My Innocent Maid XXXII

81.8K 1.7K 62
                                    

Katherina

Pagkatapos kong magwalk-out sa kanila ay pumasok na agad ako sa aking kuwarto. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Bakit kasi kailangan ko pang makaramdam nang ganito. Hindi ba pwedeng normal nalang ang buhay at walang ganito.

Pabagsak akong humiga sa kama. Para kasi akong pagod na pagod na hindi ko maintindihan.

"Gustong-gusto namang magpahaplos at magpayakap sa bruhang 'yon. May pakandong-kandong pang nalalaman. Kainis!" medyo malakas kong sabi dahil sa totoo lang ay inis na inis ako. Hindi ko alam kung kanino, kay Senyorito, sa sarili ko, o sa bruhang 'yon.

"Kainis ka! Ang landi mo!" tinakpan ko ang bibig ko gamit ang unan bago ko isinigaw 'yan. Nagtagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma ang loob ko.

Nang mahimasmasan na ako ay napaupo na ako sa kama at nakasimangot pa din. Ayoko na munang lumabas dahil baka asarin na naman ako ni Lhynne. Nanatili lang akong nakaupo sa may kama habang nakatitig lang sa may sahig.

"Ano ba 'tong nararamdaman ko. Hindi naman ako palaaway, pero nagiging ganoon na ako nitong nagdaang mga araw." tanong ko sa sarili ko habang nakatulala pa din. Pag nalaman kasi ni Inang, malamang kagagalitan ako nito. Ayaw na ayaw kasi nito ng nakikipag-away ako o kaya naman ay ang magsalita ako nang masama sa kapwa ko.

Nang bumukas ang pinto nang kuwarto ko ay agad akong napatingin dito. Mukha ni Senyorito ang bumungad sa akin kaya ibinalik ko nalang sa sahig ang aking paningin  dahil inis na inis pa ako sa kanya.

Nakikiramdam ako kung ano ang gagawin niya. Nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Hinayaan ko lang siya at hindi ito kinibo.

"Sorry, Mahal ko." paunang bungad na salita nito sa akin pag kaupo niya. Hindi ko pa rin siya tinignan at inignora lamang ito. Pagkatapos niyang makipaglandian sa bruhang 'yon tapos andito siya sa tabi ko. May mahal ko, mahal ko pa siyang nalalaman. Hmmmp!

Simula nang malaman ko na ang Mahal ko ay tawag o endearment ng isang tao sa iniibig niya. Lagi akong kinikilig pag tinatawag niya ako sa ganoon. Pero ngayon ay nangibabaw nag inis ko dito dahil sa pakikioaglandian niya sa bruha.

"Mahal ko," tawag nito sa akin pero inignora ko ulit.  Bahala siya diyan, doon siya sa bruhang 'yon. Magsama silang dalawa, kainis!

"Kausapin mo naman ako, Mahal ko. Pakiusap..." dugtong pa nito pero wala akong pakialam. Bakit ba kasi ito nandito eh busy pa ito sa pakikipaglandian sa bruhang 'yon. Pagbuhulin ko pa sila, tignan niya.

Nagulat ako nang kunin nito ang mga kamay ko at iniharap ako sa kanya. Ayaw ko man ay napatingin nalang ako sa kanya. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot pero inignora ko lamang at pinakita dito na galit talaga  ako.

"Ano bang kailangan niyo, Senyorito." walang emosyong tanong ko dito.

"Gusto sana kitang makausap." alanganing sabi nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.

"Nag-uusap na tayo, Senyorito.  Hindi pa ba ito pag-uusap?" wala pa ding emosyong tanong ko at hinila ang kamay ko. Hindi niya ito binitawan at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak.

Nakita kong natahimik ito at yumuko. Hinihintay ko siyang magsalita pero hindi naman ito nagsasalita, nkayuko lang siya kaya bigla akong tumayo at kinuha ang kamay ko dito. Nagulat pa siya sa biglaang pagtayo ko kaya nabitawan niya ang aking kamay.

Nagmartsa ako palabas papuntang kusina. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa pinto nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin habang ang baba nito ay ipinatong niya sa aking balikat.

"Bitaw," madiin kong sabi dito at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Sorry, Mahal ko. Hindi ko naman gusto ang paglapit ni Trish sa akin. Nilalayuan ko naman siya pero makulit talaga ito, Mahal ko. Sorry na please, kakabati lang natin tapos galit ka na ulit sa akin." hingi niya nang  tawad sa akin at mas hinigpitan pa ang yakap niya habang ako naman ay kumakalas.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon