Chapter 2

102 3 0
                                    

CHAPTER TWO


"Mama, anong ulam?" Tanong ko agad pagpasok ko ng bahay. Napangiwi ako ng may tumama sa ulo ko.

"Aray naman!" Singhal ko.

"Ulam agad hinahanap mo, mag-mano ka muna sa Papa mo!" Singhal rin ni Mama sakin. Napahilot nalang ako sa ulo ko kung saan kinaltukan ni Mama. Agad akong lumapit kay Papa na nagtatanggal ng sapatos at nag-mano.

"Tulungan na kita, Pa." Sabi ko at hinila ang kaniyang sapatos. Napangiti nalang sakin si Papa at ginulo ang buhok ko.

"Napakabait talaga ng anak natin, mahal." Sabi ni Papa na ikinangiti ko ng malapad. Pagkatanggal ko ng sapatos niya mabilis ko siyang niyakap.

"Mabait lang 'yan kasi may ipapabili sayo." Sagot naman ni Mama na nasa kusina. Napanguso nalang ako. Kahit kailan talaga panira si Mama. Kainis.

Kumunot ang noo sakin ni Papa, "Anong ipapabili mo anak?"

"Wala 'yon, Pa. Hindi ko na pala kailangan." Sabi ko at ngumuso.

"Sus, ang anak ko talaga. Sige na, ano 'yon?" Pag-pilit niya. Ilang sandali pa akong nahiya sabihin bago sinabi. Syempre kailangan mag-pabebe muna ako. Hahahahaha.

"Gusto ko sana magkaroon ng cellphone, Pa." Sabi ko at kumakamot pa sa ulo ko. Nahihiya ako magsabi.

"Cellphone?" Tumango ako. Napangiwi nanaman ako ng makatanggap ako kay Mama ng kaltok. Grabe naman si Mama. Napanguso nalang ako ng napakahaba dahil sa ginawa niya.

"Nako Katrine! Alam mo namang gipit pa tayo ngayon tapos iyan ang ipapabili mo!" Sermon ni Mama. Nagsisi tuloy ako. Dapat pala di ko na sinabi.

"Ano ba, mahal. 'Wag mo saktan ang anak natin." Sabi ni Papa at hinahaplos ang ulo kong kinaltukan ni Mama.

"Sige magkampihan kayong mag-ama. Kaya nai-spoiled 'yang anak mo dahil sa ginagawa mo eh. Huwag mong bilhan 'yan ng cellphone, walang maganda maidudulot 'yon sakaniya." Sabi ni Mama at bumalik ulit sa kusina.

Napanguso ulit ako at umiling iling pa. "Tss. Si Mama talaga."

Narinig kong tumawa si Papa. "Intindihin mo nalang ang Mama mo, anak. Hindi ko pa mapapangako na mabibilhan kita pero kapag di na tayo gipit ibibili kita ng gusto mo. Okay ba 'yun, 'nak?"

Ngumiti ako at niyakap si Papa. "Okay na okay po, Papa."

I love my family so much. Napaka-alaga nila sakin. Kahit na puro sermon sakin si Mama, mahal na mahal ko parin siya. Alam ko namang mas inaalala niya ang gastusin namin at syempre kalusugan ko narin. Si Papa naman ay mahal na mahal ko rin. Sobrang sweet niya kasi sakin. Napakabait pa ng Papa ko. Kaya sobrang swerte ko sakanila. Sana lagi kaming ganito. Sana maabutan pa nila akong makapagtapos at maibigay sakanila ang diplomang gusto nilang makuha para sa'kin.

"Kumain na kayong mag-ama." Cold na sabi ni Mama. Tampururut ang Mama ko. Hahahahaha.

Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap rin. "Naiintindihan ko naman, Ma. Atsaka hindi ko naman pinipilit si Papa na bilhan ako."

"Kumain ka na." Cold parin na sabi niya. Napanguso ako.

"I love you, Mama." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Oo na! I love you too! Kumain na kayo!" Ayon, bumigay rin. Hahaha. Alam na alam ko talaga kung paano lambingin si Mama. Isang kiss lang 'yan, tiklop na.

"I love you rin Mahal." Sabi ni Papa. Nakita ko namang namula si Mama.

"Yieee! Kinilig si Mama!"

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now