My Innocent Maid XXVIII

82.8K 1.8K 88
                                    

Marco

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Katherina kanina ay nakahinga ako nang maluwag. Ang sarap sa pakiramdam na makita ko na itong ngumingiti at tumatawa. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay harapin si Trish.

Kaya pala niya ako kinukulit dahil may binabalak pala ito. Sinasabi ko na nga bang may gagawin na naman itong hindi maganda.

"Alis na muna ako, Mahal ko. May aasikasuhin lang at babalik din ako agad." paalam ko dito.

"Sige, pero baka busy na ako mamaya. Magrereview kasi ako, Senyorito. May test kami sa lunes at ayokong bumagsak." nakangusong sabi nito na ikinapisil ko sa kanyang pisngi. Dahil bumalik na ang kakulitan nito.

"Tutulungan kitang magreview pagbalik ko. Bibili na din ako ng makakain natin. Di ba wala kang pasok bukas?" tanong ko na ikinatango niya at ngumiti.

"Gusto ko ng ice cream, Senyorito." masayang sambit nito at halos lumaki ang mata nito sa pagsasalita.

"Opo, Mahal ko. Bibili ako basta hihintayin mo ako ha? Sandali lang ako. Pangako." Tumayo na ako sa harap niya at nakangiting titinitigan ito. "Aalis na ako," paalam ko.

"Mag-iingat ka po, Senyorito." nakangiti ding sagot niya sa akin bago ako naglakad palabas ng kanyang kuwarto.

Habang papalabas na ako ng bahay ay hindi ko na maiwasang magtiim bagang nang maalala ko kung saan ang tungo ko.

"You'll pay." seryosong saad ko at binuksan na ang kotse ko ang pumasok na dito.

Hindi na ako nag-abala pang tumawag dito. Alam ko naman kung saan ko siya makikita kaya hindi na ako nag-abala pa. Wala pang ilang minuto nang bumaba na ako ng aking sasakyan at pumasok sa isang building kung nasaan ang condo nito.

Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng pintuan niya. Hindi ko talaga lubos maisip na kaya na naman niyang sirain ang buhay ko. Kumatok na ako at ilang saglit ay bumukas ito. Iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki at hubad baro ito sa harap ko. Hindi ko siya kilala, kaya seryoso lang akong nakatingin dito.

"Where's Trish?" agad kong tanong dito na ikinakunot ng noo nito.

"She's in the shower. May I know who you are?" tanong nito at nanatili lamang itong nakatayo sa pinto at wala itong balak papasukin ako.

"You don't have to know. I'm here to talk to her. Just tell her, Marco is here." walang emosyong sambit ko at diretso lang itong tinitigan. Nakita ko sa mukha niya ang gulat nang sinabi ko ang pangalan ko. Nang matauhan ito ay agad niyang isinara ang pinto.

Pagbukas ulit ng pinto ay ang lalake pa rin ang nagbukas pero nakabihis na ito at diretsong lumabas nang condo ni Trish na masama ang t8ngin sa akin.

Kasunod nito si Trish na halata mong katatapos lang maligo dahil tumutulo pa ang basa nitong buhok sa sahig.

"I need to talk to you." walang emosyong sabi ko dito at tuluyan nang pumasok sa nakaawang na pinto. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Umupo ako sa sala nito at hinintay na makaupo din siya sa katapat kong upuan bago ako nagtanong.

"Why did you tell her that you'te pregnant at ako ang ama?" agad kong tanong dito. "Why did you have to do that? Alam nating pareho na hindi ako ang ama niyan." diretsahang saad ko at tinigna ito ng matiim.

"Ikaw ang ama nito, Marco. Ikaw..." mahinang sambit nito na ikinataas ng aking kilay.

"Don't joke around, Trish. You know I'm not that stupid nor naive to let you control and roll me in your palm again. Just tell me the truth." mahinahon kong sabi dito. Pero sa huli ay nainis pa din ako dahil persistent ito sa pagsasabing ako ang ama nang dinadala niya.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon