My Innocent Maid XV

100K 2.1K 272
                                    

Trish

"Where's Marco?" bungad na tanong ko sa katulong nila na nakasalubong ko sa sala.

"Hindi ko po alam, Senyorita. Ilang araw na po siyang hindi umuuwi." Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Are you kidding me? Kung wala siya dito. Saan naman siya uuwi bukod dito sa bahay nila. Ako ba'y pinagloloko mo?" inis na tanong ko dito dahil imposibleng wala si Marco dito sa mansiyon nila. Wala naman itong ibang tutuluyan bukod dito. His condo is empty dahil galing muna ako doon bago ako pumunta dito.

"Hindi po ako nagsisinungaling, Senyorita. Kung gusto niyo itanong niyo nalang po kay Senyora Maggie." sabi nito na ikinairap ko. Hindi kami close ng matandang iyon but for Marco I'll talk to her.

"Where is she?" mataray kong tanong.

"Nasa taas po siya. Umupo muna kayo dito at tatawagin ko po si Senyora." sabi nito at iginiya niya ako sa salas.

Sinundan ko ito ng tingin nang magmadali itong umakyat sa hagdan papunta sa amo niya.

"Tsk! Makakaharap ko na naman ang matandang babae na 'yan. Kung hindi lang kay Marco baka matagal ko na siyang nasabunutan." inis na sambit ko at inilibot nalang ang paningin ko sa kabuuan ng sala.

Nang mainip ako sa paghihintay, tumayo ako at pinagmasdan ang mga collections nila sa isang kabinet. Hindi pa ako nakakatagal sa pagtingin ng may magsalita na sa likuran ko. Napairap muna ako sa hangin bago ko ito hinarap.

"Marco is not here and I don't know where he is." bungad na sabi agad nito na ikinainis ko. Pero hindi ko nalang pinahalata. I need to be patience for me to know where Marco is.

"I just need to talk to him. It's really important." pagkukunwaring sabi ko at nagpaawa effect dito.

"Alin ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Hija? Marco is not here. And eventhough I know where he is. I won't let you know." seryosong pahayag nito na ikinataas ng kilay ko.

"So, tama nga ako. Tinatago niyo si Marco sa akin. Siguro inutusan niyo rin siyang layuan ako." sarkastiko kong sabi at matalim itong tinignan.

"You make me laugh, Hija." tumatawang sabi nito at naupo sa upuang nasa harap ko.

"You old hag!" hindi na nakapagtimping sigaw ko.

"Watch your word, Miss Barnachea. Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita. Baka gusto mong ipakaladkad kita palabas." banta nito na hindi ko uurungan.

"Then do it." madiin kong sabi at tinignan ito nang may kasamang pang-uuyam. "I'm not afraid of you, old hag." Nakita ko namang nagpipigil ito ng galit kaya mas ginatungan ko pa. "Hindi mo alam ang binabangga mo, matanda ka." bulong ko sa isip ko at tumingin dito bago nagsalita ulit.

"Marco will get angry if he knows that you are treating me like that. I'll let him know and tell him you hit me real hard." mapang-asar kong sabi dito na ikinatawa niya lang. Mas lalo tuloy akong naasar sa inasal nito.

"Then tell him. Do what you wanted. If you want, I can accompany you to tell him that. Let's see..." kalmadong sabi nito at inabot pa ang magazine sa mesa.

Buwisit talaga 'tong matandang ito kahit kailan. Tinitiis ko lang siya dahil kay Marco. But this old hag is getting on my nerves.

Nang marealize ko ang sinabi niya ay napataas ang kilay ko. I knew it! She knew where Marco is. Tinatago niya lang ito. Humanda kang matanda ka.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Tinatago niyo lang si Marco sa akin. Ilabas mo siya, kung ayaw mong magkagulo tayo dito." naghahamong sambit ko dito na ikinataas niya lang ng kilay. "Don't test my patience, you old hag!" nanggagalaiting sigaw ko dito dahil parang wala lang sa kanya ang pagsisigaw ko.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon