Chapter 22

52 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO


Dumaan ang biyernes at wala kaming ibang ginawa kundi habulin ang mga nahuhuli naming lesson sa klase. Busy ang lahat sa kaka-review sa pagbabakasakali na pumasa sa first quarterly exam namin next week. Nag-review din naman ako pero di ko maiwasang tutukan ang pag-fb. Hahahaha. Kaya ayon, wala ring pumapasok sa isip kong kahit iilang detalye ng lesson.

Naging busy rin ako dahil sa preperasyon sa pageant. Mayroon na akong casual wear, sports at gown. Meron naring magme-make up at mag-aayos ng buhok ko. Ang kulang nalang sakin ay ang sarili ko. Hahaha. Masyado kasi akong kabado. Lalo pa't may Q&A 'yon. Bobo ako kaya paano ako makakasagot sa tanong? Hahaha.

Mabilis natapos ang araw ng biyernes at sabado na. Walang pasok ngunit busy kami ni Mama sa paghahanda para sa pageant. Ang dami kasing alam ni Mama eh. Pinalinisan pa ang mga kuko ko, eh, hindi nga namin alam kung mananalo ba talaga ako. Pinupospos masyado.

"Ma, manonood ba mamaya si Papa?" Tanong ko kay Mama na nasa gilid ko habang nililinisan ni Aling Mau ang kuko ko.

"Aba, ewan ko. Sabi niya hahabol siya mamaya pero mukhang di pa sigurado. Sana hindi 'yon mag overtime sa trabaho niya. Ilang araw na siyang nagoovertime." Sagot ni Mama. Napasimangot nalang ako at hindi na nagsalita. Ilang minuto ang tinagal sa paglilinis ng kuko ko hanggang sa matapos ito.

"Salamat mareng Mau." Sabi ni Mama kay Aling Mau.

Ngumiti si Aling Mau kay Mama at tinignan ako, "Sana manalo ka hija."

"Naku, syempre naman! Mananalo 'yan, mare!" Proud na sabi ni Mama. Napangisi nalang ako at napailing iling. Umalis na si Aling Mau sa bahay at dumiretso nalang ako ng sala para manood ng TV.

"Nag-review kana ba?" Maya maya'y tanong ni Mama.

Kumunot ang noo ko, "Review saan, Ma?"

Biglang napasapo si Mama sakaniyang noo, "Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka pa nagrereview! Anong isasagot mo mamaya? Wala? Nganganga ka dun sa stage?"

Ngumuso ako, "Di na kailangan ng review 'yon, Ma!"

"Kahit na! Mag-review ka parin." Sabi ni Mama at dumiretso na ng kusina. Bumuntong hininga nalang ako at napailing iling.

Ilang oras ang lumipas at alas kwatro na. Naligo na ako at para mamaya aayusan nalang ako ng make up artist ko. Hinanda narin ni Mama ang mga susuotin ko mamaya sa pageant.

"Galingan mo mamaya," Sabi ni Mama habang sinusuklay ang buhok ko. Napangiti ako.

"Oo, Ma." Sagot ko. Nang matapos akong suklayan ni Mama, dumating na ang mag aayos sakin. Dumiretso kami sa dressing room malapit sa gaganapin na program at doon nakita ko ang ilan sa mga kasamahan ko na sinisimulan ng ayusan. Pumwesto kami ng make up artist ko sa pinakadulo. Inilabas nito ang mga gagamitin niya para sakin bago niya sinimulang suklayan ang buhok ko at pinlantsya. Nang matapos niyang plantsyahin ang buhok ko, sinimulan niya naman akong make-up-an.

"You have a clear skin sis," Puna niya. Nag-init naman ang pisngi ko at walang nasabi. Pumikit ako ng simulan niya namang lagyan ng foundation ang banda sa mata ko.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya habang inaayusan ako.

"Opo." Mahinang sagot ko.

"Normal lang 'yan tsaka first time mo palang naman."

Dumilat saglit ang mata ko bago ulit pinikit, "Nakasali kana po ba sa ganito?"

"Oo naman. Hindi nga lang pangbabae kundi pangbaklesh." Natawa ako sa sinabi niya.

"Gusto mo ikaw nalang po ang sumali? Gusto ko ng mag-back out eh." Natatawang sagot ko.

"Hay nako, kung pwede lang talaga. Keri ko 'yan. Sipain ko pa lahat ng kalaban ko." Sabi niya at tumawa rin.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now