Chapter 37

50 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN


Ilang sandali na hindi nakapagsalita ang mga magulang ni Kenrick. Nanatili silang nakatitig sa aming dalawa at mukhang hindi makapaniwala sa narinig.

"Mom and Dad," Pagbasag ni Kenrick sa katahimikan. Mas lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Ilang beses akong napalunok at hindi alam kung paano pababagalin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Tumikhim si Tita at tinignan kaming dalawa ni Kenrick ng maigi.

"Masaya ako na kayo ang nagkatuluyan ngayon." Sabi ni Tita at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Pero hija," Bumaling ang tingin niya sakin, "May usapan kami ng Dad ni Kenrick na ipapadala namin siya sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral at siya narin ang magpapatakbo ng negosyo namin doon."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Parang bigla akong nanghina at hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.

"Mom!" Napasinghal si Kenrick. "Hindi ba sinabi ko na sainyo noon na ayokong umalis ng bansa? Bakit kayo parin ang nagdi-disisyon para sakin?"

"Kenrick! 'Wag mong sigawan ang Mama mo!" Sabi ni Tito kay Kenrick.

"Kenrick anak, nagdi-disisyon kami para sa ikakabuti ng future mo. Hindi lang naman 'to para samin kundi para rin sayo. Kapag natutunan mo ng patakbuhin ang negosyo ng Papa mo, ikaw na ang magmamay-ari nun at magkakaroon kana ng sarili mong pera. Sana naman maintindihan mo anak." Paliwanag ni Tita kay Kenrick.

"Kaya kong magkaroon ng sarili kong pera ng hindi umaalis ng bansa, Mom. Sorry but I'm not going to leave this country." Matigas na sabi ni Kenrick.

"Bakit ayaw mong umalis?" Walang ekspresyon na tugon ni Tito sakaniya. Napayuko nalang ako. Hindi ko sila kayang tignan na nagtatalo dahil sa ganito. Ang hirap makita.

Bumuntong hininga si Kenrick, "Ayokong iwan si Katrine dito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kenrick kaya biglang napaangat ang tingin ko sakaniya. Tinignan niya ako ngunit mabilis niya ring binaling ang tingin sa kaniyang mga magulang.

"Ayokong umalis ng bansa at iwan si Katrine." Pag-uulit ni Kenrick at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Narinig ko ang buntong hininga ng mga magulang ni Kenrick dahil sa sinabi nito.

"Sige, kung iyan ang gusto mo. Hindi ka namin pipilitin. Pero sa oras na may pagkakataon na makaalis ka ng bansa, aalis ka sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ng Mama ni Kenrick at napabuntong hininga ulit.

Pagkatapos ng usapan na 'yon, naging tahimik na kaming lahat. Natapos narin kumain at aayain sana ako ni Kenrick sa sala ngunit tinawag ako ni Tita.

Tinignan ko si Kenrick na nakakunot ang noo sakin. "Mauna kana sa sala, Kenrick. Mag-uusap lang kami ni Tita."

Magsasalita pa sana siya kaso pinanlakihan ko siya ng mata. Wala na siyang nagawa. Tinalikuran na niya kami at dumiretso sa kanilang sala.

Tinignan ko si Tita at ginaya niya ako paupo ng upuan. Tumabi siya sakin at inantay ko siyang magsalita.

Tinitigan niya ako, "Hija, hindi na ako magpapadalos dalos. May gusto sana akong hilingin sayo."

"Sige po, Tita. Ano po 'yon?"

Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita, "Makipaghiwalay ka muna sa anak ko."

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng isang katerbang tubig na may lamang yelo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakaniya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinitigan akong mabuti.

"Mga bata pa naman kayo, hija. Gusto kita para sa anak ko pero sana maintindihan mo na mas maganda ang magiging buhay ni Kenrick sa ibang bansa. Maraming opportunities. Ikaw nalang ang pwede kong malapitan, hija." Pagmamakaawa ni Tita sakin. Nanatili akong nakatulala sa mukha niya. Namuo na agad ang luha sa mata ko. Iniisip ko palang na makikipaghiwalay ako kay Kenrick, nasasaktan na ako.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now