Chapter 45

42 2 2
                                    

CHAPTER FOURTY FIVE


Lumipas ang ilang araw simula ng malaman namin ni Catriona na buntis si Eula. Halo halo ang naging emosyon namin. Umuwi kami ni Catriona nun ng hindi nagsasalita. Parehas kaming blangko ang nasa isip at hindi namin alam kung ano ang sasabihin o gagawin namin sa mga oras na 'yon.

"Katrine, sa wednesday na ang moving up natin excited kana ba?" Tanong sakin ni Catriona. Linggo ngayon at nandito ako ngayon sakanila. Wala daw ang mommy niya dahil may business trip daw.

Bumuntong hininga ako, "Hindi ko alam. Naiisip ko parin kasi si Eula. Buntis siya at si Kenrick pa ang ama ng pinagbubuntis niya. Hindi ko alam kung bakit nawawalan ako ng gana."

Napabuntong hininga din siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Katrine, bakit iniisip mo parin 'yun? Wala na kayo ni Kenrick. Tapos na kayo kaya hindi kana dapat apektado sa mga nalaman mo." Sabi niya sakin bago kinuha ang juice na nasa glass table at ininom.

Napabuntong hininga ulit ako at uminom din ng juice. "I know pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan isipin 'yun."

"Wag mo ng isipin 'yon, Katrine. Ang isipin mo ngayon ay si Jared. May date pa kayo right?" Sabi ni Catriona kaya bigla akong nagulat. Oo nga pala!

"Hala, muntik ko ng makalimutan! Anong oras na ba?" Tanong ko.

"Alas tres na." Sagot niya. Nanlaki ang mata ko. Kailangan ko ng magpaalam kay Catriona. May date kami ni Jared ng 3:30 eh. Bigla niya kasi akong inaya kaya pumayag nalang din ako kasi wala din naman akong ginagawa sa bahay.

"Kailangan ko ng umalis, Cat." Paalam ko sakaniya at tumayo na.

"Sige, enjoy your date." Nakangiting sabi niya sakin. Napangiti nalang din ako. Hinatid ako ni Catriona sa pinto ng bahay nila. Nag-text muna ako kay Jared at tinanong kung nasan na siya maya maya'y bigla itong tumawag.

"Jared, nanjan ka pa ba sa bahay niyo?" Biglang tanong ko.

"Where are you?"

"Nandito kila Catriona. Pero paalis na ako." Sagot ko.

"I'll fetch you. Antayin mo nalang muna ako jan."

"Okay sige. Ingat sa byahe." Sabi ko habang nakangiti. Nakita kong tinawanan ako ni Catriona. Napairap lang ako sakaniya.

"Sige, bye iloveyou."

"Sige." Iyon nalang ang huli kong sinabi bago pinatay ang tawag. Narinig ko na naman ang tawa ni Catriona. Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit?"

"Bakit walang 'I love you too' 'yon?" Natatawang tanong niya.

Napairap ako, "Ayokong mag I love you sakaniya dahil hindi pa naman kami."

"Kailan mo ba siya balak sagutin? Ilang buwan narin yun nanliligaw sayo. Don't tell me, papaasahin mo lang si Jared?"

"H-Hindi 'no," Bigla akong nautal sa sagot. "Naghahanap lang ako ng tamang oras kung kailan ko siya sasagutin."

Napangisi at napailing iling si Catriona, "Sus tamang oras pang nalalaman. Daming alam. Hahahaha."

"Tigilan mo 'ko, Catriona." Sabi ko nalang pero natatawa na din.

"Pero ito Katrine, matinong tanong 'to. Sagutin mo ng maayos ha?"

"Okay."

"Mahal mo pa ba si Kenrick?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong ni Catriona. Napatulala ako sa mukha niya at ilang beses napalunok.

"Uhm—"

"Katrine, let's go!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Jared. Nasa loob siya ng kotse na medyo may kalayuan samin ni Catriona.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now