Chapter 9.2

66 1 0
                                    

CHAPTER NINE POINT TWO


Alas singko na at malapit ng dumilim. Hindi parin tapos ang pinapanood naming movie. Last na daw ito sabi ni Hanwie dahil may sunod daw kaming gagawin pagkatapos nito. Nanatili parin ako sa tabi ni Jared. Pagkatapos ng nangyari kanina, hindi na ako nagsalita pa. Tinanong nila ako kanina kung ayos lang ba ako, ngumiti lang ako sakanila at sinabing ayos lang ako. Kabobohan ko lang talaga kaya na-lock ng kusa ang pinto sa CR.

Naisip ko naman bigla na wala pa kaming ulam pang gabihan kaya tumayo ako para magluto pero nagulat ako ng hawakan ni Jared ang kamay ko.

"Baka kung saan ka na naman pumunta. Hindi mo kabisado rito." Seryosong sabi niya.

"Magluluto lang ako, Jared. Alam ko kung saan ang kusina."

"Edi samahan na kita. Baka mawala ka na naman at mapunta sa iba tulad ng nangyari kanina." Seryosong sabi nito at nag-igting pa ang panga.

"Hindi na, Jared. 'Wag kang OA diyan. Magluluto lang ako. Di na ko mawawala, promise." Sabi ko para tigilan na niya ko pero ang loko tumayo narin habang hawak hawak ang kamay ko.

"Saan kayo pupunta ni Katrine, pre?" Napatayo narin si Kenrick. Napansin kong pati si Sean at Evan ay nakatayo narin para alamin kung saan ako dadalhin ni Jared. Kanina pa sila ganyan. Bawat galaw ko nakatutok sa mata nila. Akala ba nila makukulong ulit ako sa CR? Hindi na uy! Hindi na ako magiging bobita ngayon.

"Oh-Oh." Rinig kong sabi ni Martin habang nakatingin narin sa apat na lalaking nakatayo kasama ko.

"Ang haba ng hair mo, Katrine. Abot rito sa inuupuan ko." Natatawang sabi ni Rodell. Lahat sila ay sa amin na nakatutok. Pansin ko ang pag-iiba ng ekspresyon ni Eula dahil sa nakikita. Inis ang namuot sa mukha niya at alam kong para sakin ang inis na 'yon.

"Let her to be with Jared, Kenrick." Malambing na sabi ni Eula. Hindi naman siya nito pinansin. Nanatiling diretso ang tingin ni Kenrick kay Jared at mukhang sasapakin na. Ganun rin si Evan. Si Sean naman, blangko lang ang ekspresyon habang nakatingin sakin.

Nakita kong napangisi si Bernazae, "Four boys over one girl. Damn."

Napalunok ako. "M-Magluluto lang ako. Dito lang kayong lahat sa sala."

"Sasama ako!" Nagulat ako ng sabay sabay 'yong sabihin ng apat. Napa-face palm nalang ako sakanila. Kahit kailan talaga ang sakit nila sa ulo. Ano bang problema nila? Parang sa kusina lang naman kailangan pa ng kasama?

"Dito lang kayo boys," Biglang sabi ni Hanwie. Thanks for her.

Sabay sabay nangunot ang noo ng apat tsaka tumingin kay Hanwie. Tumaas lang ang kilay ni Hanwie sakanila.

"Magluluto lang si Katrine. Ano bang problema niyong apat? Bawat galaw ba ni Katrine kailangan nandun kayo? Ganun niyo ba siya kagusto?" Napaawang ang bibig nilang apat sa sinabi ni Hanwie.

"Wala akong gusto sakaniya!" Sabay sabay namang sabi ng apat.

"Oh, wala pala eh. Bakit ganyan kayo makadikit sakaniya?"

Hindi nakasagot ang apat sa sinabi ni Hanwie. Naramdaman kong napakalas ng hawak sakin si Jared. Bumuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa kusina. Bumuntong hininga ulit ako ng makarating ako rito sa kusina at napasandal sa dingding. Napahawak ako sa dibdib ko at feeling ko sobrang init ng pisngi ko sa sobrang hiya. Nakakahiya 'yung eksena kanina. Kainis naman. Ang sakit sa ulo ng apat na 'yun. Hindi ko maintindihan ang problema nila sakin.

"Ang haba ng hair mo, girl." Napatalon ako sa gulat ng makita si Bernazae na naghuhugas ng kamay sa lababo. Tumingin siya sakin na may malapad na ngisi. "Akalain mo 'yun, apat na lalaki ang nadekwat mo? Sana all."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now