My Innocent Maid VII

116K 2.6K 366
                                    

Marco

Pagkapasok ko nang banyo, nahahapong napaupo ako sa tub. I don't know what got into me kung bakit ilang buwan na akong ganito. I know, I'm totally harsh when I said I don't want to see her. But I'm just pissed. She knew that I'm not ready for any commitment by now. May mga responsibilidad pa akong dapat unahin at tapusin. She agreed in no commitments but now, she's pissing me off.

Alam kong hindi ko naiputok sa loob-loob niya. But there is this small chance na mabuo pa rin ito. And that made my temper burst out.

My Mom will announce soon, that I'll be the one and only heir of the company. And It's a big responsibility to hold at ayaw kong madis-appoint sila sa akin. I will do everything para maging proud sila mas lalo.

Pagkatapos kong naligo, nagtagal muna ako sa loob. Gusto ko makasigurong wala na siya bago ako lumabas. I need to think at mahihirapan akong gawin 'yon kung nakikita ko siya at gumagawa siya ng paraan to tie me up in a situation I can't handle.

Nang mapagdesisyunan ko nang lumabas, binuksan ko na ang pinto at lumabas na. Wala akong kahit isang saplot sa katawan dahil na rin sa biglaan ko lang na pagpasok dito.

Paglabas ko, nagulat talaga ako sa taong nasa paanan ng kama ko at inaayos ang mga gulo.

"What the fuck are you doing here?" kunot noo kong tanong dito at naglakad palapit.

"Po?" gulat niyang sambit at napatayo bigla sa harapan ko.

"Sabi ko, anong ginagawa mo dito sa loob ng kuwarto ko?" kunot-noo pa ding tanong ko.

Nakita kong lumaki ang mata niya at nakatayo lang sa harap ko.

"Sen-yo-ri-to, pinaba-likan po kayo ng ma-gulang niyo. Ang tagal niyo daw po kasi," utal na sambit nito at napatingin sa ibabang bahagi nang katawan ko.

Nang mapagtanto ko ang tinitignan niya, natawa ako at hinila ang kumot sa kama at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit napapatawa niya ako sa simpleng reaction lang ng mukha niya. Kung ibang babae lang siguro ang nakakita nang nakita niya? Malamang nasa ibabaw na kami ng kama at pinapaligaya ako. But her? she's different. Hindi man lang niya tinakpan ang mga mata niya pagkakita sa kahabaan ko.

"Okay, magbibihis lang ako." sabi ko nalang dito at tumalikod na, "At pakitigilan na ang paglilinis mo diyan. Hindi mo 'yan trabaho." baling ko ulit dito pero nagulat ako dahil hindi maipinta ang mukha niya habang nag-iisip. Parang hindi niya ako narinig dahil pinagpatuloy pa rin nito ang paglilinis habang bumubulong. Hindi ko maintindihan ang binubulong niya kaya hinayaan ko nalang siya at nagsalita ulit.

"Hey, ako na ang bahala diyan. Pakisabi nalang kina Mommy na bababa na ako." Napatingin siya sa akin ng nakangiti at sumagot.

"Ako na po, Senyorito. Wala naman na po akong gagawin." sambit nito at itinuloy na ang paglilinis. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok sa dresser ko at magbihis. Binilisan ko talaga ang magbihis para makausap ko pa ito.

Paglabas ko, pinapagpagan niya na ang kama at inaayos ang mga unan. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at tinulungang ayusin ang unan. Pero hinila niya lang ito at siya na mismo ang umayos.

"Ilang taon ka na, Katherina?" tanong ko,

"Bente singko, Senyorito. Bakit niyo po naitanong?" nagtatakang tanong nito.

"Ahhh, wala naman. Mas matanda lang pala ako ng dalawang taon sa 'yo."

Hindi na ulit siya nagsalita kaya pinagmamasdan ko nalang siyang ayusin ang kumot. Nang matapos niya, pinagpag niya pa ang kamay niya at nakangiting nagsalita.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon