My Innocent Maid XXIII

85.5K 2K 98
                                    

Dont forget to read giahunter21 stories. They are all lovely and worth to read. Thank you😍😘😘😘

Marco

Mom and I knows that Katherina didn't graduated nor steps in  highschool. Kaya hindi ito nakakaintindi nang English dahil na rin sa degree nang pinag-aralan nito. Nakausap ko kasi si Inang at pinaalam ko dito ang pag-aaral ni Katherina. Hanggang elementarya lang pala ang inabot nito dahil na rin sa pinansiyal nilang problema. Ilang taon palang ito nang una itong magtrabaho. Kaya mas ipinasya niyang magtrabaho na lang at ang mga kapatid nalang nito ang pag-aralin.

Pero sinabi ni Inang na matalino ito kaya ginawan namin ng paraan para makapasok ito sa University kung saan pumapasok si Lhynne.

Kailangan niyang magtutorial for six months para ihanda ang sarili niya sa isang acceleration test para makakuha siya ng diploma at maipagpatuloy niya ang kurso niya.

They give her six months to prepare herself for the acceleration test. And now, kailangan niyang maipasa ito dahil ito lang ang makakatulong sa kanya para makapagpatuloy ito sa pagko-kolehiyo. Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Mom kaya agad akong napatingin dito.

"Did you tell Katherina about her home-schooling?" Mom asked me while sitting in her swivel chair at busy sa pagpipirma ng mga sandamakmak nitong papeles.

"Nope, Mom. Sasabihin ko palang mamaya dahil mamaya din ang start ng klase niya sa bahay. Three hours daw ang home-schooling niya." sabi ko dito habang abala din ako sa ginagawa kong pagbabasa.

"I see, her class ends at twelve. Am I right, Son?" she ask,

"Yup, Mom. Susunduin ko siya." pag-iimporma ko.

"Okay then, pagkatapos mo sa mga binabasa mo diyan ay umalis ka na. It's already eleven at baka matraffic ka at hindi mo pa siya masundo." napangiti ako sa sinabi ni Mom. Hindi man niya sabihin ay alam ko na gusto niya si Katherina para sa akin.

Dahil malapit na ang pagtake over ko sa company ay nag-uumpisa ko na itong pag-aralan. Lalo na ang pasikot-sikot nito para mafamiliarize na ako at hindi na mahirapan pa pag umupo na ako. Siguro nagtataka kayo kung bakit wala ang Dad ko. He's in Thailand right now at inaasikaso ang problema doon. Some of our exports from other countries got some problems so Dad took over at naiwan si Mom dito.

Inayos ko na ang mga papeles at isinilid ito sa lalagyanan bago nagpaalam kay Mom na aalis na.

"Got to go, Mom. You're right, baka matraffic ako at hindi ko siya masundo." lumapit na ako dito at hinalikan ito sa pisngi.

"Take care, Son. Drive safely," paalala nito na tinanguan ko at naglakad na paalis. Pero bago pa ako makalabas ay sumilip ako kay Mom at nagsalita.

"Mom, huwag ka papagutom ha. I'll call Chevy to deliver your foods. Eat Mom." nakangiting sabi ko dito na tinanguan niya.

"I will, Son. Thank you."

Tuluyan na akong umalis at naglakad papunta sa sasakyan ko. Pagpasok ko sa sasakyan ay agad ko na itong pinaandar at tinahak ang daan papuntang eskuwelahan ni Katherina.

Mom was right, traffic nga. And I arrived at their school five minutes before twelve. Muntik pa akong hindi umabot dahil sa tagal ng traffic. Nasa labas lang ako ng gate at hinihintay itong lumabas.

Nakatayo lang ako sa sasakyan ko nang makita ko siyang papalabas ng school. May kasabay itong babae at dalawang lalake. My brow arch because of what I just saw. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Nang makita niya ako ay napangiti siya sa akin. Hinintay ko siyang makalapit sa akin kasama ang mga bago niyang kasama. Pagkalapit nito ay agad niyang pinakilala sa akin ang mga kasama nito.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon