Chapter 19

65 3 0
                                    

CHAPTER NINETEEN


Pumasok ako ng wala sa sarili. Naiisip ko parin kasi 'yung nangyari kagabi. Iniisip ko si Sean. Iniisip ko kung ano na ang nangyari sakaniya. Halos di ako makatulog kagabi kakaisip. Nag-aalala talaga ako sakaniya. Ilang text narin ang pinadala ko sakaniya pero walang reply. Sinubukan ko narin siyang tawagan pero di sumasagot.

"Katrine, kulang ka ba sa tulog?" Napatingin ako sa harap ko ng magsalita si Bernazae. Nakatitig na pala siya sa mukha ko at mukhang sinusuri ang mata ko.

"Medyo." Sagot ko. Ilang sandali akong nanahimik hanggang sa nagtanong na ako kay Bernazae. "Hindi parin ba pumapasok si Sean? Third subject na wala parin siya.."

"Ewan ko, hindi na yata papasok 'yun ngayon. Super late na siya." Sagot niya. "Nakakagulat nga eh. First time niyang umabsent ngayong quarter."

"Ah.." Iyon nalang ang naisagot ko kay Bernazae at tinignan ang cellphone ko. Nagbabakasakali na tumawag si Sean sa akin pero wala. Nag-aalala talaga ako. Kaibigan ko si Sean at normal lang na mag-alala ako sakaniya. Hindi ko kayang nakikitang namomroblema ang kaibigan ko. Maski si Kenrick, Jared o Evan man 'yan. Mag-aalala parin ako kung sakanila mangyari ang sitwasyon ni Sean.

Mabilis lang ang oras at dissmissal na. Talagang hindi pumasok si Sean ngayon. Pero sana bukas pumasok na siya. Hindi ako mapakali kapag naiisip kong nasa mansion siya kasama 'yung demonyo niyang tatay. Wala akong tiwala dun.

"Katrine, sabay na tayo." Sabi ni Jared sakin. Tumango nalang ako at hinanap si Kenrick. Nakita ko namang kasama niya si Eula kaya napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko rin nakalimutan 'yung paghalik niya sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya 'yon. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung may something ba sa halik na 'yon o wala. Hanggang ngayon din iniisip ko parin kung sila na ba ni Eula. Kasi parang nagbibigay siya ng motibo sakin? Feeling ko may hindi siya sinasabi sakin.

Pinilig ko nalang ang ulo ko sa mga iniisip.

"May sundo ako, Katrine. Sabay kana samin." Sabi ni Jared. Tumango nalang ako. Mabuti na rin 'tong makisabay ako kay Jared para libre pamasahe. Sayang naman kasi ang pamasahe sa tricycle. Sayang otso pesos mga boi.

Pinapasok niya ako backseat at tinabihan niya naman ako doon.

"Jared," Pagtawag ko sakaniya.

"Hm?"

"Tingin mo, ano na kayang ginagawa ngayon ni Sean?" Tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko at ilang sandali akong tinignan. "Siguro.. nagbabasa ng libro? Oo, tama. Nagbabasa siguro siya buong araw kaya absent."

Ngumisi ako ng mapakla at sinubukang pagaanin ang pag-uusap namin. "Oo, siguro nga."

Hindi na siya nakapagsalita pa. Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Jared. Hanggang sa makarating ako sa amin ng maayos.

"Thank you, Jared. Ingat kayo." Sabi ko at kumaway. Tinanguan lang ako ni Jared at pumasok na ulit sa loob ng kotse. Umandar na ito at ng makalayo na ito sakin, naglakad na ako papuntang bahay. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko si Mama na nagluluto.

"Nandito na po ako, Ma." Sabi ko at nilapag ang aking bag sa sofa.

"Oh bakit parang ang tamlay mo?" Puna ni Mama.

"Hindi ako matamlay, Ma."

"Sus! Kahit di mo sabihin, alam ko!" Sabi ni Mama at nilapag ang hawak niyang sandok. Linapitan niya ako at kinapa ang aking leeg at noo. "Wala ka namang sakit. May nangyari bang masama sayo?"

"Wala po."

"Yung totoo?"

"Wala nga po, Ma." Sabi ko at ngumisi.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon