Chapter 12

53 2 0
                                    

CHAPTER TWELVE


Lunes na naman at araw na ulit ng pasukan. Ayoko pa sanang bumangon at pumasok kaso bibig naman ni Mama ang pupuntirya sakin. Siguradong mababanatan niya 'ko dahil sa katamaran ko. Kaya no choice ako ngayon kundi pumasok. Huhu.

Kasalukuyan na akong nasa classroom ngayon habang kadaldalan ang mga kaklase ko. Wala kaming first and second subject dahil absent daw ang teacher namin sa Math tapos yung teacher naman namin sa TLE, ayaw lang kaming pasukan. Tinatamad yata magturo samin. Hahahaha.

Nakiki-tsismis ako ngayon. Usap usapan sa room namin kung anong namamagitan kay Kenrick at Eula. Kahit ang bigat sa pakiramdam, pinakikinggan ko ang mga sinasabi ng mga kaklase ko.

"Feeling ko sila na," Sabi ni Aliya.

"Oo nga! Nakita ko sila kahapon sa Mall. Nagde-date yata!" Sabi naman ni Urlanda.

"Sana all. Pero okay lang 'yun, bagay naman sila." Sabi naman ni Brielle. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa sinabi ni Brielle.

"Agree." Sabi ni Urlanda at tinignan ako. "Ikaw Katrine? Diba boy bestfriend mo si Kenrick?"

Ilang sandali pa akong napatulala sa mukha nilang tatlo bago tumango.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Aliya.

Lumunok muna ako bago nagsalita, "Uh, nagkakilala kami nung grade 6 palang kami. Ang kulit niya noon tapos laging may kalokohan kaya siguro naging bestfriend ko siya. Parehas kasi kaming may naiisip na kalokohan kaya ayon, nagkasundo kami. Di lang halata pero bestfriend ko siya. Hahahaha."

Napatango naman silang tatlo.

"Ah, nung una akala ko may something sainyo eh." Sabi ni Brielle.

Pilit akong napatawa, "Wala. Magkaibigan lang talaga kami."

"Ah okay. So, tanggap mo naman ba si Eula para kay Kenrick?" Biglang tanong ni Urlanda na ikinatigil ko.

Sa totoo lang, hindi ko tanggap. Puso ko na nagsasabi na hindi ko gusto si Eula para kay Kenrick. Ayoko ng plastik para sa bestfriend ko. Pero wala naman akong magagawa kung siya ang gusto ni Kenrick. Sa huli, ako parin ang bestfriend niya na laging susuporta sa gusto niya.

Napakagat labi ako sa naisip.

Ngumiti ako ng peke kay Brielle, "Anong klaseng tanong 'yan? Wala naman akong karapatan para hindi tanggapin si Eula para kay Kenrick."

"Natanong ko lang naman since you're the bestfriend." Sagot naman ni Brielle. Magsasalita pa sana ako kaso dumating na si Sir. Rohelio. Nagsibalik kami sa sari-sarili naming upuan. Napatingin ako sa katabi ko. Shet. Katabi ko nga pala si Kenrick kapag time ni Sir. Rohelio.

"Bakit?" Tanong niya ng mapansing nakatitig ako sakaniya.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko, "Wala wala."

Nilagay ko nalang ang tingin ko sa mukha ni Sir. Rohelio. Parang biglang hinaplos ang puso ko ng makita ang gwapong itsura ni Sir. Grabe, ang gwapo talaga.

Nagsimula ng mag-disscuss si Sir sa harap pero nanatiling lutang ang utak ko. Nakatitig ako sa mukha ni Sir pero di ko mapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Hanggang sa magulat ako ng tawagin niya ang apelyido ko.

"Lerioza!" Kanina niya pa pala ako tinatawag. Shit. "Are you listening?"

"Y-Yes sir." Sabi ko at napalunok.

"Then what am I saying earlier?"

Napalunok ulit ako. "Ano sir.."

"Sorry?" Shit. Bawal pala mag-tagalog kay Sir. Kainis naman. Huhu pahiya na naman ako nito.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now