Chapter 8

69 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok bago naglagay ng konting liptint sa labi. Pumunta ako sa salamin ko rito at tinignan ang aking repleksyon. Napangiti ako ng makita ang itsura ko. Ang cute ko talaga.

Inayos ko pa ang iilang bangs sa aking noo bago sinabing, "Cute!"

"Katrine! Kanina ka pa inaantay ni Kenrick dito! Ano bang ginagawa mo diyan sa kwarto mo?" Sigaw ni Mama mula sa labas ng aking kwarto. Dali dali kong kinuha ang aking sling bag tsaka binuksan ang pinto.

"Nasaan siya, Ma?" Tanong ko.

"Kaya naman pala ang bagal kasi nagpapaganda pa. Tsk. Andun si Kenrick sa sala." Sabi ni Mama at napailing iling pa bago pumasok sa loob ng kwarto ko at inayos ang mga kalat ko. Napanguso nalang ako at pumuntang sala para harapin si Kenrick. Nang makita niya ko agad ko siyang nginitian.

Nakita ko ang pag-awang ng labi niya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Taas kilay kong tanong.

Lumunok siya bago umiling ng ilang beses, "Wala. Tara na. Inaantay na tayo ni Jared. Kanina pa 'ko chinachat ng gago. Gumawa pa ng gc."

"Anong gc?"

Nilabas niya ang phone niya at pinakita sakin ang group chat na may name na Motherfucker Squad. Seriously? Akala ko ba kalokohan lang nila 'yun ni Evan? Bakit nagkaroon na ng group chat? Talagang sineryoso ng dalawang asungot.

Si Kenrick, Jared, Evan, Ako at si Sean lang ang mga kasali. Nag backread pa ako ng iilan nilang mensahe doon.

Hatdog: Welcome sa inyo mga motherfucker.

Potangina, Jared. Ba't ganyan nickname mo? Mahilig ka ba sa hotdog? HAHAHAHAHAHA gago.

Hot na fucker: Di ka welcome dito gago!

Isa pa 'tong lalaking 'to. Halatang malandi. Sa nickname palang.

Anghel: Hi.

Paniguradong sila Jared ang nag-set ng nickname nitong si Sean. Ang lalakas talaga ng trip. Napailing iling nalang ako habang binabasa pa ang ilang mensahe nila rito. Wala namang ilang mensahe kundi tungkol sa babae. Ang haharot. Dinadamay pa si Sean sa kalandian.

Hatdog: @Kenrick Olivar asan ka ng hayop ka? Nandito na kami. Isama mo si Katrine myluvs ha!

Nag-reply ako gamit ang account ni Kenrick.

Ako: Ulol.

Pinindot ko ang send button tsaka binigay kay Kenrick ang cellphone. Nagpaalam na kami kay Mama na aalis na. Wala naman dito si Papa at nasa trabaho kaya di na kami nakapag-paalam ni Kenrick. Sinabihan nalang namin si Mama na sabihin kay Papa kung saan kami pupunta.

Nakaabang naman sa labas namin ang kotse nila Kenrick pero hindi siya ang driver. Sabi kasi niya wala pa daw siyang lisensya kaya hindi pa siya puwedeng mag-drive. So, may kinuha nalang ang magulang niya ng personal driver niya.

Umupo na kaming dalawa sa backseat. "Tara na po, mang Bert." Sabi ni Kenrick na ikinatango naman ng driver niya.

Ilang oras ang binyahe bago kami nakarating sa sinabing address ni Jared. Nagtaka pa nga ako kung bakit hindi sa sarili nilang bahay. Pero dedma nalang. Hindi naman ako puwedeng mangialam kung saan venue nila ice-celebrate ang birthday ng kapatid niya.

Bago kami bumaba ng kotse, may binilin si Kenrick sa driver niya bago kami lumabas. Umandar naman ang kotse nito at nagmaneho pauwi. Napatingin kami ni Kenrick sa lugar. Napanganga ako sa nakita. What the hell? Birthday celebration ba talaga ang pupuntahan namin? Mukhang hindi eh.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now