Chapter 38

56 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT


Gabi na at madilim na ang buong paligid. Naglalakad kaming dalawa ni Kenrick papunta sa bahay namin. Ihahatid niya na daw ako dahil baka mapahamak pa ako sa daan. Gusto pa nga sana niyang magkotse kami para mabilis pero sabi ko maglakad nalang kami. Gusto ko kasing makasama siya ng matagal ngayon.

Nanatili akong tahimik habang naglalakad kami. Magkasiklop ang mga daliri naming dalawa at tanging sa mga anino lang namin nakatutok ang aming mga mata.

"Katrine..." Lumakas ang tibok ng puso ko ng bigla niyang tawagin ang aking pangalan. Hindi parin talaga mawawala 'tong nararamdaman ko para sakaniya. Isang tawag niya palang sa pangalan ko, natataranta na 'yung puso ko.

Tinignan ko siya, "B-Bakit?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto narin ako. Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Pwede bang mangako ka sakin?" Sambit niya. Kumunot naman ang noo ko. "Mangako kang kahit na anong mangyari, hindi ka makikipaghiwalay sakin?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Nangilid ang luha sa aking mata. Paano ko mapapangako sakaniya 'yon kung iyon 'yung disisyon na gagawin ko? Paano pa ako mangangako?

Ang hirap ng sitwasyon. Gusto kong maging selfish at 'wag makipaghiwalay sa taong mahal ko pero ayoko rin namang siyang pagkaitan ng makakabuti sakaniya. Ayokong mahirapan pa siya. Ang dami naming pangarap sa buhay. At sa tingin ko tama ang disisyon kong hiwalayan siya. Hindi na niya ako iisipin at makakaalis na siya ng bansa at mamumuhay ng maganda.

"Katrine?" Nataranta siya ng makita ang luha ko. "M-May problema ba?"

"K-Kenrick..." Nagtuloy tuloy ang buhos ng luha ko at feeling ko nanghihina ako. Pero hindi dapat ako maging mahina ngayon. Kailangan kong maging malakas at panindigan ang disisyong gagawin ko. Para 'to sa ikakabuti niya. Sa ikakabuti naming dalawa.

"Kenrick... I'm sorry." Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Natulala siya sa mukha ko at nagsisimula ng maguluhan.

"I'm sorry, Kenrick. Sana mapatawad mo 'ko." Pinilit kong hindi mapiyok kahit na tuloy tuloy ang pag-agos ng aking luha.

Wala sa sariling natawa siya, "A-Ano bang sinasabi mo? Bakit ka nagsosorry sakin?"

Napayuko ako at huminga ng malalim bago ulit siya tinignan.

"Hindi ko magagawa ang gusto mo. Hindi ko na maipapangako ang gusto mo dahil ngayon gusto ko ng makipaghiwalay sayo." Diretsong sambit ko. Ang dalawang kamay niyang nakahawak sa aking balikat ay bumagsak.

Parang may sumaksak sa puso ko ng makita ang mga mata niyang punong puno ng sakit. Natulala siya sakin at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Ilang sandali siyang natahimik bago umiling iling at lumapit sakin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Napaatras ako at ilang butil nanaman ng luha ang bumuhos sa aking mata.

"K-Katrine... nagbibiro ka lang diba? Prank lang 'to diba?"

Umiling ako. "Hindi ako nagbibiro, Kenrick. Ayoko na. Tapusin na natin 'to."

Mas lalong kumirot ang puso ko ng makitang bumuhos ang luha niya. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at parang ayaw na itong bitawan.

"Katrine... 'wag ganito... please.. pag-usapan natin 'to." Pumiyok ang boses niya at basang basa na ng luha ang pisngi niya.

Ang sakit makita siyang ganyan pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong gawin 'to para sakaniya. Hindi madali pero alam kong makakaya namin itong dalawa. Makakaya niyang lampasan ito at makakamit niya ang mga gustong niyang marating sa buhay ng hindi ako kasama. Ng hindi ako ang laging nasa isip niya.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon