My Innocent Maid XIV

108K 2.6K 245
                                    

Katherina

Paglabas ko ng kuwarto, nagulat talaga ako sa nakita ko. Ang tatlo kong kapatid ay nakapaligid kay Senyorito habang nakikipagtawanan naman ang huli. Aba, ang bibilis ng mga kapatid ko. Dinaig pa ako.

Agad akong lumapit sa kanila, pero wala man lang nakapansin sa akin kaya napatikhim ako.

"Ehemmm!" sinadya ko talagang lakasan para wala na silang idahilan pa na hindi nila narinig. Kilala ko na ang mga kapatid ko kaya wala na silang lusot.

"Ikaw pala, Ate, maupo ka." tayo ni Pamela at hinila ako paupo sa bakanteng upuan. Pagkatapos ay bumalik na rin ito sa tabi ni Senyorito. Napataas ang kilay ko nang ignorahin nila ako at magkuwentuhan lang sila na para bang wala ako sa harap nila. Namumuro na ata 'tong mga ito ah.

"Nasaan si Inang?" tanong ko na ikinalingon ni Kasandra sa akin.

"Nasa kusina, Ate." turo nito sa kusina pagkatapos ay bumaling ulit kay Senyorito.

"Wala ba kayong balak tulungan si Inang?" tanong ko sa kanila.

"Estimahin daw muna namin ang bisita mo, Ate, habang wala ka pa sabi ni Inang." nakangiting sabi ni Pamela.

"Ano pa ang ginagawa niyo? Andito na ako. Bakit 'di niyo na tulungan si Inang?" seryosong sabi ko.

"Kaya na daw ni Inang, sabi niya Ate. Siya kaya nagpalabas sa amin." nakangusong sambit ni Pamela sa akin na ikinairap ko.

"Porke't sinabi ni Inang 'yan, talagang hindi niyo na siya tutulungan. Ganyan ba kayo pag wala ako?" Hindi ko na hinintay pang sumagot ang tatlo. Tumayo agad ako, maglalakad na sana ako papasok ng kusina ng magtanong si Isabela.

"Saan ang punta mo, Ate?" nagtatakang tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Pupunta akong Pacific Ocean, kakausapin ang mga pating doon at ipapakuha ko ang mga kerengkeng kong mga kapatid." sabi ko at tuluyan ng naglakad papasok ng kusina. Narinig ko pa ang tawanan nila sa sala kaya napairap nalang ako sa hangin. Nagulat nalang ako nang marinig kong mahinang tumawa si Inang.

"Tama na ang irap, Anak, baka hindi na bumalik ang mata mo." natatawang sabi nito habang hinahalo ang niluluto niyang tinola.

"Inang naman eh," maktol ko dito at inayos ang timpla ng mukha ko. Baka magkatotoo ang sinabi ni Inang, mahirap na.

"Mabait ng amo mo, Katherina. Pero..." Napatingin ako kay Inang nang pinutol nito ang dapat nitong sabihin at ibinaba sa lutuan ang kaldero. Tumingin muna ito ng makahulugan sa 'kin bago isinalang ang takore. Tuluyan na itong humarap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "...hanggang amo at tagasilbi lang dapat ang mamagitan sa inyo, Anak. Hindi tayo nababagay sa mundong ginagalawan nila. Hindi masama ang mangarap, Anak, pero pakaisipin mong mabuti na ang katulad nila ay nararapat sa mayayaman din katulad nila. Naintindihan mo ba ako, Katherina."

"Ano bang pinagsasabi mo, Inang? Hindi kita maintindihan." kunot noo kong tanong dahil naguguluhan talaga ako sa sinasabi niya. "Saan mo naman hinugot ang mga salitang 'yan, Inang?" tanong ko pa dito pero nginitian lang ako.

"Maiintindihan mo din ako, Anak, pagdating ng araw." sabi nito sabay haplos nito sa pisngi ko. Niyakap ko si Inang at hinalikan ito sa pisngi saka ngumiti ng malapad.

"Kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, Inang, andito lang kami para sa 'yo. Hindi ka namin iiwan." Nagulat ako ng batukan ako ni Inang.

"Aba Inang! Nakakasakit ka na ah." Bitaw ko at humarap dito, nakita kong nagpipigil ito ng tawa.

"Ginawa mo pa akong may pinagdadaanang matindi sa buhay, Katherina. Kanino ka ba nagmana at ganyan ang utak mo? Hindi naman ganyan ng Tatang mo nang nabubuhay pa siya." natawa na ito ng tuluyan sa harap ko.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon