Chapter 18

65 1 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"P-Paano mo nalamang maglalayas ako?" Nanginginig na tanong ni Sean sa kaniyang ama. Ngumisi lamang ito at tinignan kami isa isa. Nanigas ako ng magtama ang paningin naming dalawa. Sakin na ngayon nakatutok ang mata niya habang nakangisi.

"You look familiar, hija." Hindi niya sinagot ang tanong ni Sean dahil nasa akin na ngayon ang atensyon niya.

"Huwag mo siyang kausapin!" Nagulat ako sa sinabi ni Kenrick. Hinawakan nito ang kamay ko at nilagay sakaniyang likod para hindi ako makita ng ama ni Sean.

Narinig kong humalakhak ang matanda, "Sorry, akala ko girlfriend siya ng anak ko. Tsaka familiar din ang itsura niya. Parang may kamukha siyang kilala ko."

"Hindi namin tinatanong." Matapang na sabi ni Kenrick at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"U-Umalis na tayo rito.." Bulong ko sa likod ni Kenrick. Hindi ko na kaya pang magtagal dito. Sorry pero hindi mapagkakatiwalaan ang tatay ni Sean. Feeling ko may mangyayaring masama kung magtatagal pa kami dito.

Pinisil ni Kenrick ang kamay ko. "Hindi po kami nangingialam sa away niyo ng anak niyo pero pag-usapan niyo 'yan."

Tinignan ko si Sean at nakita kong nag-igting ang panga niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ako sa mansion na 'to." Sabi ni Sean sa kaniyang ama. Nanatili namang nakangisi ang matanda. Hindi talaga matanggal ang ngisi sa labi niya.

"Hindi ka aalis ng mansion, anak. Kung aalis ka man, ipapadala nalang kita sa Canada kasama ng kapatid mo para parehas kayong magtanda." Sabi ng ama ni Sean at hinawakan na naman ang kaniyang baril. Napasinghap kaming lahat ng itutok niya ito kay Sean.

Tangina!

"Aalis ka ng mansion o ipapadala kita sa Canada kasama ang kapatid mo?" Tanong nito kay Sean habang nakatutok parin ang baril sakaniyang anak.

Hindi ako makapaniwala sa mga natutuklasan ko ngayon. May ganito pala talaga sa totoong buhay? Akala ko sa pelikula lang ang lahat ng ito. Hindi ko alam na kayang tutukan ng baril ng ama niya ang kaniyang anak.

"Mag-usap tayo, paalisin mo lang ang mga kaibigan ko.." Nanginginig na sagot ni Sean sakaniyang ama. Mukhang takot na takot na siya ngayon. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa dahil ako takot na rin.

"Okay.. madali naman akong kausap." Sagot ng kaniyang ama. "Albert!"

May dumating na isang lalaki na naka black suit. "Yes boss?"

"Ihatid mo ang mga kaibigan ng anak ko sa kani-kanilang bahay. Iuwi mo sila ng ligtas." Sabi ng ama ni Sean sa lalaking nagngangalang Albert.

"Yes boss." Sabi naman nung Albert at hinarap kami. "Sumunod kayo sakin."

"P-Pano si Sean?" Rinig kong bulong ni Jared. Hindi na ako nakapagsalita pa. Palpak ang plano namin. Hindi namin natulungan si Sean. Mas lalo lang naming pinalala ang sitwasyon.

Nakakapanlumo. Feeling ko kasalanan ko ang nangyayari ngayon kay Sean. Wala man lang kaming ginawa para maitakas siya sa impyerno niyang buhay.

Pinasakay kami nung Albert sa kotse at siya ang nagmaneho. Ibinaba kami nito sa restaurant malapit sa aming bahay. Iniisip ko pa kung ibaba niya talaga kami sa kaniya kaniya naming bahay ng hindi namin sinasabi ang address pero hindi pala. May itatanong pa sana ako sa Albert na 'yun kaso nagmamadali ng umalis.

Sabay sabay kaming napabuga ng malakas na hangin ng makalayo ang kotseng naghatid samin. Para kaming nabunutan ng tinik pero hindi maikakaila na nag-aalala kami para sa sitwasyon ni Sean. Sobra akong naaawa kay Sean. Akala ko maayos ang buhay niya tulad namin pero hindi pala. Hindi biro ang pinagdadaanan niya ngayon. Nasa palad siya ng demonyo niyang tatay.

"Ayos ka lang ba, Katrine?" Tanong sakin ni Kenrick. Hawak hawak niya parin ang kamay ko at parang walang balak na bitawan.

Dahan dahan akong tumango. "P-Pero si Sean.. nag-aalala ako sakaniya.."

"Isumbong na kaya natin sa pulis?" Tanong ni Jared. Napatitig ako sakaniya at sasang-ayon sana kaso nagsalita si Kenrick.

"Hindi ganun kadali 'yon, Jared. Baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon." Seryosong sabi nito. "Mayaman sila Sean at alam kong gagawa ng paraan ang tatay niya para hindi maniwala satin ang mga pulis. At kahit na hindi natin sabihin ang natuklasan natin, alam kong kukuha ng bagong tauhan ang demonyong 'yon para pabantayan ang kilos nating tatlo."

Hindi kami nakapagsalita ni Jared sa sinabi ni Kenrick.

Tama siya, gagawa at gagawa nga ng paraan ang tatay ni Sean para hindi maniwala samin ang mga pulis. Baka makipagsabwatan pa ang mga ito sakaniya dahil sa pera. Tanginaaaa.

"Umuwi na lang muna tayo.. alam kong nag-aalala na ang mga magulang natin." Sabi ni Kenrick na ikinatango namin ni Jared. Gustong gusto naming may gawin para matulungan si Sean pero hindi namin magawa dahil baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Ayaw na naming palakihin ang gulo. Baka may masaktan pa kapag nangyari 'yon.

"Darating na ang sundo ko, sakin na kayo sumabay. Madadaanan rin naman natin ang bahay niyo." Sabi ni Jared. Tanging tango lang ang tinugon namin ni Kenrick. Natahimik na naman kami at hinintay ang susundo kay Jared.

Iniisip ko parin ang pangyayari kanina. Parang lahat ng nangyari kanina ay buong buo parin sa isipan ko. Hindi nawala kahit isang detalye.

"Sumakay na kayo.." Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Jared. Mabilis kaming sumakay ni Kenrick sa kotse nila Jared at pinaandar na ito.

Mabilis kaming nakarating sa bahay namin. Bumaba na kami ni Kenrick sa kotse nila Jared at nagpaalam. Hawak hawak parin ni Kenrick ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa pinto ng bahay namin nila Mama't Papa.

"Are you okay?" Tanong niya at pinisil ang aking kamay. Napatingin ako do'n tsaka inangat ang tingin sakaniyang mata.

"N-Natatakot ako para kay Sean.." Mahinang sabi ko.

Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Diretso niya akong tinitigan sa magkabilang mata at tipid akong nginitian.

"Malakas si Sean. Alam kong walang mangyayaring masama sa kaniya. Ipagdasal nalang natin na maging maayos na sila ng tatay niya." Sabi niya habang nakatitig sa mata ko. "Wag mo na munang isipin ang nangyari ngayon. Magiging maayos rin ang lahat."

Dahan dahan nalang akong tumango.

"Pumasok ka na sa loob, malamig na dito sa labas." Sabi niya.

"P-Paano ka?"

"Uuwi na 'ko. Malapit lang naman ang bahay ko rito."

"I mean.. masyado ng madilim. Baka mapano ka sa daan." Mahinang sabi ko at umiwas ng tingin.

Nakita ng gilid ng mata ko na ngumiti siya, "Lagi naman akong ginagabi sa pag-uwi pero ngayon ka lang nag-alala sakin."

Napalunok ako, "S-Sige umalis ka na.."

Nakita kong ngumisi siya at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Natakot ako kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag sayo natutok ang baril o nadaplisan ka ng baril. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo at hindi kita naprotektahan."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Ang lahat ng takot na naramdaman ko ngayon ay nalusaw. Feeling ko safe na ako dahil nandito si Kenrick.

Hinagod niya ang buhok ko at ang sarap nun sa pakiramdam.

"Poprotektahan kita kahit ano man ang mangyari, Katrine. Hindi ako papayag na mapahamak ka. Lagi lang akong nasa tabi mo kahit buhay pa ang kapalit." Dagdag niya at hinarap ako. Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo.

First time niyang ginawa sakin 'yon. Anong ibig sabihin nun?

"Kenrick.."

"Pasok ka na sa loob. Goodnight." Huling sabi nito at iniwan akong nakatulala sa kawalan.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now