Chapter 43

54 1 1
                                    

CHAPTER FOURTY THREE


Ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang exam namin. Nandito na kaming lahat sa classroom at inaantay nalang namin ang aming adviser. One seat apart din naka-arrange ang upuan namin upang iwas kopyahan kapag oras na ng exam.

Ang malas ko lang dahil nasa likod ko si Evan. Alam kong magtatanong at magtatanong 'to sakin kung ano ang sagot. Palibhasa hindi nagreview kaya sakin na naman aasa ang isang to.

"Katrine," Mariin akong napapikit ng tawagin ni Evan ang pangalan ko. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Ano?"

Ngumisi siya, "Pakopya ha? Balita ko sabay kayo nag-review ni Jared kagabi. Kayo ha!"

Tinignan ko siya ng masama, "Tigilan mo nga ako, Evan. Tsaka kay Xiela ka kumopya. Matalino 'yang girlfriend mo."

Umirap siya. "Ayoko. Magsama sila nung asungot na 'yon."

Bigla akong natawa dahil sa reaksyon niya. Hinanap ng mata ko si Xiela at nakita kong katabi nito si Martin at mukhang parehas silang nagrereview.

Mas lalo akong natawa, "Selos ka naman!"

"Tss. Malamang girlfriend ko 'yan, ang tanga ko naman kung di ako magseselos na ganyan sila kalapit ng Martin na 'yan."

Tinignan ko ulit sila Xiela at may naisip akong gawin, "Xiela!"

Nagulat si Evan ng bigla kong tawagin si Xiela.

"Hoy, 'wag mo ng tawagin!" Bulyaw sakin ni Evan. Tumawa lang ako ag nakita kong napatingin samin si Xiela ng nakakunot ang noo.

"Nagseselos boyfriend mo!" Sabi ko at tumawa ng malakas. Narinig din 'yon ng iba kong kaklase kaya nagsitinginan sila kay Evan at bigla silang tumawa.

"Ha?" Naguguluhang sabi ni Xiela habang nakatingin kay Evan. Ang sama na ng timpla ng mukha ni Evan sakin. Tumatawa lang ako at hinarap na ulit sa board ang paningin.

Bigla akong napasulyap sa gilid ko at nakita ko si Jared na seryosong nagtitipa sa kaniyang cellphone. Tatawagin ko sana siya kaso pumasok na si ma'am ng classroom. Mabilis na sinuksok ni Jared ang kaniyang phone sa kaniyang bag. Nang mapansin niyang nakatingin ako sakaniya bigla siyang napatingin sakin. Kumunot ang noo niya pero maya maya'y ngumiti rin. Sinenyasan niya ako gamit ang bibig niya ng "goodluck". Napangiti nalang din ako at tumango.

"Good morning, class!" Bati ni ma'am kaya nag-good morning din kaming lahat. "Okay so this is your final examination for the whole school year. Take it seriously, okay? Wag niyo basta basta hulaan 'tong exam niyo. Kung nag-review kayo masasagutan niyo ang mga tanong nito. Goodluck!"

Nag-distribute na ng questionnaire at answer sheet. Nang matanggap ko 'yon nagsimula na akong magbasa at magsagot.

Isang oras din ang tinagal kada isang subject ang oras ng pagsasagot namin. May times na nahihirapan na kami at patago ng nag-aabutan at nagbubulungan ng sagot ang mga kaklase ko.

"Okay pass your papers now!" Sabi ni Ma'am kaya tumayo na ako at binigay kay Ma'am ang test paper at answer sheet ko.

Break time na kaya hinayaan muna kami ni Ma'am na lumabas para kumain. Hinanap ko si Jared at lumapit ako sakaniya ng makita siya sakaniyang silya.

"Jared, tara magbreak na tayo." Sabi ko.

Tumawa siya, "Hindi pa nga nagiging tayo tas break agad?"

Natawa din ako. "Hahaha loko!"

"Tara," Natatawang sabi niya at inakbayan ako. Natigilan tuloy ako dahil don pero hinayaan ko nalang siya. Habang naglalakad kami papuntang canteen, tumunog ang cellphone ni Jared. Huminto siya at inalis ang pagkakaakbay sakin bago tinignan kung sinong tumawag. Sisilip sana ako kaso bigla siyang lumayo sakin. Napakunot tuloy ang noo ko.

Love Maze (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant