Chapter 48

53 2 0
                                    

CHAPTER FOURTY EIGHT


Biglang nagblangko ang utak ko hindi ko alam kung ano pang iisipin sa mga oras na 'to. Grabe, all this time napaniwala ako ni Eula na buntis siya. Sobrang naawa ako sa kalagayan niya dahil akala ko buntis talaga siya at sobrang bata pa niya para mabuntis. Naging totoo yung pag-aalala ko sakaniya dahil ayokong mapahamak ang bata. Tapos ngayon malalaman ko lang na hindi pala totoo ang lahat ng ito? Na gawa gawa kwento niya lang na buntis siya? Grabe! Ganun na ba talaga siya ka-desperada para mapunta lang sakaniya si Kenrick? Hindi ako makapaniwala!

"I'm sorry, Katrine." Narinig kong sambit ni Jared. Tinignan ko siya at nakita kong umiiyak ito habang nakayuko at hindi makatingin sakin ng diretso. Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Tulad ni Eula lumuhod na din siya sa harap ko.

"P-Patawarin mo ako, Katrine. Inamin ko kila Kenrick ang nagawa naming plano ni Eula dahil ayoko ng tumagal pa ito dahil hindi na tama. Naisip ko na may naloloko na kaming tao para lang makuha yung taong alam naming hindi naman mapapasamin ni Eula. Kinausap ko si Eula na aminin na namin pero ayaw niya. Kaya ako na mismo ang umamin kila Kenrick. I'm sorry, Katrine. Alam kong hindi mo na ko pagkakatiwalaan pagtapos nito at tatanggapin ko lahat ng kaparusahan kung 'yon ang deserve para sakin." Sambit ni Jared habang nakaluhod. Tumulo ang luha sa mata ko. Hindi ko inakalang lolokohin ako ng ganito ni Jared. Sobrang nagtiwala ako sakaniya dahil akala ko kahit loko loko siya mabuti siyang tao pero nagkamali ako.

"Wala na akong sasabihin sayo, Jared. Umalis kana sa harap ko. Kayo ni Eula. Umalis na kayo! Mga manloloko kayo! Napaniwala niyo kami." Sigaw ko habang tumutulo ang luha.

Lumapit sakin si Kenrick at hinawakan ang balikat ko. Tumayo si Eula at nagmakaawa naman sa harap ni Kenrick.

"Kenrick, ako dapat ang mahal mo diba? Ako dapat at hindi si Katrine! Diba sakin ka naman unang nagkagusto? Maganda naman ako at mayaman, Kenrick! Ako nalang! Ako nalang ang mahalin mo! Bakit si Katrine pa?" Humahagulhol na sambit ni Eula.

"So desperate." Rinig kong bulong ni Evan. Nagsidatingan na din pala ang ibang kaklase namin at pinapanood ang eksena namin dito. Sobrang nakakahiya na. Nakatingin na din samin si Catriona at mukang hiyang hiya na din siya sa ginagawa ni Eula sa harap ng maraming tao.

"Eula, kahit kailan hindi kita nagustuhan. Lahat ng pinapakita ko sayong kabutihan walang malisya 'yon. At kung naging sweet man ako sayo, ginawa ko 'yon para pagselosin si Katrine dahil alam kong may gusto na siya sakin matagal na. Parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa, Eula. Parehas naming mahal ang isa't isa. Pinaghiwalay man kami, alam kong gagawa ang tadhana para pagtagpuin ulit kami at ito na 'yon, Eula. Nagtagpo na ulit kami at hindi ko na hahayaan na mawala pa siya sakin." Sabi ni Kenrick. Ilang butil ng luha ang bumuhos sa mata ko. Tinignan ako ni Kenrick at nginitian niya ako. Sinambit niya ang salitang 'mahal kita' ng pabulong. Napangiti ako na may halong iyak. Akala ko wala na kaming pag-asa ulit ni Kenrick. Akala ko matatapos na talaga ang lahat samin ni Kenrick.

"Tapos na ang eksenang ito, aalis na kami." Hinawakan ni Kenrick ang kamay ko at hinila na ako palabas ng school. Pumunta kami sa parking lot at pinasok niya ako sa kaniyang kotse. Pinaandar niya agad ito at mabilis ang pagtakbo niya.

"Kenrick, magdahan dahan ka nga!" Sigaw ko sakaniya. Nakita kong napangisi siya at binagalan na ang pagtakbo ng kotse. Bida bida lang.

"Hala, teka nasaan pala yung diploma ko?" Gulat na sambit ko.

"Na kay Mama." Sagot niya.

"Paano napunta sa Mama mo?"

Ngumisi siya, "Wala kay Mom. Nasa Mama mo na Mama ko na rin."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Lumakas ang tibok ng puso ko at napalunok. Grabe sobrang namiss ko si Kenrick. Miss na miss ko siya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngayon.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now