Chapter 39

68 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY NINE


Kinabukasan, tinatamad akong bumangon. Hirap na hirap akong umalis sa kama ko. Parang gusto ko nalang matulog buong magdamag. Ang hapdi rin ng mata ko at feeling ko dahil sa kakaiyak naging singkit na ako. Haha. Hindi sana ako papasok ngayong araw pero alam kong sesermunan ako ng magaling kong nanay. Pero kahit na magaling manermon si Mama, thankful ako kasi hindi niya ako iniwang mag-isa kagabi. Sakaniya ako umiyak ng umiyak.

Kahit na tinatamad ako, bumangon na ako at nagasikaso. Ang bagal ng bawat galaw ko. Feeling ko kasi wala ng dahilan pa para maexcite ako sa bawat araw.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagbabakasakaling may message niya pero bumagsak lalo ang balikat ko ng makitang wala. Teka, bakit ko ba chini-check kung magme-message siya sakin eh hiwalay na nga kami? Ako ang nakipaghiwalay. Nasaktan ko siya ng todo at alam kong dahil sa sakit na binigay ko sakaniya, tuluyan na siyang lalayo. Oo, masakit. Pero para naman 'to sakaniya eh. Iniisip ko lang 'yung makakabuti sakaniya. Iniisip ko 'yung mga pangarap niya. Yung mga pangarap ng magulang niya para sakaniya. Kaya kahit na masakit, tanggap ko ng magiiba ang trato niya sakin ngayon. Paniguradong kapag nagkita kami mamaya sa school, hindi na niya ako papansinin.

Bumuntong hininga nalang ako at nilapag sa side table ang cellphone ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso agad ng CR.

Habang nagbubuhos ng tubig sa katawan, hindi ko alam kung bakit napapaiyak na naman ako. Tanginang mata 'to, walang kasawaan sa kakaiyak. Hindi ba pwedeng isang beses lang umiyak? Bakit kailangan bawat oras iiyak?

Pagkatapos maligo at magbihis, hindi na ako nag-abala pang ayusin ang mukha ko. Kinuha ko na agad ang mga gamit ko at nagpaalam kila Mama't Papa na papasok na ng school.

"Teka, di ka pa kumakain anak." Sabi ni Papa ng makarating ako sa pinto.

"Sa school nalang po, Pa. Male-late na ko eh." Sabi ko nalang.

Ilang sandali akong tinitigan ni Mama at Papa at sabay rin silang napabuntong hininga.

"Magbaon ka nalang." Sabi ni Mama.

"Wag na po, Ma. May pera naman po ako. Sa school nalang ako bibili ng pagkain." Sagot ko.

"Wag matigas ang ulo, Katrine. Alam kong di ka bibili sa school niyo." Sabi ni Mama at dumiretso ng kusina. Napabuntong hininga nalang ako at umupo nalang ulit sa sofa para antayin ang ipapabaong kanin sakin ni Mama.

Habang inaantay ko si Mama, napansin kong nakatitig sakin si Papa. Napakunot na ang noo ko.

"B-Bakit po?" Tanong ko.

Ngumiti sakin si Papa at tinabihan ako. Inakbayan niya ako at nginitian.

"Okay lang 'yan anak. Magiging maayos din ang lahat. Magpakatatag kana lang dahil sariling disisyon mo naman ang papanindigan mo." Sabi ni Papa at pagkatapos nun ginulo ang tuktok ng buhok ko.

Magsasalita pa sana ako kaso dumating na agad si Mama na may bitbit na plastik. Inilagay niya sa bag ko ang plastik na 'yon bago sinara ang bag ko. Tumayo na ako at tipid na nginitian sila Mama't Papa.

"Sige po, alis na 'ko." Huling sambit ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng bahay, tsaka ko lang narealize kung anong sinabi sakin ni Papa.

Kailangan kong magpakatatag. Sariling disisyon ko ito. Kailangan kong panindigan kung ano mang disisyon ang ginawa ko.

Kahit na alam kong malapit na akong ma-late, mas pinili ko paring maglakad nalang. Mas gusto ko kasing naglalakad kesa sumasakay. Mas nakakapag-isip ako kapag naglalakad ako.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, bigla akong napahinto ng may sasakyang humarang sa harap ko. Mabilis nag-init ang ulo ko sa driver ng sasakyang ito.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now