My Innocent Maid XXXVII

69.4K 1.5K 112
                                    

Katherina

Ang saya ko ngayon habang pauwi. Natuto na din akong umuwi mag-isa dahil hindi sa lahat nang oras ay masusundo ako ni Senyorito. Saka ang alam nito ay nakauwi na ako ng probinsiya.

Hawak ko na ngayon ang resulta nang pinaghirapan ko sa anim na buwang pagrereview. Masaya ako dahil ito na 'yong pinakahihintay ko. Habang yakap-yakap ko ang envelope na naglalaman nang pasado kong marka ay nakangiti akong naglalakad papuntang sakayan. Anong oras na din kasi. Natagalan akong hintayin ang pagkuha dahil hindi lang pala ako ang nag-iisang naghihintay. Ngayon, maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko at alam ko na makakapagtapos na ako.

"Hindi na ako makapaghintay na ibalita ito kay Senyorito. Pati na din kina Inang at mga kapatid ko." sambit ko, at nakangiting naglalakad papasok sa sasakyan.

Nang pumasok sa isip ko ang imahe ni Senyorito ay mas lalong lumapad ang aking mga ngiti dahil ito na ang araw na pinakahihintay ko. Sasabihin ko na dito ang tunay na nilalaman nang aking puso. Sa mga nagdaang araw ay napakasaya namin. Walang araw na hindi kami magkasama. Wala din araw na hindi niya ako nilalambing at lagi niya ding sinasabi na mahal na mahal niya daw ako.

Dahil sembreak naman daw ay kailangan kong magbakasyon pagkatapos nang ilang linggong pagkakasubsob ko sa pag-aaral. Dahil na din sa mensahe nang pinag-examan ko ay naantala ang aking pag-uwi. Sinabihan ko sina Lhynne na huwag sasabihing hindi ako natuloy sa pag-uwi.

Napabaling sa harapan ng jeep ang paningin ko nang bigla nalang iyong pahinto-hinto sa gitna ng kalsada. Nang tuluyan itong tumigil ay humihingi nang pasensiya ang driver sa amin dahil nga nasiraan daw ito. Imbes na mainis ay nakangiti pa din akong bumaba at naghintay ng masasakyan.

Pero mag-iisang oras na kaming naghihintay at hindi pa din kami nakakasakay. Punuan lahat nang dumadaan. Pagtingin ko sa relo ko ay mag-aalas singko na pala. Napasulyap ako sa katabi ko na naghihintay din. Pansin ko sa mukha nito na parang aburido na siya dahil sa hindi Nmaipintang hitsura ng mukha niya.

Naghintay pa kami nang halos isang oras ulit bago kami tuluyang nakasakay. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makaupo na ako sa upuan ng dyip. Kahit na nangawit ang mga paa ko sa paghihintay ay hindi ko pa din naiwasang mapangiti.

Malayo pa lang ang nilalakad ko nang mapansin ko na andami ng sasakyan sa may bukana papunta sa mansiyon. Nagtataka man ay hindi ko nalang pinansin at dumiretso na pauwi. Habang papalapit ako ay nasiguro ko sa sarili na sa mansiyon nga ang kasiyahang nagaganap.

Dahil madilim na din ay makikita mo ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa garden ng mansiyon. Pagpasok ko ay namangha ako sa kapaligiran dahil napupuno ito nang maliliwanag na ilaw. Sa garden naman ay medyo madilim at tama lang na makikita mo ang mga mukha nang mga nandoon.

Hindi ko alam kung ano ang humihila sa akin para pumunta doon. Pagtapak nang aking paa sa bukana nang kasiyahan ay napatigil ako at tumitig lang sa taong nasa taas ng stage. Napakaguwapo nito sa suot niya. Napadako ang mata ko sa katabi nitong napakagandang babae. Nakahawak ito sa braso ni Senyorito. May nadama akong selos sa aking sistema kaya napadako ulit ang mata ko kay Senyorito.

Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Nagtaka nalang ako nang bigla nalang magbago ang emosyon ng mukha nito. Ang gulat na dating nakarehistro sa mukha niya ay naging walang emosyon na at ibinaling nito sa iba ang kanyang paningin.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa magsalita si Senyorito Theo. Sa una ay pagbati lamang hanggang sa matulala nalang ako sa huling sinabi nito.

"Thank you for coming everyone. We would like you to know, that we gathered you all here to celebrate the engagement party of our son, Marco Dela Torre and Miss Beatrice Lizardo. Give them a round of aplause." anunsiyo nito na ikinatigil ko at nagtatanong na tumingin kay Senyorito. Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa nararamdaman ko ngayon.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon