My Innocent Maid XXXV

75.5K 1.6K 34
                                    

Marco

Kagagaling lang namin sa ilog kasama ang pamilya niya. Masaya akong makita na masaya ito habang nakikipag-kuwentuhan sa kanila. Nang pumasok na sila sa loob ay naiwan ako sa labas at nagpahangin. May upuan kasi dito sa harap nang kanilang tindahan.

Magtatakip-silim na din kaya makikita mo ang papalubog nang araw sa kalangitan. Napangiti ako nang maalala ko ang matamis niyang ngiti habang nagtatampisaw ito sa ilog kanina. Masaya din ako dahil nakapasok ako sa mundo niya. Mahirap sa una pero habang tumatagal ay nagiging komportable na ako.

Napatingin ako sa taong umupo sa kaharap kong upuan, nakangiti ito sa akin.

"Maraming salamat po, Senyorito. Kung hindi dahil sa inyo, hindi makakapag-aral si Katherina at hindi niya ma-aabot ang matagal niya nang pinapangarap." pasasalamat nito sa akin nang nakangiti.

"Wala pong anuman iyon, Inang. Basta po para kay Katherina, gagawin ko po ang lahat." seryosong saad ko na ikinatango ni Inang.

"Alam mo bang bata palang si Katherina noon nang mabanat ang mga buto niya sa pagta-trabaho? Kahit buhay pa ang Tatang niya noon ay tumutulong na ito sa amin. At dahil na din sa kahirapan ay mas pinili niyang tumigil para magbigay daan sa mga kapatid niya." Tumanaw sa malayo si Inang at para bang nakikita nito sa kanyang harap ang mga pangyayari noon. Hindi ko lubos maisip na nagawa lahat 'yon ni Katherina sa murang edad niya lamang.

"Kahit tutol kami ng kanyang Tatang ay nagmatigas pa din siya. Kaya daw niyang magsakripisyo para sa mga kapatid niya. Mabait si Katherina at responsable. Sana po hindi kayo magsawang tulungan siya." nakangiti na ito at humarap sa akin. Ginagap nito ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. "Alam ko at ramdam ko na hindi lang tagasilbi ang nararamdaman mo para sa anak ko, Senyorito. Alam ko na kahit ano man ang sabihin ko ay hindi ka magpapapigil sa nararamdaman mo sa kanya. Isa lang naman ang hihilingin ko sa 'yo, Senyorito." putol nito sa sasabihin niya at seryosong  tumingin sa akin. Kahit ano pa man ang hilingin nito sa akin ay ealang pag-aalinlangan ko itong susundin. Basta para sa pinakamamahal kong si Katherina.

"Ingatan mo siya at huwag na huwag mong sasaktan, Senyorito. Mahal na mahal namin siya at hindi namin kakayaning makita siyang nasasaktan at umiiyak. Maipapangako mo ba 'yan sa akin, Senyorito?" humihingi nang kasiguraduhang tanong nito na ikinatango ko. Alam ko naman na walang Ina ang makitang nasasaktan ang mga anak niya kaya sa abot nang makakaya ko ay tutuparin ko ito.

"Makakaasa po kayo, Inang. Gagawin ko po ang lahat para sa kanya at hinding-hindi ko po siya hahayaang masaktan o umiyak man lang nang dahil sa akin. Mahal na mahal ko po siya at handa po akong gawin ang lahat para hindi po siya masaktan." buong pagmamahal kong pahayag dito na ikinangiti nito at niyakap ako.

"Masaya ako at naging parte ka nang buhay ng anak ko at pamilya namin. Basta mahalaga sa anak namin ay mahalaga na rin sa amin." sabi nito at kumalas na sa yakap na iginawad nito  sa akin.

"Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin, Inang. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Pangako, Inang." sabi ko at itinaas pa ang kanan kong kamay at pagkatapos ay itinapat ko ito sa aking puso at ngumiti.

"Aasahan ko 'yan, Senyorito. Siya, sige at ako'y magluluto pa." paalam nito sa akin at tumayo na. "Oh, ayan na pala si Katherina." sambit nito at napatingin din ako sa tinitignan niya. Nang makalapit na si Katherina sa amin ay nagsalita ulit si Inang.

"Iwan ko na kayong dalawa dito at nang makapag-usap kayo. Papasok na ako sa loob. Ikaw na ang bahala kay Senyorito, Katherina." nakangiting bilin nito.

"Opo, Inang." sagot nito at tumango pa.

Nang makaalis si Inang ay nginitian ko siya at hinila ito palapit sa akin. Nagulat naman ito kaya hindi niya napigilang mapalo ako sa aking braso.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon