Chapter 28

61 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Kenrick. Gosh. Hindi lang kaya kami ang tao dito tapos bigla nalang siyang manghahalik ng ganun? Bwisit talaga ang kupal. Nabigla kaya ako sa ginawa niya!

Narinig ko ang tawa ni Kenrick, "Tulala ka na diyan."

Tinignan ko siya ng masama. "A-Ang daming tao dito, Kenrick!"

Tumaas ang kilay niya, "Alam ko."

"Eh, bakit mo ako hinalikan?" Pabulong ngunit matigas kong sabi. Napatingin pa ako sa ibang taong narito pero mukhang di naman nila nakita 'yung pag-kiss sakin ni Kenrick. Nage-enjoy sila sa tanawin at kaniya kaniya sila ng pagkuha ng larawan.

"Kasi gusto ko." Sagot niya lang at ngumisi. Mabilis siyang nagtipa-tipa sa cellphone ko at nagulat ako ng ipasa niya sakaniyang cellphone ang litrato naming magkalapat ang labi. My god. Paniguradong pulang pula na ako sa nangyayari ngayon!

"Wag mo na ngang i-share it 'yan!" Naiinis na sabi ko at kinuha ang aking cellphone sa kamay niya. Ica-cancel ko sana ang pagpapasa ng litrato sakaniya kaso napasa na ito ng tuluyan. Napasimangot nalang ako habang siya ay nakangisi.

"Ayos lang 'yan atleast mahal parin kita." Tugon niya at lumapad lalo ang pag-ngisi. Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Hinampas ko nalang siya at nilagay ang tingin sa magagandang ulap.

Narinig ko ang halakhak niya at napatalon ako sa gulat ng yakapin niya ako mula sa likod. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Ang lakas rin ng tibok ng puso ko at sobrang nag-iinit ang pisngi ko.

"K-Kenrick..." Usal ko at napapikit. Biglang lumakas ang hangin at nahawi ang buhok ko dahil sa lakas nito. Naramdaman ko ang paghinga ni Kenrick sa leeg ko. Hindi ako makagalaw at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Ang dami kong gustong ipangako sayo, Katrine. Sa sobrang dami, hindi ko masabi lahat." Mahinang sabi niya habang yakap yakap parin ako. "Alam kong mga bata pa tayo at marami pa tayong dadanasin sa hinaharap, at sa lahat ng dadanasin natin, gusto kong tayong dalawa ng magkasama ang makaranas nun. Gusto kong ikaw ang makasama ko hanggang huli."

Nag-init ang gilid ng mata ko sa sinabi niya. Parang hinahaplos ang puso ko at para akong maiiyak dahil sa saya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon dahil kasama ko si Kenrick pero sobrang saya ko.

Gusto ko rin na siya ang makasama ko hanggang huli. Pero hindi naman namin hawak ang kapalaran namin. Alam kong may oras na paghihiwalayin kami at iyon ang kinakatakutan ko. Pero hangga't magkasama pa kami ni Kenrick, puro masasayang ala-ala lang ang gagawin naming dalawa.

"Ang tagal na nating magkaibigan, Katrine. Ilang years at doon kita nakilala ng lubusan. Kahit maliliit na detalye sayo ay alam ko. Ang akala ko nung una, hanggang dun nalang tayo. Akala ko hanggang kaibigan lang ang magiging tingin ko sayo. Pero nagkamali ako. Nahulog ako. At mas lalo pa akong nahulog nung sinabi mong gusto mo rin ako. Damn, Katrine. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung sinabi mo 'yun. Para akong maiiyak sa saya." Kwento niya. Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako dahil gusto ko pang marinig lahat ng sasabihin niya sakin.

"Corny na kung corny pero mahal na mahal kita, Katrine. Hindi bilang kaibigan 'yun kundi bilang isang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I can't imagine my life without you. Simula nung dumating ka sa buhay ko, nagkakulay lahat. Simula nung maging magkaibigan tayo, naisip ko na may halaga pala ang buhay ko kasi nandiyan ka. Kailangan kong pahalagahan ang buhay ko dahil ngayon, natagpuan ko na ang taong poprotektahan at mamahalin ko." Huling sambit niya. Tumulo ang luha ko. Naaantig ako sa lahat ng sinasabi sakin ngayon ni Kenrick.

Love Maze (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن