Chapter 9 - Kiana's

7.6K 238 25
                                    

Bria




"Grabe Kian, ang sexy mo pero ang bigat mo huh." Papasok na kasi kami sa room nila Kian at heto nga at hirap na hirap ako dahil gegewang-gewang yung isa maglakad at nadadala ako.

"So I'm sexy huh?" nahinto kami sa paglalakad ng bigla siyang nagsalita at nag-angat ulo para tingnan ako sa mga mata.

Napalunok tuloy ako ng di oras dahil ang intense niya makatingin.. Tapos namumungay pa. Why so hot?

"Pero mas sexy parin ako. Ang nasabi ko na lang para maputol yung tension sa aming dalawa.

Heto na naman kasi yung feeling na hindi ko maintindihan, ganitong-ganito yung naramdaman ko nung kauna-unahang naglapat ang mga kamay namin.

Lalo pa akong kinabahan at natulala sa sinabi ni Thomas. Pero hindi eh mali 'to. Hays! Kian naman kasi eh.

Nang makapasok kami sa kwarto ay dali-dali ko siyang ni-pwesto sa kama pero hinila niya ako kaya naipababawan ko siya.

"Shit" tanging nasabi ko.

Narinig ko namang natawa si Kian bigla.

"What the! Kian..." Tawag ko sa kanya dahil babangon na sana ako ng pigilan niya ako.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.. Shems.. Namumula ata ako.

Sobrang ganda niya sa malapitan talaga. Pero mas maganda parin ako!

Naramdaman ko na lang na hinahaplos ni Kian ang mukha ko at unti-unting naglapat ang aming mga labi.

Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realized ang nangyari kaya kumawala agad ako sa halik.

"Damn! Kian bakit mo ko hinalikan?" Shocks! Lasing nga pala ito at ako itong nasa katinuan so bakit hinayaan ko siyang halikan ako?

Ughhhhh! Pero in fairness ang lambot ng labi niya. Kainis! Ano ba nangyayari sa akin? ㅠㅠ

Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Kian at hinarap ako.

"Can I kiss you again?" Bungad niya sa akin, ako naman ay halos mapanganga sa tanong niya.

"What the! Kian tigilan mo ko huh, ibang klase ka pala pag nalalasing..."

"Bria, alam ko pa ginagawa ko noh, Oo lasing ako kanina pero nawala ata nung hinalikan kita eh."

"Wag ako Kian, alam mong may boyfriend ako." tanggi ko.

"Tsk! Wala naman siya eh." sabay pout niya. Cute!

"Ah basta hindi pwede!"

"Aish! Kainis ka!" sabay higa niya ulit.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakahiga ng maisipan kong itanong yung about kay Sky.

"Hey, Kian.. Anong tingin mo kay Sky?"

"Sky?" tanong niya.

"Uhmmm" sagot ko habang naghihintay sa sagot niya.

"Hmmm nakakatakot mahalin." napaangat agad ang isang kilay ko sa naging sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko. Great! Nakakausap ko parin si Kian ng matino. Hahahaha

"Sekreto lang natin 'to huh? Pero feeling ko may gusto sa akin yung best friend mo. Kahit sabihin niya pa paulit-ulit na straight siya. Well hindi ako manhid at ramdam ko na may feelings siya para sa akin."

Wow! Lakas din nitong si Kian huh!

"How can you be so sure? Eh ikaw may pag-asa ba si Sky sayo?" makakuha man lang ng sagot.

Girl CrushWhere stories live. Discover now