Chapter 9.1

69 0 0
                                    

CHAPTER NINE POINT ONE


Pagkatapos kong magluto, tinulungan ako ni Xiela at Hanwie na ihanda ang aming kakainin. Naamoy yata ng ibang kaklase namin ang amoy ng adobo kaya parang patay gutom silang lumapit sa lamesa at excited na naupo sa sari-sariling upuan. Napatingin ako kay Eula at Kenrick na magkatabi sa upuan. Napaiwas ako ng tingin ng makitang tumingin din sakin si Kenrick. Umupo nalang rin ako at tumabi kay Sean. Nasa kanan ko siya habang ang malanding si Evan naman ang nasa kaliwa ko. Ang malas naman. Nakatabi ko pa ang malanding 'to.

Umupo na ang lahat sa kaniya kaniya nilang upuan at bago kami kumain, sinabi ni Hanwie na magdasal muna kaya no choice ang mga kaklase kong lalaki kundi ipikit ang mata at magdasal kunyari. Eh mga demonyo 'yang mga 'yan eh. Imposibleng magdasal 'yan ng hindi pakitang tao.

Napatingin ako kay Kenrick ng hainan niya ng kanin si Eula sa plato. Naghiyawan naman ang ibang mga kaklase ko dahil sa ka-sweet-an ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit napa 'tss' ako ng wala sa oras.

"Hala, kaya ko naman Kenrick.." Sabi ni Eula at namumula na. "Atsaka hindi pa okay 'yung daliri mo."

"Okay na 'to, nagamot na eh." Sagot naman ni Kenrick. Hindi ko alam kung bakit napatingin siya sakin. Bakit niya ako tinitignan? Hindi naman ako ang gumamot sa daliri niya?

"Hehe, basta sa susunod mag-iingat ka na." Huling sabi ni Eula. Tinanguan lang siya ni Kenrick bago inalis ang tingin sakin at nagsimula ng kumain.

"Ang sweet niyo naman." Maya-maya'y sabi ni Bernazae habang ngumunguyang nakatingin kay Kenrick at Eula. "Kaso walang label."

Dahil sa sinabing 'yon ni Bernazae, napahagalpak ng tawa ang ibang kaklase namin habang kumakain. Nakita ko ring napangisi si Sean sa gilid ko habang sumusubo siya ng pagkain.

"Hindi pa naman kasi ako ready mag boyfriend." Napapahiyang sabi ni Eula at yumuko nalang para kumain.

"Ang sarap pala magluto ni Katrine." Biglang sabi ni Rodell para maiba ang topic. "This is the best delicious adobo that I've taste so far."

"Wow, english!" Natatawang sabi ni Martin. "Grabe ka, Katrine. Napa-english si Rodell dahil sa luto mo."

Natawa ako, "Normal lang 'yan."

"Ang yabang." Rinig kong sabi ni Catriona. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na pinansin. Ayoko ng patulan ang babaeng 'to. Insecure lang siya kasi cute na 'ko, magaling pa magluto.

"Ang sarap nga, Katrine. Paano ka natuto magluto?" Tanong ni Hanwie.

"Kay Mama. Sabi kasi niya kailangan ko daw matuto magluto kasi kakailanganin ko ito kapag ako nalang mag-isa sa buhay at kapag nagkaroon na 'ko ng asawa." Nakangiting sagot ko.

"Sana all." Sabi ni Alice.

"Matututo rin kayo basta mag-pursigi lang kayo." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Napatingin ako kay Evan na titig na titig sakin habang nakangiti.

Parang tanga.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ikaw na yata 'yung 'the one' ko. Gusto ko kasi sa babae 'yung marunong magluto. Gusto na yata kita, Katrine." Nakangiting sabi ni Evan. Naghiyawan nanaman ang mga kaklase naming nandito. Napanganga ako sa sinabi ni Evan.

"Yieee!" Sabi pa nila at kinakalansing ang kutsara sa baso. Tae kayo.

Napatingin ako kay Kenrick at nakita kong seryoso ang tingin niya sa kaniyang plato habang nagtatagis ang panga. Kumunot bigla ang noo ko. Bakit ganyan ang reaksyon niya?

"Katrine," Napatingin ako kay Evan. Nakangiti parin siya sakin at inaantay ang sagot ko. Sige, push mo 'yan Evan. Landiin mo lang ako hanggang mabadtrip ako!

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon