My Innocent Maid XXII

92.1K 2.1K 111
                                    

Katherina

Unang araw ko sa eskuwelahan at kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matagal na akong natigil sa pag-aaral kaya bago lang ulit ako sa ganitong pakiramdam. Inihatid kami ni Senyorito kanina. Gusto nga niyang samahan ako hanggang sa loob kaso hindi ako pumayag. Kasama ko naman si Lhynne kaya ipinagtabuyan ko na si Senyorito.

Ngayon, kasama ko si Lhynne at sasamahan niya daw akong tignan ang mga room na papasukan ko. Oh di ba bongga! English ‘yon, tinuro sa akin ni Lhynne kagabi. Kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa tinuruan niya ako at natulog siya sa kuwarto ko. Buti nalang at pumayag siya dahil hindi ko alam kung paano iintindihin ang mga nakasulat sa papel.

Grabe akala ko nga dudugo ng sobra ang ilong ko dahil sa mga asignaturang nakalagay sa papel. Ang daming itinuro ni Lhynne sa akin na mga madadali lang.

Katulad ng “Hi” o kaya naman ay “Hello”. Pag naghi o hello daw ang isang tao sa akin dapat ngitian ko sila at mag-hi din pabalik. Madami pa siyang tinuro sa akin kaya medyo nakahinga ako. Ang problema ko nalang ngayon ay ang mga asignaturang nasa listahan ko dahil English ang pangunahing salita nila.  Hindi ko nga alam kung papaano ako makakaraos ngayong araw.

“Sana bumili nalang pala ako ng librong gagabay sa akin para hindi ako mahirapan pag pumasok ka na.” sabi ko kay Lhynne at humawak ng mahigpit sa braso nito dahil nasa tapat na kami ng room ko. Parang ayaw ko pa siyang umalis.

"Bakit ba kasi iba ang kursong kinuha mo, Lhynne. Lipat ka nalang kaya dito." nakangusong pakiusap ko dito.

"Hindi naman kasi tayo magkapareho ng gusto, Katherina. Sasamahan muna kita dito habang maaga pa. Pero maya-maya lang ay kailangan ko nang umalis." Tumango ako sa sinabi niya.

Pumasok na kami sa loob at umupo sa may gitnang bahagi ng mga upuan. Pagkaupo namin ay agad na humarap  sa akin si Lhynne at may tinanong.

"Paano pag tinanong ka ng guro mo sa english?" tanong nito na ikinatingin ko sa kanya.

"Eh di sasagot ako. Magtatanong lang naman pala eh." sagot ko dito na ikinatawa niya.

"Siyanga naman. Kunwari ako ang guro mo tapos tatanungin kita ha. Sagutin mo lahat ng tinanong ko sa 'yo. Pag nagawa mo 'yan, makakaraos ka maghapon. Sigurado ako diyan." siguradong sabi nito sa akin na ikinatango ko.

"Introduce yourself." umpisa nito na tunaasan ko ng kilay.

"Hindi naman tanong 'yan, eh. Ako ba'y pinagloloko mo, Lhynne?" kunot noong tanong ko dito na ikinailing niya.

"Hay naku ka, Katherina. Ganyan ang sasabihin ng guro mo sa unang pasok ng eskuwela kaya hinahanda lang kita. Hindi ba tinuro ko na 'to sa 'yo?" pinamaywangan niya ako.

"Oo nga, tinuro mo na sa akin pero sabi mo kasi tanong eh hindi naman kasi tanong 'yon." pagtatama ko dito na ikinabuntong-hininga nito.

"Okay sige, sorry, nagkamali ako. Ulitin natin." sumusukong sabi nito. "Let's begin with, what is your name?"  

"Uhmm ano na palang sagot niyan. Sandali lang, isipin ko munang  mabuti. Mahirap ng magkamali." inilagay ko ang daliri ko sa baba ko at nag-isip ng mabuti. Tinuro na niya sa akin 'yan. Kailangan ko lang alalahanin. Nang tumingin ako kay Lhynne ay parang hindi makapaniwala ang hitsura niya. Ano naman kaya ang problema nito?

"My God! Katherina! Una palang hirap ka na. Basic palang na tanong 'yan. Maloloka ako sa 'yo." Napayuko naman ako sa sinabi niya at humingi ng pasensiya.

"Sorry, hindi na mauulit." nakayuko pa ding sabi ko at nahihiyang tumingin dito. Tama naman kasi siya eh, simple lang 'yon pero di ko pa magawa. Bakit ba kasi napakahina ng utak ko sa ganyan.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon