Chapter 25

54 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE


Umuwi kami sa bahay at laking gulat ko ng makita ang mga kaklase ko dito. Sumikip ang espasyo ng bahay dahil sakanila. Medyo maliit lang naman kasi ang bahay namin kaya di talaga magkakasasya lahat ng kaklase ko rito. Pero kahit na ganon, masaya parin ako dahil nandito silang lahat para suportahan ako.

"Katrine!" Tawag sakin ni Mama. Lumapit siya samin ni Kenrick kaya mabilis kong kinalas ang kamay ni Kenrick sa kamay ko. Hindi niya muna pwedeng malaman na kami na ni Kenrick.

Napatingin sakin si Kenrick ng nakakunot ang noo. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at sinenyasan si Mama. Mukha namang nakuha niya ang gusto kong mangyari kaya tumikhim nalang siya at umayos ng pagkakatayo.

"Saan ba kayo nanggaling? Bigla ka nalang nawala kanina." Sabi ni Mama at tinignan kaming dalawa ni Kenrick.

Tumikhim ako, "Uhm, diyan lang po sa labas, Ma."

Kumunot ang noo ni Mama, "Bakit nagkalat ang make up mo? Teka, umiyak ka ba?"

Nataranta ako bigla at sinulyapan si Kenrick. Nanatili itong kalmado habang nakatingin kay Mama.

"Ano kasi... uhm.. tears of joy! Oo tama! Iyon nga 'yun, Ma." Sabi ko at kunwari pang natawa. Ilang segundo akong tinitigan ni Mama bago siya tumango at nakumbinsi.

"O siya, bibili lang ako ng pagkain para sainyo. Antayin niyo nalang ako dito." Sabi ni Mama at lumabas ng bahay. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan si Kenrick.

Nagkatinginan kami.

"Mag-usap tayo sa kwarto, Kenrick." Sabi ko at nilampasan siya. Kailangan kong sabihin sakaniya na hindi muna namin dapat sabihin sa iba ang namamagitan samin.

"A-Anong gagawin natin sa kwarto?" Nauutal na tanong niya.

Kumunot ang noo ko. Ano bang iniisip ng lalaking 'to? Mag-uusap lang kami.

"Mag-uusap nga!" Sabi ko at hinila na siya. Nadaanan namin ang mga kaklase namin na taka kaming tinitigan. Nginitian ko sila.

"Antayin niyo lang kami diyan ha? Saglit lang." Sabi ko at hinigit na papunta sa aking kwarto si Kenrick. Nang maisara ko 'yon, napahugot ako ng malalim na hininga.

"B-Bakit?" Tanong niya.

Tinitigan ko siya, "Tayo na, diba?"

Tumango siya, "Oo."

"Pwede bang 'wag muna nating ipaalam sa iba?" Nahihiyang sabi ko.

Nagkasalubong ang kilay niya, "Bakit naman?"

"Magagalit si Mama't Papa kapag nalaman niyang may boyfriend ako. Masyado pa akong bata at baka paglayuin nila tayo kapag nalaman nila." Paliwanag ko at hindi makatingin sakaniya.

Naningkit ang mata niya, "Baka naman... ikinakahiya mo 'ko?"

Nanlaki ang mata ko at lumapit sakaniya. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Hindi kita ikinakahiya."

Bumuntong hininga siya at niyakap ako. "Sorry, di ko lang maiwasang mag-isip."

Niyakap ko rin siya pabalik, "Basta 'wag na muna natin sabihin sa ngayon. Saka na natin sabihin sakanila kapag tamang panahon at oras na."

"Pero kailan pa? Ayoko ng patagong relasyon, Katrine."

Ilang sandali akong napatahimik bago sagutin ang sinabi niya, "B-Basta mag antay lang tayo ng tamang oras para sabihin sakanila."

Narinig ko ang buntong hininga niya at kumalas sa yakap. Hinarap niya ako at ninakawan ako ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Nakakailan na ang mokong na 'to ah?

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now