Chapter 44

55 0 2
                                    

CHAPTER FOURTY FOUR


Tatlong linggo na ang lumipas simula ng makausap ko si Sean. Hanggang ngayon di ko parin makalimutan yung huling salitang sinabi niya sakin. Naguguluhan ako hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa mga salitang 'yon. May kung ano sa isip ko na alam kung anong ibig sabihin nun pero ayoko parin mag-assume. Alam ko naman na nagkagusto sakin si Sean pero isang taon na rin ang lumipas, imposible namang ako parin ang gusto niya?

Ilang sandali akong nakatulala sa kawalan ng bigla kong marinig ang boses ng adviser namin.

"Okay class, malapit na matapos itong school year niyo. At malapit narin ang moving up niyo. I'm glad kasi lahat kayo nakapasa. So it means, lahat kayo makakapag moving up pero medyo nakakalungkot din dahil may dalawa kayong kaklase na hindi niyo makakasama sa moving up. It's Sean and Kenrick. Sila ang nagpatransfer at pumunta ng ibang bansa. But kahit na ganun, masaya parin ako para sainyong lahat." Nakangiting sambit ni Ma'am. Napapalakpak ang mga kaklase ko at excited ng makapag-moving up at matanggap ang kanilang diploma. Kahit ako, sobrang excited narin.

"Next week na ang moving up niyo at alam kong ready naman na kayong lahat. Congratulations!" Nagsimula ng maghiyawan at magpalakpakan ang lahat. Kahit ako napapahiyaw narin. Sa wakas makakapag-moving up na kami. Madami kaming hirap na dinanas at sobrang saya namin na makukuha na namin ang inaasam naming diploma.

Lumabas na si Ma'am ng classroom at pa-chill chill nalang kame dahil wala naman na kaming gagawin. Hindi narin pumasok ang ibang subject teachers namin dahil wala naman na silang ituturo at tapos na ang final exam. Nagdadaldalan nalang kami sa room at yung iba ay may dalang gitara at nagkakantahan sila doon.

Nakangiti ko silang pinagmamasdan. Mamimiss ko itong mga kaklase ko panigurado. Kahit na yung iba ay hindi ko masyadong close, mamimiss ko parin sila. Naging mabait din naman sila sakin.

Napatingin ako bigla kay Eula, nakita kong nakikipagdaldalan ito sa iba naming mga kaklase. Gusto ko ng tapusin ang pagaaway namin. Gusto ko kapag nag-moving up kami ay magkaayos na kami. Tumayo ako at lumapit sakanila. Napatingin sakin si Eula at tinaasan niya agad ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa. Normal na siguro sakaniya na pagtaasan ako ng kilay kapag nakikita niya ako. Automatic hahahaha.

"Hindi ako pumunta dito para makipag-away." Natatawang sabi ko.

Natawa din si Bernazae, "Ano ka si Ed Caluag?"

Malakas silang napatawa sa sinabi ni Bernazae kahit ako ay napatawa nalang din. Dumako ulit ang tingin ko kay Eula na nakataas parin ang kilay sakin.

"Pwede ba tayong mag-usap, Eula?" Sambit ko. Mas lalong tumaas ang kilay niya sakin. Napansin kong napatingin na din sakin si Catriona pero ngitian ko lamang siya.

"Ano namang paguusapan natin?" Mataray niyang tanong. Hays, maattitude talaga tong babaeng 'to. Lagi mainit ang dugo sakin wala naman akong ginawang kasalanan sakaniya. Psh.

"Sa labas tayo mag-usap." Nakangiting sambit ko at nauna ng lumabas sakaniya. Akala ko hindi siya susunod sakin pero nakasunod pala siya. Nang nasa corridor na kami, mataray siyang tumingin sakin at pinagkrus pa niya ang kaniyang mga braso. Ang attitude talaga.

"Eula..." Tumikhim muna ako bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Gusto ko ng magkaayos tayo. Tutal malapit narin naman matapos ang pasukan. Gusto ko bago tayo lumipat ng ibang school na papasukan natin ay maayos na tayong dalawa."

Biglang nanlaki ang mata niya ng marinig ang mga sinabi ko. Nagbago ang timpla ng itsura niya at bigla itong umamo.

Napabuntong hininga ako. "Kung ano man ang nagawa kong mali kaya ka galit na galit sakin, I'm sorry."

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon