Chapter 11

57 0 0
                                    

CHAPTER ELEVEN


"Oh, your friends are here." Nakangiting sabi ni Eula na nakapag palingon kay Kenrick dahilan para makita niya kami. Sakin agad dumako ang mata niya. Lumakas agad ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noo niyang tanong.

"Biglaan lang, pre. Don't worry hindi namin guguluhin ang date niyo. Sa ibang table kami pupwesto." Sabi ni Jared at hinila na ang pulsuhan ko palayo kila Kenrick. Sumunod naman si Sean at Evan samin. Nang makahanap kami ng table mabilis kaming pumwesto doon.

Medyo malayo ang pwesto namin kila Kenrick at Eula pero kita parin namin ang galaw at kilos nila. Nakita kong bumalik na ulit sila sa pag-uusap at nagtatawanan na naman. Hindi ko alam pero ang bigat bigat na naman sa loob ko makita ang bawat ngiti at pagtawa ni Kenrick na hindi ako ang dahilan. Feeling ko anumang oras babagsak nalang ng kusa ang luha ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Kailangan kong kumalma. May kasama ako at ayokong magtaka sila sa mga inaakto ko. Kaya kahit mabigat sakin, umiwas ako ng tingin kila Kenrick at Eula pagkatapos ay binigyan ng ngiti sila Sean, Evan at Jared.

"Okay lang ba kung kumain muna tayo, Katrine? May misa pa naman mamaya." Sabi ni Sean.

Nakangiti akong tumango, "Oo. Gutom na rin naman ako."

Tumango lang silang tatlo sa sagot ko. Itinaas ni Evan ang kamay niya para magtawag ng waiter at may lumapit naman samin agad na isang lalaki. Binigyan kami nito ng tig iisang menu at pina-order ng gusto naming kainin.

"Carbonara lang." Sabi ko dahil 'yon lang ang nakikita kong mura sa menu nila. Ang mamahal na ng iba. Nakakabutas ng bulsa. Buti nalang libre ako ngayon ng tatlong anghel (insert sarcastic tone).

"How about your drinks, Ma'am?" Tanong sakin ng waiter.

"Water na lang, hehe." Sabi ko sabay ngiti. Ibinaba naman ng tatlo ang kani-kanilang menu at tumingin sakin. Bigla namang kumunot ang noo ko. Problema nitong mga asungot na 'to?

"Ano bang akala mo samin, Katrine? Umorder ka lang kahit anong gusto mo." Sabi ni Evan habang nakasalubong pa ang dalawang kilay.

"Yes, and this is our treat. 'Wag mong tipirin ang sarili mo." Sabi naman ni Sean.

"Minsan lang 'to, Katrine. Next time magiging kuripot na ulit ako." Sabi naman ni Jared at ngumuso.

Bumuntong hininga ako at nag-cross arms, "Guys, okay na 'ko sa mumurahing pagkain. Atsaka ayokong magwaldas kayo ng pera para lang sakin. Ayoko ng ganun, okay?"

Hindi sila nakasagot sa sinabi ko. Tumingin nalang ako sa waiter at sinabing ayun lang ang pagkaing kakainin ko.

"Hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sayo," Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Evan.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi mali na nagustuhan namin ang isang tulad mo. You're beautiful, inside and out." Sabi naman ni Sean.

"Right. Kaya sana bigyan mo kami ng chance para ligawan ka." Sabi ni Jared na nakapagpalaki ng mata ko. Pinag-usapan ba nila 'to? Grabe, tatlo tatlo agad? Hinay hinay naman mga boi. Mahina kalaban niyo eh. Huhuhu.

"Uh.. uhm.. alam niyo kasi.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lalo pa't nakatutok silang lahat sa isasagot ko. "Ano.."

"Ano?" Sabay sabay nilang tanong.

"Kasi ano—"

"Here's your food Ma'am Sir." Nakahinga ako ng maluwag ng dumating ang waiter. Yes! Thank you kuya waiter!

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now