My Innocent Maid XXX

81.7K 1.8K 121
                                    

Katherina

Habang naglilinis ako, panay ang tingin ko sa kanila. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan na para bang miss na miss nila ang isa't-isa.

“Hmmmp! Akala mo naman ngayon lang uli nagkita." inis na baling ko sa kanila at napairap. Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa nang nasa tabi ko.

“Selos ka noh…” tudyo nito sa akin at tinusok-tusok pa ang aking tagiliran. Inirapan ko siya,

“Ano ‘yon? Nakakain ba ‘yon?” tanong ko dito at tinuloy na ang paglilinis.

“Naku, Katherina, selos na ‘yan. Siguro mahal mo na si Senyorito noh.” tumabi ito sa akin at tinignan ako.

“Mahal ka diyan. Hindi pa noh.” tanggi ko at umiling-iling pa.

“Talaga lang ah. Pero malapit na?” tanong nito na sinagot ko agad nang hindi nag-iisip.

“Konti nalang,” nangingiting sagot ko dito na ikinatakip ko agad ng aking bunganga.

“Yiieee… si Katherina… pumapag-ibig na.” tukso ulit nito na ikinamulagat ko  ng mata.

“Huwag ka maingay. Mamaya marinig ka nila.” suway ko dito at tumingin sa dalawa. Busy sila sa pag-uusap habang nakahilig na naman si Senyorita dito. Namimihasa na ata ito sa paghilig.

“Tignan mo, Katherina. Sigurado ka bang hindi niya nilalandi si Senyorito?” nakatingin din ito sa kanilang dalawa nang tanungin niya sa akin 'yon.

“Sa tingin mo, Lhynne?” balik tanong ko dito dahil hindi ako sigurado sa isasagot ko. Kanina ko pa sila pinagmamasdan at panay ang haplos nito kay Senyorito.

“Hindi ako makatingin, Katherina.” nagpipigil ang tawang sambit nito sa akin.

“Huwag mo akong pinagloloko-loko, Lhynne. Baka gusto mong hindi ka na talaga makatingin kahit kailan.” banta ko dito na ikinatawa  lamang nito. Eh? Tinotopak na naman ata ito. Buti nalang si Senyorito, medyo nabawas-bawasan na ang biglaang pagtawa nito nang walang dahilan.

“Ito naman, hindi na mabiro.” tumatawang pa ding sabi nito at pinalo pa ang braso ko. Aba! Nananakit na rin.

“Hoy Lhynne!” sigaw ko dito na ikinalingon nang dalawa sa gawi namin. Nagpeace sign agad ako at alanganing napangiti.

“May problema ba, Mahal ko?” takang tanong nito sa akin nang nakangiti.

“Ang laki, Senyorito.” agad na sabat ni Lhynne na agad kong ikinasiko dito.  Hindi pa ako nakontento sa siko, kinurot ko pa siya para manahimik.  Paano namang hindi ko kukurutin eh ang sarap pa nang tawa.

“Wala po, Senyorito. Nang-aasar lang po si Lhynne. Ituloy niyo na po ang pagkukwentuhan niyo.” sabi ko at hinila si Lhynne sa kamay.

“Sigurado ka, Mahal ko?” paninigurado nito na ikinatango ko habang bumubulong.

“Halata namang ayaw niyong paistorbo eh. Pagpatuloy niyo lang.” bulong ko sa sarili ko at tumalikod na sa kanila dahil sa inis na nararamdaman ko.

“May sinasabi ka, Mahal ko?” tanong ulit nito.

“Wala po Senyorito. Ang guwapo niyo po tapos pagpatuloy niyo na ang pagku-kwentuhan niyo. Mukhang nakaistorbo pa kami ni Lhynne eh.” nakatalikod na sagot ko dito at kinuha na ang pamunas saka nagmartsang tumungo sa kabilang side para doon ituloy ang paglilinis. Agad namang sumunod sa akin si Lhynne na nangingiti at nang-aasar pa.

“Ang cute mo palang magselos, Katherina. Ang cute mo.” pisil nito sa pisngi ko at inasar niya ako nang inasar na ikinairap ko.

“Manahimik ka Lhynne. Sinasabi ko sa ‘yo. Naiinis na ako. Huwag ka nang dumagdag  pa." inirapan ko siya. Isinenyas naman nito ang kamay niya at izinipper agad ang bibig. Inirapan ko na naman siya at pinagpatuloy na ang paglilinis hanggang sa matapos kami. Iniwasan ko nang tumingin sa kanila para kahit papaano ay maibsan ang pagkainis ko. Baka pag tumagal pa ako sa pagtingin ay baka mabwisit lang ako mas lalo at maitali ko silang dalawa sa upuan. Kainis!

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon