Chapter 46

52 2 3
                                    

CHAPTER FOURTY SIX


Parehas kaming gulat na gulat ni Jared ng makitang nasa harap namin ngayon si Kenrick at si Sean. Malaki ang pinagbago nilang dalawa. Mas lalo silang gumwapo sa itsura nila ngayon. Nag-iba ang kulay ng buhok ni Kenrick, naging brown ito at bumagay sakaniya ang ganitong klaseng kulay ng buhok. Napansin ko din na pumuti siya at nagmuka talaga siyang foreigner sa itsura niya ngayon.

Samantalang si Sean naman ay walang pinagbago ang kulay ng buhok. Pumuti din siya pero mas maputi na ngayon sakaniya si Kenrick. Napansin ko din ang pagbabago ng aura niya. Kung dati ay maamo ang kaniyang mukha, ngayon ay hindi na. Mas umastig na ngayon ang aura ng kaniyang mukha.

Grabe ang pinagbago nilang dalawa. Teka? Bakit nga pala parehas silang nandito? Coincidence lang ba na parehas silang sabay umuwi ng pinas?

"So, you're begging Katrine to love you?" Nagulat ako sa biglang sinabi ni Kenrick. Tumayo na si Jared at hinawakan ang kamay ko. Napansin naman 'yon ni Sean at Kenrick kaya bigla silang napaiwas ng tingin sa kamay naming dalawa ni Jared.

"Why are you here?" Matapang na tanong ni Jared kay Kenrick. Sinulyapan ko si Sean at nakita kong nakangiti ito sakin. Anong problema ng isang 'to? Pumunta lang ng ibang bansa tas pagbalik naging abnormal na? Hay nako.

"Why?" Taas kilay na tanong ni Kenrick. "I'm here to get what's mine."

"Iniwan mo na siya, hindi mo na siya pwedeng makuha ulit." Sagot ni Jared habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Ngumisi si Kenrick at tinignan ako, "Let's see kung hindi siya babalik sakin."

Napalunok ako at tumikhim. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Jared at nakita kong nagulat siya dahil sa pagkakabitaw ko. Dahan dahan akong lumapit kay Kenrick na nakangisi na sa akin. Nang makalapit ako agad ko siyang sinampal ng malakas. Narinig ko naman bigla ang singhap ni Sean ng makita ang pagsampal ko kay Kenrick.

"Sakit naman nun p're." Narinig kong bulong ni Sean kaya tinignan ko siya ng masama. Agad itong umiwas ng tingin sakin. Takot amp.

Tinignan ko ulit si Kenrick na namumula na ang pisngi dahil sa sampal ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong pabalikin ako sayo matapos mo 'kong lokohin." Nakita ko bigla ang gulat sakaniyang mata ng sabihin ko 'yon. Maski sila Sean at Jared ay nagulat din dahil sa sinabi ko.

"Niloko? Kailan kita niloko, Katrine?" Gulat na tanong niya.

Mapakla akong tumawa, "Wag ka na nga mag-deny Kenrick. Si Eula na ang mismong umamin sakin. Niloko mo lang ako nung may tayo pa kaya 'wag kang magmayabang na kayang kaya mo 'kong pabalikin ulit sayo."

"I don't know what you're talking about. Hindi kita maintindihan."

"Anong hindi mo ako maintindihan? Ikaw ang nagloko kaya dapat naiintindihan mo 'yun." Sagot ko.

"Paano kita niloko? Hindi kita niloko, Katrine. Kahit kailan hindi pa ako nagloko." Matapang din na sagot niya sakin.

"Wag kana nga magsinungaling, Kenrick. Alam ko na ang totoo at hindi mo na ako maloloko ulit." Huling sambit ko at hinarap si Jared.

"Halika kana, Jared. Umalis na tayo dito." Sabi ko at nauna ng pumasok sa loob ng kotse ni Jared.

"Katrine!" Rinig kong tawag ni Kenrick pero hindi ko na siya pinansin. Pumasok na din si Jared ng kotse at pinaadar na ito. Tahimik lang ako sa byahe. Napapansin kong napapasulyap sakin si Jared pero hindi ko siya pinapansin. Masyadong blanko ang isip ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now