Chapter 20

57 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Dumating na naman ang panibagong araw at hindi na naman pumasok ng klase si Sean. Dalawang araw na siyang hindi pumapasok. Hindi parin siya nagre-reply o tumatawag. Kapag nakita ko talaga 'yun si Sean, kakaltukan ko 'yun. Masyado na niya akong pinag-aalala.

"Bakit kaya hindi parin pumapasok si Sean?" Tanong ni Jared sa harap ko habang kumakain kami dito sa Canteen. Nagkibit balikat lang ako dahil maski ako ay hindi alam ang isasagot sakaniya.

"Hey! Na-miss ko kayo!" Napaangat ang tingin ko sa lalaking dumating sa table namin ni Jared. Si Evan. Napasimangot ako bigla ng makita siya. Akala niya siguro nakalimutan ko na 'yung napahiya ako sa classroom dahil sakanilang dalawa ni Xiela.

Umupo siya sa tabi ni Jared at tumingin sakin ng nakangiti. Inirapan ko lang siya. Baliw na ang lokong 'to.

"Oh teka? Bakit kulang tayo? Nasaan si Kenrick at Sean?" Tanong niya.

Si Jared ang sumagot, "Si Kenrick kasama si Eula. Si Sean..."

Kumunot ang noo ni Evan. "Si Sean? Nasaan?"

"Nagbabasa ng libro!" Sagot ni Jared at biglang tumawa. Natawa lang rin si Evan pero mukhang hindi nakumbinsi.

"Wag mo akong pinaglololoko! Dalawang araw na 'yun hindi pumapasok. Alam kong alam niyo kung nasaan 'yun. Kayo ang magkakasama nitong mga nakaraang araw." Sabi ni Evan at biglang dumako ang tingin sakin.

"N-Nasa bahay nila." Sabi ko nalang at binaba ang tingin sa aking pagkain.

Buti nalang at hindi na nangulit sakin si Evan dahil alam kong nararamdaman niyang wala ako sa mood makipag-kulitan sakaniya. Linagok ko na lang ang yakult na hawak ko at biglang napadako ang tingin sa dalawang taong kakapasok lang ng canteen. Si Eula at Kenrick.

Sinabi sakin ni Kenrick na hindi pa sila ni Eula pero bakit parang umaakto sila na mag-jowa? Ano ba talagang meron sakanila?

Parang kinurot ang puso ko ng makita silang nagngingitian habang bumibili ng kanilang pagkain. Napahugot nalang ako ng malalim na hininga bago binalik ang tingin sa pagkain.

"Sana pumasok na si Sean," Wala sa sariling sambit ko. Naramdaman ko ang titig sakin ni Evan at Jared. Parehas na nangunot ang noo nila sakin.

"Miss mo na ba siya?" Tanong ni Jared. Tinignan ko siya at biglang nagkasalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya.

"Syempre naman tsaka nag-aalala rin ako." 'Yon nalang ang sinagot ko.

"May gusto ka ba sakaniya?" Bigla akong nasamid sa tanong ni Evan. Kakatanong lang din niyan sakin ni Kenrick kagabi. Pati ba naman siya?

Nag-aalala lang ako kay Sean. 'Yun lang 'yon. Atsaka kaibigan lang ang tingin ko kay Sean. Hindi ko siya binigyan ng malisya dahil matalik ko siyang kaibigan. Kaya nung umamin siya sakin nung nag-overnight kami, sobra talaga ang gulat ko. Hindi ko inakala na may gusto sakin si Sean. Isama pa natin 'yung dalawa, si Jared at si Evan. Pero di ko alam kung totoo ba 'yung feelings sakin ni Evan dahil may Xiela na siya. Pero kahit ganon, inisip kong magkakaibigan parin kami. Tropa parin tulad ng dati.

"Wala akong gusto sakaniya," Sagot ko kay Evan dahilan para makahinga siya maluwag.

"Buti naman." Sabi niya at ngumisi.

Naningkit ang mata ko, "Ikaw, hindi mo na ako maloloko. Kung si Xiela ang gusto mo then fine, kay Xiela kana. Ang sakin lang, 'wag mong paglaruan ang feelings niya dahil masasaktan 'yun. Gustong gusto ka niya, Evan. Isipin mo 'yung mabuti."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now