My Innocent Maid X

110K 2.7K 103
                                    

Katherina

Nasa tapat na ako ng bahay, pinagmamasdan si Inang na nagtitinda sa harap ng bahay. Hindi muna ako nagpakita o kumibo man lamang. Gusto ko kasi siyang makita at matitigan nang maayos. Mula kasi nang mamatay si Itay, bihira na lang itong tumawa. Ngumingiti naman ito kaso hindi ito umaabot sa kanyang mga mata. Nang magsawa akong pajatitigan si Inang, ngumiti ako at hinanda ang sarili ko sa pagsigaw.

"Inaanngg!" sigaw ko na nakapagpatigil dito at lumingon-lingon sa paligid. Nang makita niya ako, lumaki ang mata nito at kinusot-kusot pa.

"Ako'y namamalikmata nga lang ba?" tanong nito sa sarili niya at kinusot na muli ang mata saka pinakatitigan ako nang mabuti. Nang makita niya ang pag-ngiti ko, napangiti na din ito at dali-daling tinawag ang mga kapatid ko.

"Pamela! Kasandra! Isabela! Ang ate niyo!" sigaw nito at hindi magkumahog na lumabas ng tindahan para salubungin ako.

"Bakit Inang? Anong nangyari kay Ate?" humihingal na tanong ni Pamela kay Inang. Halata mong nagmadali ito sa paglabas dahil may uling pa ito sa pagmumukha.

"Dumating ang Ate niyo! Salubungin niyo siya! Madali kayo!" masayang sigaw nito sa mga kapatid ko.

Nang dumako ang paningin ni Pamela sa gawi ko ay napamulagat ito at hindi makapaniwalang nakikita niya ako.

"Ateee!" sigaw din nito at nauna nang nagtatatakbo palapit sa akin. Masyado siyang galak na makita ako kaya hindi na niya napansin pa ang paglabas din ng dalawa at ang patakbo ding paglapit nila. Kaya ang resulta, nagbanggaan silang tatlo.

Agad akong lumapit sa kanila habang tumatawa. Nagmadali naman silang tumayo at sabay-sabay na yumakap sa akin.

"Ate, namiss ka namin nang sobra-sobra. Akala namin hindi ka na uuwi." naiiyak na sambit ni Pamela sa akin habang nakayakap. Siya ang pangalawa sa aming magkakapatid. Masayahin at maganda ding tulad ko.

"Oo nga naman, Ate, buti nakauwi ka." tanong ni Isabela, siya ang pangatlong pinakamatanda sa amin.

Hinihintay kong magsalita si Kasandra pero hindi ko ito nahintay. Agad kong iniangat ang mukha nito, hindi na ako nagulat nang makita ko na umiiyak ito. Siya ang iyakin naming bunso.

"Tama na Bunso, huwag na ikaw umiyak. Andito na si Ate, inaaway ka ba nitong dalawa?" nakangiting tanong ko dito at ginulo ang mahaba din nitong buhok.

"Hindi Ate ha! Siya kaya lagi ang nang-aaway sa amin. Kahit itanong mo pa kay Inang." depensa ni Isabela at mas humigpit ang yakap nito sa akin.

"Totoo ba 'yon, Kasandra?" tanong ko na ikinangiti nito at nagpeace sign sa harap ng mukha niya. Napailing nalang ako sa inasta niya. Umiiyak tapos biglang nangiti. Aba, may saltik na din ata ang kapatid ko.

"Tignan mo 'yan, Ate, kawawa kaya kami diyan." pagsusumbong ni Pamela sa akin.

"Tama na 'yan. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan niyo. Baka gusto niyong buhatin ang mga dala ng Ate niyo at papasukin siya sa loob ng bahay? Ang dami na namang naglipanang mata at mga bubuyog sa paligid." sambit ni Inang na ikinatawa ko. Hindi na kasi maiiwasan ang mga ganyan lalo na sa probinsiya.

Agad namang nagsikalas ang mga kapatid ko at isa-isang kinuha ang mga dala ko. Lumapit ako kay Inang at yumakap nang napakahigpit. Pinapadama ko sa yakap ko kung gaano ko siya namiss. Hindi ko na napigilan pa ang hindi umiyak.

"Sobrang namiss ko kayo, Inang. Sampung buwan, Inang, hindi niyo alam kung gaano ako nangulila sa inyo. Litrato niyo lang niyayakap ko at ngayon totoong kayo na ang yakap ko." umiiyak na litanya ko.

"Tahan na, Anak ko, miss na miss din kita ng sobra. Hindi ko inaasahang darating din ang panahon na magkakasama tayo. Miss na miss kita, Anak ko." Iniharap ni Inang ang mukha ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon