Chapter 50

72 1 0
                                    

CHAPTER FIFTY


Kinabukasan, sinundo ako ni Kenrick dito sa bahay dahil ngayon namin imi-meet si Eula. Dumiretso kami sa lugar na tinext samin ni Eula at nakita namin siya doon. Sa isang restaurant niya kami ni-meet.

"Anong gusto mong pagusapan?" Tanong agad ni Kenrick pagkaupo namin.

Ngumisi si Eula ngunit sumeryoso agad, "I'm really sorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko sainyo. Nabulag ako dahil sa pagmamahal ko kay Kenrick. I'm really sorry."

Tinignan ako ni Kenrick ngumiti ako sakaniya at hinawakan siya sa kamay. Binalik ko ang tingin kay Eula at ngumiti din ng napakalapad.

"Papatawarin ka namin kung ipapangako mo na hindi mo na uulitin ang ginawa mong kasalanan sa amin." Sabi ko.

Ilang sandali akong tinitigan ni Eula bago ngumiti, "I promised hindi kona uulitin yon. Magbabago na 'ko. And kahit na may gusto pa din ako kay Kenrick, hindi kona kayo guguluhin. Masaya ako para sainyo at magsisimula na akong mag move on."

Napangiti ako. "Thank you. At patawad na din kung may nagawa kaming mali sayo."

"Eula," Napatingin kami kay Kenrick ng magsalita siya. "I'm sorry kung nagamit kita noon para pagselosin si Katrine. Hindi ko sinasadya. I'm really sorry."

Ngumiti ng malapad si Eula, "You already forgive me so I need to forgive you too. At alam ko na ako naman talaga ang may kasalanan rito."

"So maayos na tayo ha? Sana wala ng gulo pa ang mamagitan sa atin, Eula." Sagot ko.

"Oo naman at masaya ako na nagkaayos na tayo. I hope we can be friends?"

"Of course. Pwedeng pwede." Sagot ko.

Ayun ang huli naming paguusap kay Eula. Dumiretso kami ni Kenrick sa bahay nila. Wala daw roon ang kaniyang mga magulang dahil may trabaho. Papasok palang kami ni Kenrick sa gate ng bahay nila ng may maaninag akong isang lalaki sa gilid mukhang naghihintay.

"Sino 'yun, Kenrick?" Tanong ko at tinuro ang lalaki sa gilid ng gate nila Kenrick. Nakatalikod ang lalaki at mukhang kanina pa naghihintay.

"Looks familiar." Sagot ni Kenrick. Linapitan namin ang lalaki at nagulat kami ng makita kung sino ito.

"Jared?" Gulat na pagtawag ko. Mabilis nito kaming nilingon. Hinawakan agad ni Kenrick ang kamay ko at napatingin naman doon si Jared ngunit mabilis din niyang iniwas doon ang kaniyang tingin.

Ngumiti siya ng mapakla, "Ahm pwede ko ba kayo makausap?"

Nagkatinginan kami ni Kenrick. Umiling iling sakin si Kenrick ngunit nginitian ko lang siya. Tinignan ko ulit si Jared at bumuntong hininga.

"Okay sige, sabihin mo na ngayon kung anong gusto mong sabihin." Sabi ko. Narinig kong napa-singhal si Kenrick.

"Puro kasinungalingan lang sasabihin niyang kupal na 'yan." Bulong ni Kenrick sakin. Tinignan ko siya ng masama.

"Bigyan natin siya ng pagkakataon magsalita, Kenrick. Si Eula nga diba pinatawad natin? Ipagkakait ba natin 'yun kay Jared?"

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon