Chapter 34

53 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR


Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang araw na ito. Lutang ako buong magdamag at hindi ko na nakakausap ng matino si Kenrick. Naiintindihan niya naman daw ako kaya okay lang. Masyadong malalim ang iniisip ko. 'Yung tungkol sa pag-uusap namin ni Catriona at kung paano ko matutuldukan ang problemang dinala ng Papa ko.

Hindi ko masabi kung okay na ba kami ni Catriona ngayong tapos na kaming mag-usap. Hindi ko pa alam. Siguro kakausapin ko nalang ulit siya para magkaayos na talaga kaming dalawa at para makahingi narin ako ng tawad sa lahat ng ginawang kasalanan ng Papa ko sakanila. Pero kailangan ko munang palamigin ang ulo niya dahil alam kong may galit parin siya sakin. Sa susunod ko nalang siya kakausapin para tuluyan na talaga kaming magkaayos.

Sabay kaming umuwi ni Kenrick at naglalakad lang kami ngayon dahil sinabi kong gusto ko munang maglakad at makalanghap ng hangin. Pumayag naman si Kenrick sa gusto ko kaya ngayon heto kami at magkawahak ang kamay habang naglalakad sa kalsada.

Pareho kaming hindi nagsasalita. Siguro dahil alam niyang malalim ang iniisip ko kaya hindi niya ako iniistorbo. Patuloy kaming naglalakad ng tahimik. Bumuntong hininga nalang ako at napansin kong napalingon siya sakin.

"Kenrick..." Usal ko. Nagliwanag ang mukha niya ng tawagin ko ang pangalan niya.

Kumunot ang noo niya, "Bakit?"

"Kung sakaling ikaw ang magiging asawa ko, gagawin mo rin ba ang pangbabaeng ginawa ng tatay ko?" Bigla kong tanong. Nakita kong mukhang nainsulto siya sa sinabi ko.

"Ayan ang hinding hindi ko magagawa, Katrine. Hindi lahat ng lalaki, babaero. Kung iniisip mong lolokohin kita, mag-isip ka ulit dahil hindi mangyayari 'yon." Sabi niya at umirap pa.

Kahit mahapdi ang mata ko dahil sa pag-iyak kanina, nakuha ko paring ngumisi. "Tinanong lang naman kita."

"Tss, nakakainsulto kaya 'yung tanong mo." Sagot niya. "Tandaan mo, Katrine, hindi lahat ng lalaki manloloko. Iilan nalang kami na loyal sa mundo."

Pilit akong tumawa, "Loyal? 'Yun ba 'yung softdrinks?"

Kinurot niya ang tungki ng ilong ko, "Rest in peace sa namatay mong joke."

Sabay nalang kaming natawa. Ilang sandali ulit kaming natahimik ng bigla siyang magsalita.

"Kamusta ang pag-uusap niyo ni Catriona?" Hindi ako nakaimik sa tinanong niya. Napayuko ako at naramdaman kong pinisil niya ng ilang beses ang kamay ko. Inangat ko ang tingin sakaniya at malungkot na ngumiti.

"Nalaman ko na ang totoo, Kenrick." Sabi ko at binalik ulit ang tingin sa daan. "Nagkamali ako. Hindi ko dapat sinisi kila Catriona ang lahat ng nangyari. Wala silang kasalanan. Hindi alam ng nanay ni Catriona na may pamilya na ang taong pinatulan niya. Nagmahal lang siya, Kenrick. Minahal niya lang ang Papa ko pero sobra siyang nasaktan."

Pinisil ulit ni Kenrick ang kamay ko. Napaangat ang tingin ko sakaniya at nakita kong nginitian niya ako.

"Magiging maayos rin ang lahat, Katrine." Pagpapagaan niya ng loob ko. Napangiti nalang rin ako at hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay.

"Thank you dahil nasa tabi kita ngayon." Sabi ko. Napakaswerte ko dahil nakilala ko ang isang Kenrick Olivar na maaasahan sa lahat ng oras.

Ngumiti siya ng malapad, "Lagi lang naman akong nasa tabi mo, Katrine. Kahit ano pang mangyari, hindi ako mawawala."

Napangiti nalang ako ng malapad sa sinabi niya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at ng makarating na kami sa bahay, huminto kami sa tapat ng bahay namin.

Love Maze (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu