My Innocent Maid XXIX

86.2K 1.7K 160
                                    

Katherina

Maaga akong nagising dahil kailangan kong magtrabaho. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napasigaw ako dahil wala ako sa sarili kong kuwarto. Huli na nang maalala kong nasa kuwarto pala ako ni Senyorito dahil dito kami nanood ng tv at dito din niya ako tinulungang magreview kagabi.

Napabalikwas naman si Senyorito nang bangon sa mahabang upuan  nang marinig nito ang sigaw ko. Nag aalala itong lumapit sa akin.

“Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Bakit ka sumigaw?” sunod-sunod na tanong nito sa akin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Napangiwi naman ako at alanganing napangiti dahil sa hiya ko.

“Ah-eh, pasensiya na po, Senyorito. Akala ko kasi kung nasaan na ako kaya napasigaw ako.” nahihiyang amin ko na ikinapalatak niya nang higa sa kama.

“Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa ‘yo, Mahal ko.” sabi nito at itinakip ang kanang braso nito sa kanyang mukha. Napalaki ang mata ko nang makitang wala itong suot na pang-itaas na damit kaya napasigaw ulit ako.

“Waaaaahhhh Senyorito!” sigaw ko at napatalikod sa kanya. Kahit gusto ko pang titigan ang kanyang matitipunong dibdib ay hindi ko nagawa dahil baka haplusin ko pa ito at nakakahiya pa mas lalo.

“Bakit ka na naman sumigaw, Mahal ko? Ano na namang problema?” bumangon ito at hinawakan ako sa aking kamay at pilit na pinapaharap sa kanya pero umiling lang ako. “Bakit?” tanong ulit nito.

“Eh ka-si na-man po Sen-yorito, ‘yong mga pandesal niyo.” nauutal kong sabi dito.

“Anong pandesal ang pinagsasabi mo? Nagugutom ka na ba?” Hindi ko makita ang expresiyon ng mukha nito dahil nakatalikod at nakapikit pa din ako.

“Yang ano, Senyorito, ‘yang nasa tiyan niyo na para bang nagkorteng pandesal. Kahit wala na ngang palaman ay ayos na.” diretsong sagot ko dito na ikinatawa nito nang malakas. Kaya napatingin ako dito pero agad ding tumalikod nang mapagtanto kong nakahubad-baro pa rin ito.

"Waaaahhhh! Magdamit po kayo, Senyorito, baka kung ano pa ang magawa ko diyan sa pandesal niyo." nakatakip ang matang sabi ko na mas lalo nitong ikinatawa.

"Pwede mo namang gawin lahat nang gusto mo, Mahal ko. Willing na willing ako, Mahal ko." tumatawang sabi nito at naramdamn ko ang pag-alis niya sa kama. "Puwede ka nang tumingin, Mahal ko. Nakabihis na po ako."

Dahan-dahan akong humarap dito habang nakatakip pa din ang mata ko pero may nakasilip na konting butas para makasiguradong nakabihis na nga ito.  At nang masiguro kong nakabihis na ito ay agad akong bumangon at nagpaalam dito na aalis na.

"Bababa na po ako, Senyorito." paalam ko.

"Hindi mo na ba pagtitripan ang mga pandesal ko?" nang-aasar na sabi nito sa akin na ikinairap ko.

"Hmmp! Hindi na baka kasi maubos ko pa yan at mawala pa yan sa katawan mo. Kawawa ka pag nagkataon, Senyorito." sagot ko dito at kinuha na ang gamit ko sa mesa. Akmang lalabas na sana ako nang magsalita ulit ito.

"Ayos lang sa akin, Mahal ko. Basta ba ikaw ang mag-uubos nang lahat nang ito."  nakangising turo niya sa may parteng tiyan nito sabay kindat na ikinangiwi ko.

"Yuck, Senyorito. Para kayong may sakit na epilepsy sa ginagawa niyo. Wala ka namang sakit na ganoon diba, Senyorito?" paninigurado kong tanong dito na ikinailing-iling nito.

"Maka-epilepsy ka naman. Kindat ang tawag doon, Mahal ko." pagtatama nito sa akin pero hindi pa din ako nagpatalo.

"Parehas din 'yon, Senyorito. Konti lang ang pagkakaiba." sabi ko at naglakad na palapit sa pintuan.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon