Chapter 24

54 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR


Bumuhos ang luha ko habang nakatitig sakanila. Hindi ako makagalaw ng maayos at hindi rin ako makalakad dahil naestatwa ako sakanilang dalawa. Bahagyang tinulak ni Kenrick si Eula ng mapansin ako.

"Katrine..." Linapitan ako ni Kenrick pero umatras ako. Umiling iling ako bago sila tinalikuran. Kahit mataas ang takong ng sandals ko, pinilit kong tumakbo. Natatapilok ako kaya mabilis kong hinubad ang sandals ko at doon ako nakatakbo ng diretso. Hindi ko binalikan si Mama. Mas pinili kong makalayo sa pinangyarihang pageant.

Kumikirot ang dibdib ko at namamanhid sa sakit. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko habang tumatakbo. May ilang nakakakita sakin pero di ko sila pinansin. Nang makalayo ako doon, huminto ako at umupo sa lumang kahoy na upuan na nahintuan ko. Doon ako napahagulhol ng iyak.

Sobrang sakit.

Sobrang sakit makitang nasa ganoong posisyon si Kenrick at Eula. May parte sakin na ayaw makita 'yon at may parte saking nasasaktan kapag nakikita 'yon. Nagagalit ako sa di malamang dahilan. Nagagalit ako, naiinis at nasasaktan!

Dapat masaya ako dahil nanalo ako sa pageant pero shit. Dahil lang sa natuklasan ko kanina sa CR ay nawala lahat ng saya ko! Napalitan ng sakit. Sobrang sakit, tangina! Ang sakit sakit.

Napahawak ako sa dibdib ko habang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko. Ang sakit eh. Siguro nga tama ang hinala ko. Kaya ako nasasaktan ngayon dahil may feelings na ako para sa bestfriend ko. May gusto na ko kay Kenrick. Nagsisimula na akong mahulog. At masakit para sakin dahil saming dalawa, ang puso ko lang yata ang nalalagay sa piligro.

Ang tanga ko kasi ngayon ko lang nalaman. Lagi kong tinatanggi na wala akong gusto kay Kenrick pero ang totoo, gusto ko siya. Humantong pa sa oras na gusto kong ipagdamot siya sa iba. Gustong gusto ko si Kenrick at ang tanga ko kasi ngayon ko lang nalaman! Dapat noon pa dahil alam kong tumitibok na itong puso para sakaniya! Masyado akong naging in denial. Hindi ko pinakinggan ang puso ko! At ngayon, ako lang ang nahuhulog. Ako lang ang nagkakagusto sakaniya. At masakit para sakin 'yon. Sobrang sakit.

"Katrine!" Lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses niya. Luminga linga siya sa paligid at ng makita niya ako nag-igting ang panga niya.

Lumapit siya sakin at hinigit ang pulsuhan ko. Mabilis kong binawi ang pulsuhan ko sa kamay niya. Nagdikit lang ang balat naming dalawa, para na akong kinukuryente.

"Tara na. Ihahatid na kita sainyo." Walang emosyong tugon niya.

Umiling ako, "Ayoko."

Nagkasalubong ang kilay niya at tinignan ako. Nagtama ang paningin namin. Nanlaki ang mata niya ng makitang bumuhos na naman ang luha ko.

Lumapit siya sakin at hahawakan sana ako pero umatras ako.

"U-Umalis ka sa harap ko," Madiing sambit ko pero nanginginig. Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sakin na may halong pagtataka.

"Katrine..." Usal niya.

"Umalis ka na! Pabayaan mo nalang ako!" Sigaw ko at kamuntikan pang pumiyok dahil sa pagbuhos ng luha ko.

"Katrine... bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya.

Matabang akong ngumisi, "Kapag sinabi ko ba ang dahilan may magagawa ka?"

Hindi siya nakasagot. Nag-igting ang panga niya habang nakatitig sakin.

"Lubayan mo na ko. Umalis ka na!" Sabi ko at pinagtatabuyan siya.

Love Maze (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat