My Innocent Maid XIII

106K 2.6K 209
                                    

Marco

Nagtanong-tanong pa ako sa mga tao bago ko matunton ang bahay nila. Pero pagdating ko, walang tao. At ang sabi ng mga kapitbahay nila ay umalis ang mga ito kanina pang tanghali. Sinipat ko ang oras at mag-a-alas sais na ng gabi.

Nang may tumigil na trycycle sa bahay nila, agad akong lumabas ng sasakyan nang makita ko siyang lumabas mula doon. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya nang makita niya ako. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata niya bago ulit tumingin sa akin.

"Sen-yo-ri-to Marco?" naniniguradong tanong nito sa akin. Agad akong lumapit sa Nanay nito at nagmano. Samantalang nginitian ko ang mga kapatid niyang magaganda din katulad nito. Kinuha ko ang mga pinamili nila at binuhat.

"Magandang gabi po sa inyo, at sa inyo, magandang binibini." magalang na bati ko sa Nanay nito at mga kapatid niya. Nakita ko namang halos magkorteng puso ang mga mata ng mga kapatid niya at kinikilig na nagsisikuan.

"Mauna na po kayo sa loob, Inang. Kakausapin ko lang po si Senyorito." narinig kong sabi ni Katherina at kinuha ang mga inabot kong pinamili nila kanina.

Nang makaalis na sila, agad niya akong hinarap.

"Ano pong ginagawa niyo rito? Paano niyo rin po nalaman kung  saan ako nakatira?" tanong nito sa akin na ikinakamot ko lang sa batok dahil wala akong masabi.

"Binigay ni Mom sa akin ang address niyo." magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hinila sa kung saan.

"Doon po tayo sa ilog, Senyorito. Nagkalat na kasi ang mga bubuyog dito." mahinang sabi nito habang hila-hila niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming magkasalikop. I felt like, I'm satisfied with her holding my hands. Nakangiti ko siyang sinundan sa kung saan man niya ako dalhin. Nagtaka rin ako sa sinabi niyang bubuyog na nagkalat.

Nang makarating kami sa kubo, agad akong nagtanong dito tungkol sa bubuyog na sinabi nito kanina. I'm curios.

"Ano 'yong sinasabi mong bubuyog kanina? Wala naman akong nakita kahit isa." takang tanong ko na tinawanan niya lamang.

"Hindi naman po literal na bubuyog ang sinasabi ko, Senyorito. Dito sa amin, 'yan ang tawag ko sa mga tsismosang pakialamera sa buhay namin. Mga walang magawa sa buhay kubg hindi ang gumawa ng kuwento at pasamain ka sa mga mata ng iba." Namangha ako sa sinabi nito. May mga tao palang ganoon dito. Nasanay kasi akong nasa bahay lang at hindi masyadong naglalabas. Saka walang pakialamanan ng buhay ang mga kapitbahay namin dahil mga matataas din silang tao sa lipunan.

Napangiti ako nang makita kong hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko kahit nakaupo ito at nakatayo ako sa harap niya. Nakaramdam ako ng kilig sa simpleng ginagawa nito sa akin. Ito ang unang beses na napakilig ako ng isang babae sa simpleng gawa lang nito. Even Trish, hindi ko naramdaman ito sa kanya. I'm happy being with her.

Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kamay namin ay agad niya itong binawi at namumulang napayuko. She's really beautiful when blushing. Nang maalala ko kung bakit ako nandirito ay napatikhim ako bago nagsalita.

"Andito ako para humingi ng tawad sa 'yo, Katherina. Sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko. Sana mapatawad mo ako." yumuko at lumuhod ako sa harapan nito.

Nakita ko siyang tumayo at nagmamadaling hinila ang mga braso ko para tumayo.

"Huwag niyo po akong luhuran, Senyorito. Hindi po ako Diyos.  Pinatawad ko na po kayo matagal na. Sa katunayan nga niyan, nagpapasalamat pa ako sa inyo." nakangiti ng sabi nito at pinaupo niya ako sa upuang gawa sa kahoy.

Mas humanga pa ako sa pananaw niya. Kung ibang babae lang 'yan, malamang humihingi na ito ng kahit ano, kapalit ng kapatawaran nila. She's really an amazing girl. That's why I like her.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon