My Innocent Maid XXXIX

69.8K 1.5K 55
                                    

Katherina

Nagising akong napakasakit nang aking ulo at nang aking mata. Nang sinabi ni Dex na alak pala ang nilagok ko kagabi ay napangiwi talaga ako. Kaya naman pala napakapait nang lasa. Dahan-dahan akong napaupo sa kamang kinahihigaan ko. Laking pasasalamat ko kay Dex dahil dumating ito nang walang pag-aalinlangan. Nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi ay hindi ko na naman napigilang mapaiyak.

"Bakit ganito kasakit ang magmahal? Sana hindi ko nalang ito naramdaman." nagpupunas nang luha kong sabi at napahikbi. Napatingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito at niluwa nito si Dex. Lumapit ito sa akin at tumabi sa tabi ko.

"Stop crying, Katherina. Magang-maga na ang mata mo." pagpapatahan niya sa akin at hinagod ang aking likod.

Napailing ako, "Hindi ko nga alam kung paano ko patitigilin ito. Pagod na akong umiyak pero hindi ko alam kung paano ito hihinto."

Niyakap niya ako nang mahigpit. Sinubsob ko naman ang aking mukha sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak. Nang mahimasmasan ako ay kumalas na ako sa yakap niya at tumingin dito.

"Paano ako uuwi sa amin nang ganito ang hitsura ko?" malungkot kong tanong, "Ayokong makita nila ako sa ganitong kalagayan."

"You can stay here, Katherina. Pag okay ka na, saka kana umuwi." alok nito sa akin. Nakakahiya man ay wala akong pagpipilian dahil ayoko ding malaman ni Tiya Meling ang nangyayari sa akin.

"Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, Dex. Sobrang laki na nang abalang ginagawa ko sa 'yo." nahihiyang sabi ko dito at yumuko.

"Hindi ka abala sa akin, Katherina. It will always be my pleasure to help you. Lalo na sa ganitong sitwasyon." nakangiti na ito habang itinataas ang mukha kong nakayuko dahil sa hiya.

"May problema pa pala ako, Dex."

"Ano 'yon?" walang pag-aalinlangan niyang tanong pabalik sa akin.

"Hindi ko alam kung papaano ko kukunin ang mga gamit ko sa mansiyon nang hindi ko siya nakikita." pag-aamin ko dito. Nakita ko namang napaisip siya at tumayo papunta sa pintuang salamin.

"Diba kasamahan mo din si Lhynne doon?" nag-iisip na tanong nito at humarap uli sa akin.

Tumango ako, "Siya lagi ang kasama ko doon."

"May number ka ng selpon niya?" tanong nito na ikinatango ko ulit. "Text her na kukunin mo ang gamit mo doon ngayon." utos niya sa akin na ikinailing ko.

"Paano pag nandoon si Senyorito?" alanganing tanong ko dito.

"Then tell him to text you pag wala doon si Marco. Simple as that, Katherina." nakangiti nang sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bakit kaya hindi ko naisip 'yon? Masyado na atang napuno ang isip ko sa kakaisip kay Senyorito. Kahit kasi pagbalik-baliktarin ko ang sitwasyon ay hindi na ito magbabago. Ikakasal pa din ito.

"Tama na siguro ang pag-iyak ko simula pa kahapon. Susubukan kong kalimutan siya, Dex. Susubukan ko kung kaya ko." desididong sambit ko at napangiti nang mapait dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi.

"Kaya mo 'yan Katherina. Andito lang ako at tutulungan kita. Maghihilom din 'yan. Basta tulungan mo ang sarili mo." payo niya sa akin, tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Salamat, Dex. Maraming salamat." buong puso kong pasasalamat dito. Tumigil na ako sa pag-iyak ko dahil tama ito. Walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ang sarili ko din lamang.

"Tama na ang drama. Hindi na ako mag-uungkat sa nangyari dahil simula ngayon ay hindi na natin siya pag-uusapan hanggang sa makauwi ka sa inyo." nakatayo siya sa harap ko at nakapamulsang nakangiti sa akin.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon