Chapter 35

51 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE


Napasapo nalang ako sa aking bibig dahil sa sinabi ni Mama. Sunod sunod na luha ang bumuhos sa aking mata at hindi ko na napigilang mapahagulhol. Bakit umabot sa ganito ang pamilya namin? Hindi na ba talaga maaayos 'to? Bakit kailangan maghiwalay?

"Mama.. please, 'wag mong gawin 'to..." Sabi ko at naisapo nalang ang dalawang kamay sa aking mukha. Tumodo ang iyak ko dahil sa nalaman. Maski si Mama ay wala naring nagawa kundi umiyak.

Ayokong umabot sa ganito ang pagsasama nila Mama't Papa. Ayokong tuluyang masira ang pamilya namin. Ayokong pumili kung kanino sakanila ang pipiliin ko. Ayoko ng ganito. Ayokong maghiwalay sila.

"Hindi na ba talaga maaayos 'to?" Tanong ko habang punong puno ng luha sa mata. Pagod na akong umiyak. Pagod na ako sa mga problemang nangyayari ngayon. Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako? Bakit sunod sunod ang problema? Bakit kailangan naming maranasan 'to?

"H-Hindi ko na alam kung paano maaayos 'to, anak. Ito nalang ang naiisip kong paraan para parehas kaming matahimik ng Papa mo."

"Pero paano naman ako, Mama? Hindi niyo na naisip na mas masasaktan ako sa disisyon na gagawin niyo? Bakit kayo nagpapadalos dalos sa disisyon niyo? Imbis ayusin ang gulong 'to, mas lalo niyo lang pinapalaki ang problema! Please naman, Mama! Mag-isip kang mabuti." Iyon nalang ang huli kong sinabi bago ako tumayo at lumabas ng kwarto nila. Patakbo akong dumiretso sa aking kwarto at padabog na sinara ang pinto.

Napaupo ako sa sahig at napahagulhol ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin sa problemang 'to. Bakit kasi kailangan pang mangyari 'to samin? Bakit sa pamilya pa namin nangyari ang problemang 'to?

Please naman! Pagod na ako! Ayoko ng paulit ulit na umiyak dahil sa pamilya ko. Wala na ba talagang ibang paraan para magkaayos si Mama at Papa? Wala na ba talagang ibang paraan para bumalik ang pamilya namin sa dati?

Pinilit kong tumayo. Kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang number ni Kenrick. Hindi ito sumasagot. Paniguradong tulog na siya. Inilapag ko ulit ang aking cellphone sa taas ng cabinet at lumabas ng aking kwarto. Dire-diretso akong lumabas ng bahay. Biglang dumikit sa aking balat ang malakas na hangin.

Kahit madilim ang paligid, naglakad lakad parin ako. Wala na akong pakialam kung saan ako makarating. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makalayo sa bahay namin. Makalayo sa problema.

Napadpad ako sa madilim na parte dito samin. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig. Patuloy ako sa paglalakad at tumaas ang balahibo ng maramdamang may sumusunod sakin. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa aking likod. Walang tao. Napakunot ang noo ko. Bumalik ako sa paglalakad at maya maya'y nakaramdam na naman ako ng may sumusunod sakin kaya binilisan ko ang aking paglalakad.

Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makita ko nalang ang sarili ko na tumatakbo.

Nagulat ako ng hawakan ako nung sumusunod sakin. Haharap na sana ako sakaniya kaso biglang nagdilim ang paningin ko at napabagsak ang katawan ko sa lupa.

•••

"Teka, buhay pa ba 'yan pre?"

"Tangina mo, buhay pa 'yan!"

"Eh mukhang hindi na humihinga, e. Nasarapan pa matulog."

"Bobo, may natutulog bang hindi na humihinga?"

"Meron! 'Yung patay!"

"Bobo, hindi 'yon tulog! Patay na 'yon!"

Unti unti kong minulat ang aking mata dahil sa mga naririnig na boses. Ilang beses kong kinurap ang mata ko ng makitang maliwanag ang buong paligid at puro puti ang nakikita ko.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now