My Innocent Maid XLIX

88.9K 1.6K 108
                                    

Pasensiya na po at nagabihan si author na nag-update ha😊 Naenjoy ko kasing magbasa ng story ng isa sa mga kaibigan ko. You can check her works at sinisigurado ko na magaganda ang works niya. Just click this username jhieramos. Thank you so so much sa pagsubaybay sa huling dalawang chapter.
Enjoy Reading!!😍😘

Katherina

Malungkot akong nakatingin sa daloy ng tubig sa ilog. Ilang araw na simula nang lisanin ko ang condo ng mahal ko. Alam ko na hindi ko dapat 'yon ginawa kaso nagseselos ako at nasaktan din sa nakita ko. Mahal na mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya pero ibang usapan nga lang ang harapang makikita ko na may kasama siyang iba. Masakit sa puso at para kang sinasaksak ng ilang milyong kutsilyo sa puso.

"Anak..." napalingon ako sa likod ko at malungkot na napangiti kay Inang nang makita ko itong papalapit sa kinaroroonan ko.

"Ano po ang ginagawa niyo dito, Inang?" tanong ko dito at humarap ulit sa ilog.

"Simula nang dumating ka dito, lagi ka nalang malungkot at napag-iisa. May problema ba kayo ng Senyorito mo, Anak?" tanong nito at umupo sa aking tabi.

"Wala naman po, Inang. May mga bagay lang kasi na gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung tama pa po ba ang ginagawa ko." malungkot kong saad dito na ikinangiti niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Anak, sa larangan ng pag-ibig. Marami kang mararanasang bago sa iyong pakiramdam. Tulad ng saya na kadalasan nating nararamdaman pero hindi ibig sabihin niyan ay hindi ka na masasaktan." napatingin ako kay Inang sa sinabi niya. "Kaakibat nang pagmamahal ang sakit, Anak. Kaya kung nasasaktan ka man ngayon ay parte lamang iyan ng buhay pag-ibig mo. Huwag mong hayaang mangibabaw 'yan, Anak." payo nito sa akin na ikinayakap ko dito at napaiyak.

"Hindi ko alam kung tama po ang ginawa ko, Inang. Iniwan ko siya sa Manila dahil lang sa selos na naramdaman ko nang makita ko siyang masaya kasama ng ibang babae." umiiyak kong sabi habang nakayakap kay Inang. "Alam ko na madami na itong iniisip na problema nitong nakaraan. At imbes na tulungan ko siya ay iniwan ko pa siya sa ere." sambit ko at kumalas kay Inang bago nagtanong.

"Tama po ba ang ginawa ko, Inang?" umiiyak na tanong ko dito na ikinatingin niya nang nakangiti sa akin.

"Alam mo na mali ang ginawa mo, Anak. Pero nagawa mo na at hindi mo na maibabalik pa ang tapos na. Dapat kinausap mo muna siya, hindi 'yong nag-alsa balutan ka napang bigla. Lahat ng problema ay nasosolusyunan kung pinag-uusapan.  Lagi mong pakatatandaan 'yan, Anak." hinaplos ni Inang ang aking mukha at iniipit ang takas na buhok ko sa aking tainga.

"Tatandaan ko po 'yan, Inang. Maraming salamat at lagi kang nandiyan para sa amin, Inang. Mahal na mahal ka po namin." nakangiti kong pasasalamat kay Inang at pinunasan na ang luhang bumasa sa aking mga pisngi.

"Mahal na mahal ko kayong apat at kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko kayo iiwan." nakangiti ding sambit nito at tinulungan akong punasan ang aking luha. "Ayusin mo ang problema mo, Anak at hindi ito dapat tinatakasan. Siya, sige, maiwan na muna kita dito Anak. Iniwan ko 'yong niluluto ko sa bahay para kumuha ng dahon ng malunggay. Umuwi ka na din at papagabi na." paalam ni Inang sa akin na tinanguan ko.

"Opo Inang. Mamaya lang nang kaonti ay uuwi na din po ako." sabi ko at inihatid si Inang ng aking tingin. Malungkot akong napangiti at bumaling ulit sa ilog. Hindi pa ako nakontento ay humiga ako sa kawayang upuan at pumikit habang inaalala ang mukha ng taong mahal ko. Hindi ko na namamalayang nakaidlip na pala ako.

Naalimpungatan nalang ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking mukha. Nang magmulat ako ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng Mahal ko. Akala ko ay nananaginip lang ako kaya hinaplos ko din ang mukha niya at nagsalita.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon