Chapter 33

45 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY THREE


Ngayon ay araw ng lunes, kahit tinatamad akong pumasok, pumasok parin ako dahil pinipilit ako ni Kenrick. Atsaka nandito siya ngayon sa bahay para sunduin ako. Nakakahiya naman kung tanggihan ko siya eh nag-effort siyang pumunta dito sa bahay. Kaya ayon wala akong nagawa.

Namamaga parin ang mata ko hanggang ngayon. Tuwing gabi kasi lagi akong umiiyak. Lalo na nung nalaman ko kung sinong babae ni Papa. Ang liit ng mundo dahil ang naging babae pala ni Papa ay nanay ng kaklase ko. Pathetic, isn't it?

Lumabas ako ng kwarto na nakabihis na. Simula nung nag-away si Mama at Papa, naging tahimik ang bahay. Hindi na ito tulad noon na masaya. Parang nawalan ng kulay ang bahay namin. Ang mapanermon kong nanay ay naging tahimik na at hindi pinapansin si Papa. Si Papa naman ay parang asong sunod ng sunod kay Mama para humingi ng tawad pero hindi siya nito pinapansin. Sobra talagang nasaktan si Mama sa ginawa ni Papa. Minsan nga, naririnig kong umiiyak si Mama sa banyo. Hindi ko kayang makitang nagkakaganito ang mga magulang ko pero wala akong magawa, e. Nangyari na. Ano pang magagawa ko?

"Aalis ka na?" Malamig na tanong sakin ni Mama ng pumasok ako ng kusina. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago tumango.

"Opo." Sagot ko.

"Sige." Maikling sabi ni Mama at pinagpatuloy ang paglilinis ng lababo. Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang aking tumbler sa ref bago lumabas ng kusina at hinarap si Kenrick.

"Tara." Sabi ko pero bago pa kami makaalis ng bahay, napansin kong tulog si Papa sa sofa. Hindi yata pumasok ngayon si Papa sakaniyang trabaho. Mas pinili niyang manatili sa bahay para paulit ulit na humingi ng tawad kay Mama kahit hindi siya nito pinapansin.

Sa totoo lang, gusto kong magalit kay Papa pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Gusto kong sigawan si Papa dahil sinaktan niya si Mama pero hindi ko magawa. He's still my father. Kahit na may kasalanan siya, mas nanunuot parin ang pagmamahal ko para sa tatay ko. Siguro, ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay alamin kung ano ang dahilan ni Papa kung bakit niya ginawa 'yon kay Mama.

Lumabas kami ni Kenrick ng bahay at dumiretso agad kami sakaniyang kotse. Tahimik lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami ng school. Sabay kaming pumunta ni Kenrick sa building namin pero hindi pa kami nakakarating ng corridor, nakita ko na si Catriona at Eula.

Napahinto ako sa paglalakad. Kinunutan ako ng noo ni Kenrick.

"Mauna kana sa room, Kenrick." Sabi ko bigla sakaniya.

"Ha? Bakit? Saan ka pupunta?"

Nginitian ko siya ng tipid, "May kakausapin lang ako. Sige na, mauna kana."

Tumitig pa siya sakin ng ilang sandali bago siya bumuntong hininga at tumango. Naglakad na siya paakyat ng hagdan at tuluyan na siyang makapunta sa corridor namin, lumapit ako kay Eula at Catriona na nag-uusap.

Natigilan silang dalawa ng makita ako. Tumaas ang kilay nilang dalawa sakin. Hindi naman ako makikipag-away, e. Bakit ba sa tuwing lalapitan ko sila akala nila makikipag-sampalan ako?

Hindi ko pinansin si Eula, bumaling ang tingin ko kay Catriona.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Lakas loob kong sabi. Mas lalong tumaas ang kilay niya at napatingin kay Eula.

"Bakit? Anong gagawin mo sakaniya?" Matapang na tanong ni Eula.

Tamad kong tinignan si Eula, "Pwede ba? Hindi ikaw ang pinunta ko rito. Gusto kong makipag-usap kay Catriona."

Hindi nakasagot si Eula sa sinabi ko. Binaling ko ulit ang tingin kay Catriona at kita kong napaawang bibig niya habang nakatingin sakin.

"Anong pag-uusapan?" Tanong ni Catriona.

Love Maze (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora