Chapter 9

67 0 0
                                    

CHAPTER NINE


Kasalukuyan akong naka-indian seat habang kaharap ang mga naririto ngayon sa loob ng bahay na mukhang sinauna pa ginawa. Nakapabilog kaming lahat at parang may pagmi-meeting-an. Sa isip ko, binilang ko kung ilan kaming naririto. Akala ko kinse kami, mali pala. Trese lang kaming nandito. Anim ang lalaki. Nandito ang asungot na si Jared, ang malanding si Evan, ang kupal na si Kenrick, ang anghel na si Sean, ang extra sa storyang ito na si Rodell at ang favorite na sir Forez na si Martin. Ang babae naman ay pito. Nandito ang feeling mabait na si Eula, ang demonyitang si Catriona, ang matalino sa math na si Xiela, ang feeling anime na si Alice, ang president ng klase namin na si Hanwie, ang sexytary namin na si Bernazae, at ang pinaka-cute sa lahat na si Katrine. Ako po 'yun. Hahahahaha.

"Okay, guys. Sana walang mangyayaring milagro sa overnight natin ha? Lagot tayo nito sa mga magulang tsaka sa teachers natin. Paalala ko lang since ako naman ang president ng section natin." Sabi ni Hanwie habang isa isa kaming tinitigan.

"Wala namang mangyayari, Pres. Atsaka ang babata pa natin para sa ganon." Sabi ni Xiela.

"Hindi mo rin masasabi 'yan kung parehas kayong tigang." Sabi naman ni Bernazae na ikinatawa ng lahat.

"Bakit? Na-experience mo na ba 'yon, Secretary?" Sabi ni Evan sabay ngisi.

Tinignan naman siya nito ng masama. "Hindi. Baka ikaw? Kalat na ang kalandian sa katawan mo kaya sure ako na na-experience mo na 'yon."

"Hep!" Awat ni Hanwie. "Enough na. Basta boys, walang gagawa ng milagro ha? Please lang. Patikumin niyo 'yang mga hatdog niyo."

Nagtawanan ang mga girls sa sinabi ni Pres. Hindi ko narin maiwasang matawa.

"Okay, change topic." Sabi ni Hanwie. "Sayang at hindi nakasama ang iba nating kaklase. Pero ayos lang. May next time pa naman, right? Ang mahalaga ngayon magsaya muna tayo. Basta mag-behave kayo! Ako ang malalagot kapag may nangyaring masama sa atin!"

"Yes, pres!" Sagot namin.

"Good. Now, ikukwento muna satin ni Jared ang tungkol sa lugar na 'to. Umaga palang naman kaya 'wag kayo matakot." Usal ni Hanwie tsaka tumawa.

Napanguso si Jared, "Ayokong ikuwento ang tungkol dun pag umaga, gusto ko gabi para intense."

Napairap ako. Ang dami talagang kadramahan ng lalaking 'to.

"Bakit mamaya pa? Ngayon mo na ikuwento. Gusto na namin malaman." Sabi ni Rodell na extra lang sa storyang ito. Bakit siya extra? Ewan ko din. Tanong niyo kay author.

"Sainyo ba 'tong bahay na 'to?" Tanong ni Xiela.

"Oo. Samin 'to bakit gusto niyo tirhan? Puwede naman. Sabihin ko kay Mom." Sagot ni Jared.

"Huwag na, nakakatakot kaya." Sagot naman ni Xiela.

"Huwag ka matakot, nandito naman ako." Sabi naman ni Evan tsaka ngumisi. Nakita kong namula si Xiela. Nako nako, may nauto na naman ang malandi.

"Bakit ba dito mo kami dinala? Bawal ba sa bahay niyo?" Tanong naman ni Martin na favorite ni sir Forez. Minsan gusto ko rin siyang itanong kung bakit favorite siya ni sir eh. Hahahaha.

Umayos ng pagkakaupo si Jared, "Bawal magdala ng babae sa bahay. Papagalitan ako ni Mom."

"Bakit hindi ba babae ang Mama mo?" Napasabat ako bigla. Narinig ko naman ang tawa ng iba sa sinabi ko. Bakit? Tinatanong ko lang ang gusto kong malaman. Kung makatawa naman 'tong mga 'to.

Nginisian ako ni Jared, "Gumamit ka ng sintido kumon, Katrine myluvs."

Napa 'boom pahiya' naman ang kasama namin rito except kay Kenrick at Sean na tahimik lang. Napairap nalang ako ng wala sa oras. Nagtatanong lang naman. Anong masama don? Mga hangals.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now