My Innocent Maid XXXVIII

68.3K 1.6K 83
                                    

Dex

Andito na ako sa bahay at nakahiga. Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay napakunot ang aking noo. Ito ang unang beses na tinawagan niya ako dahil puro text lang ang ginagawa nito pag may itatanong o magpapatulong siya sa akin.

Nang sagutin ko ang tawag ay nagulat ako sa narinig kong sinabi niya.

"Pu-wede mo ba a-kong tu-lungan?" pauta-utal nitong sabi sa kabilang linya. At ang mas lalo kong ikinagulat ay nang marinig ko itong humikbi. Agad akong napabangon sa kinahihigahan ko at tinanong agad ito.

"Where are you, Katherina?" agad kong tanong, agad akong nagbihis ng damit habang nakaipit naman ang cellphone ko sa pagitan ng aking pisngi at leeg.

"Hindi ko alam."

"What? Paano kita pupuntahan?"

"Hindi ko alam, Dex. Hindi ko alam," naguguluhang sagot niya habang humihikbi.

"Saan ka ngayon? Nasa kalsada ka ba? Store? Parke? Mall? Say it, Katherina para mahanap kita." sunod-sunod kong tanong dito.

"Basta nasa isang seven eleven ako." umiiyak ito sa kabilang linya.

"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan kang lugar?" tanong ko ulit,

"Hindi talaga, Dex. Hindi ko din alam  kung saan ako pupunta."

Nag-aalala ako para dito dahil sa pagkakaalam ko ay hindi nito alam ang pasikot-sikot. Nag-isip ako nang ibang paraan para malaman ko kung nasaan ito. Nang may maisip ako ay agad ko itong sinabi sa kanya.

"Okay, ibigay mo sa cashier ang telepono mo." utos ko dito na ikinaalma niya agad.

"Ayaw ko nga," humihikbing tanggi nito.

"Basta ibigay mo nalang sa cashier ang telepono mo. Please," pakiusap ko dito dahil ito nalang ang paraan para malaman ko kung nasaan ito.

"Ayaw ko nga. Bigay ni Tiya Meling sa akin ang teleponong ito. Pag bjnigay ko doon sa cashier baka hindi na niya ibalik pa. Eh di wala na akong selpon."

Nasa alanganing sitwasyon na nga ito ay nagawa pa din nitong magpatawa. Kung hindi lang ito umiiyak ay pagkakamalan ko talaga itong nagpapatawa. Kaya kahit gusto kong matawa sa sagot nito ay pinigilan ko dahil hindi ito ang tamang panahon. Kailangan ko muna siyang mahanap sa ngayon.

"Trust me, Katherina. Ako ang bahala."

"Ibibilhan mo ako nang bago pag hindi niya binalik?" patanong niyang sabi, napansin ko din na hindi na ito umiiyak pero parang sinisipon naman ito dahil iba ang rating ng boses niya sa akin.

"Oo, papalitan ko pag di niya binalik. Kahit anong gusto mo, Katherina. Now, ibigay mo na ang telepono mo sa kanya."

"Sige," pumayag din ito, wala pang ilang segundo nang marinig ko ang sinabi nito sa cashier. Hindi ko mapigilang matawa dahil doon.

"Kausapin ka daw ng kaibigan ko. Huwag kang magkakamaling itakbo ang telepono ko. Kung hindi itatali kita diyan sa pintuan." babala nito na ikinatawa ko talaga. Nang marinig ko ang paghello nang nasa kabilang linya ay umiling muna ako bago nagsalita dahil sa kalokohan ni Katherina.

Umiiling-iling ako bago nagtanong, "Hello, can I ask you something Miss?"

"Yes Sir. How may I help you?" magalang nitong tanong sa kabilang linya.

"Gusto ko lang sanang malaman kung saang bramch ng seven eleven kayo?"

"Ah yes Sir. Nasa may Ortigas Extension po kami tapat ng Benigma Hotel." sagot nito na ikinasalamat ko nang sobra dito.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon