Chapter 1

131 3 0
                                    

CHAPTER ONE


"Grabe ang galing umarte ni Eula." Napairap ako sa mga sinabi ng kaklase ko para kay Eula. Break time na at iyon lang ang tangi kong naririnig sa mga kaklase ko.

Napalumbaba na lamang ako sa aking desk. Wala akong gana kumain. Iniisip ko parin 'yung sampal. Kainis. Dapat gumanti ako. Sino ba siya para sampalin ang isang cute na tulad ko?

"Oh," Napaangat ang tingin ko kay Jared ng inabutan niya ako ng yakult. Hindi ko 'yon tinanggap. 'Wag na, baka pabayarin pa 'ko ng kuripot na 'yan.

Naramdaman kong tumabi siya sakin at nilapag sa harap ko ang yakult. "Libre 'yan kaya tanggapin mo na."

Napatingin ako sakaniya, "Seryoso?"

"Oo. Minsan lang 'yan." Sabi niya at tumawa ng malakas. Biglang nangasim ang mukha ko ng marinig ang tawa niya. Nakakainis sa pandinig.

"Okay." Sagot ko nalang at tinanggap ang yakult na binigay niya.

"Grabe wala man lang thank you." Narinig kong bulong niya. Ngumisi lang ako at nilagok ng diretso ang yakult. Grabe isang lagukan lang 'to. Kulang pa.

"Sinadya 'yon," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sinadya?"

"Yung sampal." Sagot niya. Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. So, tama nga ang hinala ko. Sinadya ni Eula ang pagsampal sakin. Bakit? Ano namang dahilan niya at ginawa niya 'yun? Ang sama naman pala ng ugali ng babaeng 'yun. Akala ko maganda na mabait pa, nagkamali pala ako. "Narinig ko sila ni Catriona sa tabi ko. Inutusan lang ni Catriona si Eula gawin ang sampal."

"Bitch!" Sabi ko at nagsimula ng tumayo. Hindi ko puwedeng palampasin 'yon. Hindi nagpapalampas ang isang cute na tulad ko. Hangal siya.

"Oh teka! Easy!" Hinawakan ni Jared ang braso ko. Mabilis ko 'yong tinabig. Walang makakapigil sakin.

"Hayaan mo ko, Jared!" Sigaw ko at inaalis ang braso sa kamay niya.

"Hayaan mo nalang."

What? "Nababaliw ka na ba? Hindi ko puwedeng hayaan 'yon! Ang isang cute na tulad ko ay walang pinapalampas!"

Pagkasabi niya nun ay bigla niya akong binitawan. Inirapan ko nalang siya at mabilis lumabas ng classroom at pumunta ng canteen.

Ang daming istudyante sa loob. Tinalasan ko ang aking mata at hinanap sila Catriona at Eula. Paniguradong magkasama ang dalawang bitch na 'yon.

"Katrine!" Rinig kong tawag ni Jared pero hindi ko siya pinansin. Nang makita ko si Catriona at Eula mabilis ko silang nilapitan at kinalabog ang table nila. Nagulat sila ng makita ako.

Talagang magulat kayo sa kakyutan ko.

"Anong problema mo?" Tanong sakin ni Catriona.

Nagsalubong ang kilay ko, "Dapat ako ang magtanong niyan."

"Katrine," Napatingin ako kay Eula na hindi makatitig ng diretso sa mata ko. Nasaan na ang tapang mo? Tss.

"Sinadya niyo 'yung sampal." Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko.

"Ano? Hindi totoo 'yan. Part 'yun ng pag-arte." Napairap ako sa sinabi ni Eula. Kung parte 'yon ng pag-arte dapat pagkatapos ng performance namin ay humingi na siya ng tawad pero hindi niya ginawa. Talagang sinadya nila 'yon.

"So bakit kailangan manampal?"

"Para ano.." Tumaas ang kilay ko at inantay ang sasabihin niyang dahilan. "Para.. mapakita 'yung totoong ekspresyon ng pag-arte. Atsaka para mataas 'yung points na makuha natin—"

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now