Special Chapter

98.5K 2.1K 268
                                    

Oh my! Medyo hindi ko kinaya ang update na ito. Pero as I promise, nasagot na po ang katanungan niya diyan about sa rusok-tusok na 'yan but not definitely na sinagot in words ha. Just read it and enjoy!😉
Thank you so much... May slight SPG kayong masasaksihan as in slight lang dahil sa kainosentehan ni Katherina ay binigyan ko lamang siya ng kaonting patikim😅😉

Katherina

Napakagandang pagmasdan ang tanawin na nakahain sa aking harapan. Nakatayo ako ngayon sa balkonahe ng hotel na tinutuluyan namin pagkatapos ng aming kasal. At ayon sa nalaman ko, pagkatapos ng kasal ay may magaganap na honeymoon sa pagitan ng mag-asawa.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa honeymoon na 'yan. Nang tanungin ko naman si Inang ay tinawanan niya lang ako.

"Eh kung tanungin ko kaya siya para malaman ko?" bulong na tanong ko sa sarili ko na agad ko namang inilingan dahil may naalala akong tanong na hindi pa nito nasasagot. "Huwag na lang pala, ang tagal na nang panahon eh hindi niya pa nga nasasagot ang tanong ko noon. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano 'yong tumutusok na 'yon. Hmmmp!" medyo inis na sambit ko nang maalala ko ang tanong ko noon sa kanya.

Nang mapadpad ang paningin ko sa hampas ng alon sa dalampasigan ay natuwa ako. Para akong niyayaya nitong maligo kahit gabi na.

"Paunlakan ko kaya?" nakangiting tanong ko sa sarili ko at tumitig sa nanghahalinang tubig sa dagat. Nang may yumakap mula sa aking likuran ay napanggiti ako.

"Anong iniisip mo, Mahal ko?" tanong nito sa akin at itinukod ang baba nito sa aking balikat.

"Para kasing gusto kong maligo sa dagat, Mahal ko." sambit ko at tumingin dito kahit nakayakap siya sa akin.

"Gabi na, Mahal ko. Malalakas ang mga alon at baka mapahamak ka lang. Puwede mo namang gawin 'yan bukas." sabi nito at mas niyakap pa ako nang mahigpit.

"Promise mo 'yan, Mahal ko?" patanong kong sambit para humingi dito ng kasiguraduhan. Baka kasi niloloko niya lang ako, mahirap na.

"Pangako, Mahal ko." nangangakong sambit nito at kumalas sa yakap niya sa akin at iniharap niya muna ako sa kanya bago niya itinaas ang kamay nito at nangako. Napangiti naman ako nang dahil doon.

Napatili ako nang hapitin niya ako sa aking bewang at ilapit niya ako sa kanyang katawan. Napasinghap naman ako nang pagdikitin nito ang aming mga noo.

"Mahal na mahal kita, Mahal ko. Wala na akong ibang hihilingin pa sa mundo dahil nasa tabi na kita. Ilang taon din akong naghintay para lang tuluyan kang maging akin. Hindi mo alam kung gaano ko ginustong makasama ka, Mahal ko. Sa araw-araw na nakikita kitang nakikipag-usap sa mga kaklase mong lalake..." putol nito at dinampian ako ng magaang halik sa aking labi bago ito nagsalita ulit. "Selos na selos ako. Lalo na kapag nagpapaalam ka sa akin na kasama mo ang mga kaibigan mo, lalo na si Dex? Kinakain ako nang selos ko at halos sundan kita sa kung saan ang lakad niyo."

Nagulat talaga ako sa mga sinasabi niya sa akin ngayon. Sa tagal ng panahon na lagi kong kasama sina Dex ay nagseselos pala ito nang hindi ko alam.

"Bakit ngayon mo lang sinabi, Mahal ko? Alam mo namang ikaw lang amg pumupuno sa puso ko. At wala na akong ibang mamahalin kung hindi ikaw lang, Mahal ko." nakangiting sabi ko dito at hinawakan ang mukha niya at ginawaran ito ng halik sa kanyang labi.

"May tiwala naman ako sa'yo, Mahal ko. Kaya kahit nagseselos ako ay hindi ko isinatinig dahil alam ko na mahal mo ako at 'yon ang pinanghawakan ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon kasal na tayo, Mahal ko." nakangiti na niyang sambit sa akin. "Mahal na mahal na mahal kita, Mahal ko. Ikaw lang,"

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon