture naming dalawa ni Sky, this 2020 kasi ay ipagmamalaki ko sa buong mundo kung gaano ko kamahal si Skyler.

Wala na akong pake pa sa sasabihin ng iba, ang importante sa akin ngayon ay maipadama ko kay Skyler kung gaano ko siya kamahal. Lalo na ngayon at konti palang ang mga ala-alang nagagawa namin dahil narin sa amnesia niya.

Pag magkakasama kaming magkakaibigan, napapansin ko ang pagiging tahimik niya marahil ay nalulungkot siya dahil wala siyang maalala ni-isa sa mga pinag-uusapan namin.

Minsan sa gabi kapag kaming dalawa na lang, gusto ko siyang kausapin about sa napapansin ko pero ayoko naman isipin niya na kinaaawaan ko siya dahil isa iyon sa ayaw ni Skyler kaya dinodoble ko na lang ang paglalambing ko sa kanya para naman makuha ko ang lahat ng attention niya.

Okay rin naman pala yung ginagawa ko dahil alam kong mababawasan yung pag-aalala niya kung kailan ba babalik ang ala-ala niya.

Kung kinakailangan i-seduce ko siya araw-araw ay gagawin ko hahahaha.

Pero siempre joke lang yun, di po ako ganun pero sige na nga aaminin ko na, minsan lang naman. Girlfriend mo ba naman ang isang Skyler Trias hindi ka magiging marupok?

Madalas kasi talaga itong si Skyler ang may pagka manyak eh hahaha kaya napupuyat kami dahil sa kanya, ayaw niya tigilan ang labi ko.

Tulad ngayon naglalakad kami pabalik sa cottage na tinatambayan namin ng bigla-bigla siyang haharang sa dadaanan ko at si ako naman ay mapapahinto at kapag nakahinto na ako ay makikita mo muna yung pamatay niyang smirk then bigla-bigla niya na lang akong kakabigin hanggang sa magkadikit na ang aming mga labi.

Ang bilis ng kamay niyang mapunta sa batok ko at hindi ako nakakaiwas sa kanya.

After niyang gawin yun ay ngumisi ulit siya at ng aalis na sana siya ay may nakita siyang isang foreigner na naglalakad papunta sa amin.

Napahinto siya at sinundan ko talaga siya kung saan ito nakatingin, doon nga sa babaeng foreigner.

Wow lang after niya ako halikan ito susunod niyang gagawin?

Nang makalagpas sa amin yung babae ay bigla siyang nagsalita pero tinatanaw parin yung babae.

"Wow! She's so gorgeous and damn! Her ocean eyes makes her more perfect!" amaze na sabi ni Sky na nakapag pakunot noo sa akin.

"Seriously Skyler? You just checked her out in front of me!" inis na sabi ko pero ngumiti lang siya.

"I did? Really?" di makapaniwalang tanong niya. "Oh I think I've found my new girl crush." dagdag niya pa.

"REALLY? GIRL CRUSH? Bahala ka diyan sa buhay mo!" sabay hampas ko sa dibdib niya.

"Aray baby, wuy!" Sigaw niya ng iwan ko siya.

Hinabol naman niya ako pero di ko siya pinapansin.

"Baby" tawag niya sa akin pero patuloy lang ako sa paglalalad.

Bahala siya sa buhay niya.

Humarang siya sa dinadaanan ko kaya napahinto ako.

"Are you jealous?" Nakangising tanong niya.

Pero inirapan ko lang siya at nag crossarms.

"Sorry na? It's just a crush lang naman eh." Sabay kamot niya sa ulo.

Girl CrushWhere stories live. Discover now